"Oh, ang haba ng pag-uusap niyo te, infairness! Hahahahaha!" Pumasok na sa loob si Pisces at Gemini. Grr. Bwisit!

"Che! Wala kang pag asa kay Leo! Quits!" Kainis mga walang suporta! Tinawanan lang ulit ako ni Pisces habang lumalapit kay Leo, agad niya itong sineduce putek. Kadiri.

Agad akong umupo sa harapan ni Virgo. Tae na. Kinakabahan ako, baka kasi tinutunaw na ako sa titig ni Virgo sa likod. Malay niyo.

"May papel ka?"

Bigla akong naestatwa. Omeghesh. Ang ganda ng boses mo boypren ko. Nakakainlove masyado. Puta, parang mawawalan ako ng ovaries anytime, sasabog na! Kinikilig ako! Pinansin niya ako!

Agad akong lumingon sa likod, pero agad na nawala ang ngiti ko kasi si Sagittarius pala ang kausap niya. Pero ngumisi ulit ako ng walang papel si Sagi. Buti nalang, may papel ako. Tae. Manghingi ka sa akin!

Lumingon siya bigla sa akin at nagtama aming paningin. "Ikaw?" Pero nakakunot ang noo niya.

Nginitian ko siya, "Ah oo! Ilan?"

"Isa lang." Agad kong kinuha ang papel at kumuha ng isa. Sinadya kong hawakan sa may pinakagilid sa dulo ng papel para makachansing ako. Bwhahaha.

Kinuha niya ito at nagtama ang aming kamay, NAHAWAKAN NIYA AKO. Ay ang manyak putek. Pero hayup! Nakuryente ako.

Tumango lang siya pagkatapos ay nagsulat na.

ANG COLD MO POTA. Walang thank you?! Tumalikod na ulit ako. Tae ang sakit sa heart. Ginagamit lang ako ni boypren, wala siyang paki sa akin. Tangna huhu.

"Thank you." Pabulong niyang sabi.

OMAYGHAD. Kinikilig ako. Tae na dis! Kamatis ang peg ko ngayon. Thank you lang iyon ah? Shit.

Nilingon ko siya, "A-Ah walang anuman. Basta ikaw."

Ang landi putek.

Nag iwas siya ng tingin at di nakatakas ang kanyang ngiti. Shet. Ngumiti siya sa akin! Kinikilig ako.

"Tinitingin mo?" Suplado niyang tanong.

Sinimangutan ko siya, "Wala! Masama bang tingnan ang binigay kong papel? Tsk."

"Tss. Hindi, pero wala naman sa papel ang tingin mo." Bulong niya.

**

Nagaabang ako ngayon ng bus, pero pota naman oh! Ba't halos lahat ng bus puno?! Kainis ayaw ko pa naman ng standing! Pero sige na nga.

May humintong bus at kahit puno, sumakay na ako.

Naghanap ako ng mauupuan pero tae umasa akong meron, wala na nga talaga!

Walang choice kundi tumayo na lang. Ilang beses akong muntikang matumba kasi wala akong makakapitan leche naman oh, ba't di ko kasi maabot. Wala man lang nag offer ng seat! Babae po ako! Mukha man akong mas siga sa lalaki pero babae ako. Chivalry is dead na nga!

Pahinto hinto iyong bus kasi nagpapasakay pa sila ng mga pasahero. Aba sumosobra na talaga ito! Alam ng puno na eh tae.

Biglang pumreno ang bus at ulit muntik na naman akong matumba!

"Bwisit naman!" Bulong ko habang kumakapit sa isang...braso?

"Hands off."

"V-VIRGO?!" Nandito pala asawa ko? Ba't di ko namalayan? Omg. Omg. Tae.

Tiningnan niya ng masama ang kamay ko sa braso niya. Ang sama ng tingin niya. Eh enebe, mamaya na. Nagpatay malisya lang ako. Di ko muna tinanggal kasi sinulit ko. Ang laki ng braso ng asawa ko tapos inamoy ko siya. Kainlove. Pota. Ang bango!

Turtle net! (One Shot)Where stories live. Discover now