CONFESSION

22 0 0
                                        

Guys!^^ pakiplay nalang po nung audio sa kanang side.

● ● ● ●


Ang Confession Ng Isang Broken Hearted.

Ano nga ba yung goal mo ngayong taon? Yung magkaroon ng goodlife? Yung good fortune? Eh yung happy family? At yung lovelife na walang ending?

Noon aaminin ko marami akong goal. Shopping goals, Student goals, Bestfriend goals, Financial goals at yung Ate goals.

Pero naging ISA lang ang goal ko nung nagkagusto ako sa kanya. Yung masabi yung nararamdaman ko sa kanya na alam kong hindi pangkaraniwan.

Yung kahit walang kapalit ok lang. "Crush" lang naman eh. Crush is paghanga lang naman sabi ni Lola kaya walang masama dun.

Yun lang naman yung gusto kong matupad bago matapos yung taong 2015.

Hiningi ko yung number niya sa tita ko. Kasi sabi ko may itatanong lang ako at yun lang.

October 2, 2015

Tinext ko siya at tinanong yung gusto kong itanong sa kanya. Bawat salita ay binabasa ko ng paulit-ulit para makita kung may mali ba bago ko isend sa kanya.

Pagkatapos ng convo na yun nag goodnight na ko agad agad at sinabi ko na pasensya na sa abala at kakulitan ko. Sabi mo ok lang naman pero nag goodnight pa rin ako.

October 3, 2015

D'on ko unang na realize na hinahangaan ko siya. Tinatawag ko siyang kuya. May po at opo rin sa bawat pangungusap na binibigkas ko.

Syempre feeling close(fc) muna kaso kahit na pareho kaming nag lalaro ng COC kailangan ko pa rin malaman yung limitasyon ko bilang mas bata sa kanya.

Kung baga bukod sa mas matanda siya ng halos 5yrs. Sakin, ay may girlfriend siya.

October 4, 2015

I started reminding him. Niremind ko na mag lunch na siya. Niremind ko na bawal siyang magpalipas ng pagkain.

Nung mga araw na yun di pa ko nag eexpect ng kahit ano. Ang sakin lang mapaalalahanan kita kahit papano. KUYA nga kasi.

October 5, 2015

Ginigreet ko na siya sa umaga. Simula nitong araw na 'to hindi na hinto yung pagbati ko sa kanya ng 'goodmorning at goodnight'

Lagi ko siyang dinadaldal sa text kahit na alam kong WALA talaga siyang gana na maki pag text sakin.

Siya kasi yung tipo na isang tanong, isang sagot. Sa sagot niya makikita na wala talaga siyang 'interes' maki pag usap sakin.

October 6, 2015

Things get repeated. Lagi ko siyang nireremind, lagi ko siyang binabati at lagi kang kinukulit.

And yes! Close na nga kami. Shinare ko pa nga sa kanya yung plano ko sa birthday ni Tita at kinulit kita na kailangan may regalo ka kahit sulat lang.

Pero AYAW niya kasi sabi niya di siya marunong mag sulat. Sabi ko naman "meron bang nag aaral na di marunong mag sulat?" At ang sabi niya "Oo, ako"

Pero di ako sumuko. Kinulit ko siya hanggang sa mapa-OO siya.

October 7, 2015

Birthday ni tita at showing ng palabas na panonoorin natin. It went well. Lahat ng nangyari base sa plano ko. Manood ng sine kasama tayo at isurprise si tita pagkatapos nun.

--sa part na umamin na ko sa kanya--


December 24, 2015 *11:42pm*

Ang hilig ko mang hot seat. Yung magtatanong ng obvious na di masasagot. Pero nung tinanong ko siya, akala ko di siya sasagot. Sabi niya pa nga nun "tara! Game"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOT STORIESStories to obsess over. Discover now