God Gave Me You - 23

Magsimula sa umpisa
                                    


Bukas na ang naturang computer shop nang dumating ako. Nakangiti ang lalaking nakabantay sa counter.


"Ilang oras, miss?" friendly na tanong ng bantay.


"Open hour lang, please," sagot ko na naupo sa tapat ng PC number na sinabi ni kuya. Ilang saglit pa ay abala na ako sa pagse-search sa Google ng online store kung saan ko pwedeng bilhin ang mga pinapabili ni senyora.


Luckily ay may nakita ako—ang "a-MAICY-ng One Stop Shop"—na may tagline na, "Express Delivery. We deliver everything and anything."


Iyon mismo kailangan ko ngayon. Kinuha ko ang telephone number ng naturang shop at pagkatapos ay nakigamit naman ako ng telepono kay kuya na panay ang ngiti sa 'kin.


Ilang saglit pa ay may kausap na 'ko sa kabilang linya at dinidikta ko ang mga bibilhin ko. "Yes po. Rush po sana. Opo, opo. Kahit mag dagdag na lang po ako ng extra charge," sabi ko. Ang mahalaga ay mai-deliver nila ng maaga ang mga kailangan ko. Dahil ang sabi ni senyora ay huwag akong uuwi nang hindi ko nakukumpleto ang mga pinapabili niya.


Fortunately ay kompleto ang "a-MAICY-ng One Stop Shop" ng mga kailangan ko. Amazing nga ang naturang shop! All I have to do is hintaying mai-deliver ang mga iyon dito na rin mismo sa computer shop.


Mabuti't mabait ang bantay at binigay niya ang complete address dito. In return ay nakipag-chikahan ako sa kanya matapos kong mag log-out sa Facebook account ko. Nakapag message na 'ko sa kapatid ko at nasabi ko nang na snatch ang phone ko bagama't okay naman na kako ako.


Mahigit isang oras pa lang kaming nag-uusap ni Bert—iyon ang pangalan ng mabait na bantay ng computer shop—ay medyo napagod na ang lalamunan ko sa kaka-chika kaya nagpaalam na muna akong pupunta sa coffee shop at magkakape kako muna ako.


Iyon na nga mismo ang ginawa ko. Ang supposedly ay "pamasahe" ko ay ilalaan ko sa pang kape ko ngayon. Hindi naman na siguro masama 'yon.


Ilang minuto pa lang akong nakaupo sa isang sulok ng naturang coffee shop nang mamataan ko si Alden na papasok rin ng coffee shop. At hindi siya mag-isa. May kasama siyang magandang babae na nakasuot ng malaking shades. Halos kalahati ng mukha ng babae ay natatakpan ng naturang shades.


Nakahinga ako nang maluwag nang sa kabilang panig ng café sila pumwesto. Sa sulok ng mga mata ko ay nakita kong hinawakan ni Alden ang babae sa ulo at pagkatapos ay isinandig sa balikat niya. Baka girlfriend niya, naisip ko.


At nang hawakan ni Alden ang pisngi ng babae ay nag-iwas na ako ng tingin. Parang alam ko na kung ano ang susunod na eksena. At dahil feeling ko ay nanunubok na ako sa amo ko, nagpasya akong tumayo na at bitbit ang kape ko ay tumawid na ulit ako sa computer shop. Laman pa rin ng isip ko si Alden at ang babaeng kasama niya.


Mabuti na lang at kahit papaano ay nadistract ako nang simulant ulit akong chikahin ni Bert ng kung ano-ano.


Pasado alas-dose nang dumating ang delivery boy mula sa literal na amazing shop. Natuwa ako dahil super bilis ng proseso. I silently hoped na sana dumami pa ang costumers ng naturang shop.


"Maraming salamat," sabi ko sa delivery boy matapos niyang iabot sa 'kin ang dalawang plastic bag.


"Walang anuman po, ma'am. We're looking forward for your next transaction," anito at nagpaalam na.


Nagpaalam na rin ako kay Bert. "Maraming salamat sa time."


Pagdating ko sa mansiyon ay naabutan ko si senyora Nidora na nakaupo sa may porch habang may kausap sa cell phone. Halatang nagulat siya nang makita niya akong papasok ng gate at may bitbit na dalawang plastic sa magkabila kong kamay.


Tila hindi siya makapaniwala na nakabalik agad ako. "Kompleto 'yang mga 'yan?" disimuladong tanong niya.


"Opo," sagot ko.


"P-pero..." mahinang usal ni senyora sa sarili. "...paano ka nakabalik agad, eh, andami kong pinabili?"


"I have my ways, senyora," makahulugang sagot ko bago nag excuse para pumunta sa kusina.


Tom jones na ako't kanina pa nagrereklamo ang mga alaga ko sa tiyan. Pero bago pa man ako lumafang ay niyaya ko pang kumain si lola pero tumanggi siyang sabayan ako. Nagpa-deliver daw siya ng pizza.


With that ay kumain mag-isa na akong kumain sa kusina habang nakikita ko naman si senyora na napapasulyap sa akin. Mukhang napagtagumpayan ko ang unang challenge niya.


Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon