Oh, nagbabalik ang korning manunulat HAHAHA. Enjoy :) (Kaluluwa koy patawarin, may mga mura ang inyong babasahin, dahil sa karakter na gagamitin XD)
ARIES
"Tokneneng! Ang boring, o crush ako'y pansinin!" Sigaw ng bruha kong kaibigan. Kanina pa iyan sigaw ng sigaw ng linyang iyan. Sarap hampasin eh.
"Tokneneng! Ang boring, o crush ako'y pansinin!"
Tae na man oh. Ang ingay ingay ng hayup. "Manahimik ka nga, Pisces! Isa pang sigaw! Humanda ka sa akin!" Sabi ko. Puta, ayaw maconnect! Nagchange password na naman ba ang school?
"Huhu. Crush, pansinin mo ako. Ah! Oh my gosh. Gets ko na! Hihi. Kaya ayaw mo kong pansinin, kasi nahihiya ka? Isa ba namang dyosa ang nagkacrush sayo, I know right? Sus, iyon naman pala eh. Naks, nahihiya ka pala crush? Hihi. Ba't di mo sinabi agad? Nakikiliti tuloy buhok ko sa ilong. Waaah huhuhuhu! Crush!"
At bigla naman siyang kumuha ng panyo at kunwaring nagpahid ng luha habang hawak hawak ang litrato ng crush niya. Tangna.
"Gemini! Pakisapak ng babaeng yan, please. Kaibigan mo naman siya." Sabi ko kay Gemini na nagbabasa ng libro.
"Ikaw na lang friend. Di kami close, mas close kayo. At mas malapit lang kayo ng pwesto." Sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.
"Grabe niyo, I love you both! I feel so loved! Salamat ah! Waaah crush, tingnan mo, pinagtutulungan nila ako."
Sinimangutan ko lang siya at nagpatuloy sa ginagawa ko kahit ang ingay ng bruha. Shutanginamels! Kainis 'tong school na to ah? Kami nagbabayad ng kuryente't lahat lahat, tapos di kami papagamitin ng wifi dito? Pre, masyadong mapagbigay kayo! Bless you all. Woo.
Pinalitan na naman kasi ng password!
"Tara na nga, Gemini. Bukod sa ang ingay ng kaibigan mo dito, walang silbi ang pagstay natin dito sa likod ng office ng principal kasi nagchange password sila ng wifi. Pota. Di ko mareplyan last message ni Virgo eh! Baka makipaghiwalay iyon! Lagot na--ARAY!"
Agad kong sinimaan ng tingin si Pisces na biglang nambatok na ngayon ay naka pokerface. "Problema mo oy?!"
"Assumera mo! Walang kayo ni Virgo!" At tumawa siya ng malakas.
"Meron ah! Nag chachat kami palagi. Pero pag nalaman niyang boypren ko siya, makikipaghiwalay siya. Ang labo niya. Tsk."
"Kung meron kayo! Edi meron din kami ni Leo! Di nga lang niya rin alam!"
"Walang originality! Nakikigaya! Ewan ko sayo! Pakasalan mo yung masungit na iyon!" Oo, masungit crush niya. Diring diri nga iyon sa kanya. Pfft.
"Gemini! Ate Gemi! Look! Inaaway na naman ako ni Aries! Huhu." Si Gemini di man lang natinag sa pagbabasa. Hayy, mga abno mga kaibigan ko.
Patuloy pa rin sa pag iingay si Pisces tungkol kay Leo habang naglalakad kami sa hallway. Pupunta kami ng room kasi malapit ng magbell.
"Shit. Guys, ang boypren ko! Papalapit!" Bigla akong kinabahan kasi papalapit dito si Virgo. Shit talaga, ang gwapo niya! Feeling ko nga kahit titigan niyo lang mabubuntis kayo! Pero di mangyayari iyon kasi off limit sa inyo si Virgo! Akin lang siya!
Tumawa lang ng malakas si Pisces at napailing lang si Gemini. Omaygad. Ok ba itsura ko?
"H-Hi Virgo! Good morning!" Bati ko habang nakangiti. Hayup sa kagwapuhan tong boypren ko, nakakakaba! Ang sakit ng tyan ko bigla feel ko nabuntis niya ako in an instant!
Tinaasan lang niya ako ng isang kilay at dumiretso sa loob ng room at nilagay sa upuan ang kanyang bag at sumubsob sa desk.
PUCHA! Di niya ako pinansin! Bwisit na boypren! Dapat man lang diba, 'Good morning rin, maganda ba gising mo?' Kahit ganyan? Tae. Di nga niya pala alam na girlfriend niya ako. Sa susunod, ipapaalam ko na talaga.
