A Walk in the Rain [1]

12.3K 191 13
                                    

Chapter 1: The Royalties


Ako si Alyanna Rain dela Fuente. 15 years old at isang lang typical high school student. Nag-aaral sa St. Mark's Academy. Likes and dislikes? Ayaw ko sa manloloko at lalo na sa nang-iiwan. Ano pa? Greatest dislike ko lang naman ang pangalan ko. Tama kayo. I hate my name. Uhmm, not really the whole thing. I like being Alyanna. And being a dela Fuente. But... I hate being called "Rain." Just like my name, I totally hate the rain itself. It makes me sick. Not physically but emotionally. 

SYAAA! Tama na nga. Nagiging O.A. na talaga ako! Kayo kasi eh!

Okay. Papasok na nga ako sa school!

Today is Monday at second week palang sa school. Di pa nga kami kumpleto eh. May 3 pang di pumapasok dahil on vacation! Oh ha!? Sosyalin. Well, wala naman akong pakialam. Saka kahit pumasok sila, di ko din sila makikilala. Sampu nga lang kilala ko sa'min e! Kalahati pa dun eh di ko ka-close!

"Aly!" -Someone from somewhere. Lumingon ako only to find out na si Trisha pala 'yun. 

"Hello!" sabi ko. 

"Grabe naman 'to! Ang formal mo 'teh! Parang di kita bestfriend ah?" Ang gulo naman nya. May pa-formal-formal pang nalalaman. At least binati ko. 'Di ba?! 

"Okay. Hi Trisha!" sabi ko na may halong sarcasm. 

"Hahaha! Tara na sa room!" Hala? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Ba'la nga sya sa buhay nya!

So, pumunta na kami sa room. And... nagkakagulo yung mga tao. Worse eh, dun pa sa may upuan ko. Pa'no ako uupo ngayon? Este, saan pala ako uupo?

"Anong nangyayari?" tanong ko kay Trisha. 

"AYYY! Oo nga pala! Ngayon na ang dating St. Mark's Royalties from their European trip!" HUH? Anong pinagsasasabi ng babaeng 'to!? 

"Pakelam ko naman sa mga 'yon." Eh sino ba 'yung mga 'yun? Ang gusto ko lang naman eh makaupo na! 

"Di mo sila kilala? OMG!" Sa hindi nga e! 

"No. Don't care either. Just wanna sit now!" Bigla nalang nag-alisan yung mga tao nang may tumayong unknown guy.

"WAAAAHHH!! Si Rafael!" Ano ba naman 'tong mga 'to? Para tumayo lang yung lalaki! 

"Edward Cullen talaga sya!" Anong Edward Cullen kayo dyan?! Ang layo nga eh.

Tumingin sa'kin si "Rafael" daw gamit ang 'di-mo-talaga-ako-kilala?' look. At tiningnan ko naman sya ng 'sorry-di-talaga' look.

May tumayo namang dalawa pang lalaki mula sa pinagkatayuan nya kanina.

"Pa'no 'yan Marcus, meron pa palang di nakakakilala sa'yo dito," sabi nung isa nyang kasama. Akala ko ba "Rafael?" Bakit "Marcus" naman! A'a! 

"Parang kilala kayo n'yan ah!" sagot naman nitong si Marcus/Rafael o kung sino man sya. 

"Hi Miss, Nathan here!" sabi nung isa sa'kin at nag-iritan na naman ang mga babae sa tabi ko. Ew. Ang lalandi! 

A Walk in the RainWhere stories live. Discover now