"Shit!"
Nagmadali akong pumunta sa aking classroom dahil sa inaakala kong late na ako, pero pagkadating walang tao sa loob. Pwera nalang sa lalaking walang puso.
Oo, wala syang puso. Hindi nya alam kung gaano kasama ang ginagawa nya sa mga tao basta mag-enjoy lang sya. Minsan gustong-gusto ko na yan sakalin eh tapos dumating sa point na mamatay nalang sya, every person's dream.
"B-b-bakit w-walang tao?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin lamang sya sa akin na parang statwa ako. Hindi nya manlang sinagot ang question ko at tumingin ulit sa malayo. May tinitignan sya mula sa malayo kaya lumapit ako at umupo sa tabi nya. Tinignan ko ung tinitignan nya sa malayo at nakita ko na isa syang magandang dilag.
"Ang ganda nya no? Tingin mo, mabait kaya yan?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Yeah" pagsang-ayon nya sa akin
Nagulat ako dahil hindi ko kailanman iisipin na sasagutin nya ang kwestyon ko, pero mas nagulat ako na ang isang cold hearted ay nagkagusto sa isang tao? Siguro kaya sya naging cold dahil sakanya?
"Sino sya? Kakilala mo?" Tanong ko na naman sakanya.
Tumingin sya sa akin at sinabing "Hindi!" pagkatapos nyang sabihin iyan ay lumabas na sya ng classroom.
Mag-isa na lang ako sa loob, pumunta ako sa pwesto nya at tinignan ang babae. Napakaganda nya talaga. Hindi na ako magtataka na may gusto sya rito. Ang sarap nya pagmasdan dahil sa kanyang kagandahan. Mag-isa lang din syang nakaupo sa ilalim ng puno. Nagbabasa sya ng libro, manga ata yun. Pero nagulat ako at tumabi sakanya ung lalaking cold-hearted. Ang saya nila. Tinignan kong maigi ang mukha nung lalaki at nung babae. Magkamukha sila! Hindi kaya magkapatid ito?
Pumunta ako sa baba at dumiretso malapit sa puno, nagtago ako sa gilid para hindi nila makita. Naririnig ko ang usapan nila.
"Kuya! Kamusta? Nakita kita doon sa taas kasama ung crush mo ah? Ayieeee!"
"Shut up."
"Uuiiii namumula! Hahahaha! Huwag kang mag-alala kuya irereto kita doon sa babaeng yon!"
Yan lamang ang mga salita na narinig ko. Tama ang hinala ko! Magkapatid nga sila. Pero magkaibang magkaiba sila ng ugali. Pero hindi parin ako makapaniwala na ang isang hamak na nobody ay magugustuhan nya? Ako magugustuhan nya? Imposible! Kanina nga hindi nya ako kinakausap.
Uwian na namin ngayon. Hindi ko na ulit nakita yung lalaki. Well hindi ko naman talaga inaasahan na makakasabay ko sya sa pag-uwi. Pero nagkakamali ako. Nakita ko sya sa tabi ng aking bisikleta. Nakasandal sa dingding. Ang gwapo nya pala. Mukhang anghel ang kanyang mukha. Pero ang ugali nya malademonyo. Dumiretso ako sa aking bisikleta nang hawakan nya ang palad ko.
"C-can I take you home? I-i m-mean ihahatid na kita sainyo." Aniya.
Tama ba ang pagkakarinig ko? Ako? ihahatid ng lalaking 'to?
"Hindi, ano, okay lang. May bisikleta naman ako." Sabi ko sakanya nang nakangisi.
"A-ah g-ganun ba? S-sige. Ingat ka ah?"
Nginitian ko na lamang sya bilang sagot at dumiretso na sa aking bisikleta. Nang nagpaandar na ako ng bisikleta ko may nakita ako nakasunod na kotse sa gilid ko. Mabagal rin ang pagkakatakbo nya parang sinusundan ako. Bumaba ako ng bisikleta at kinatok ang bintana ng kotse.
"Hello? Pakibuksan po ng bintana may itatanong lang po ako." Sabi ko.
Nagbukas na ang bintana noong kotse at laking gulat ko na ung lalaki ung nakita ko. Pulang pula ang mukha nya nang nakita ko sya. Hindi ko aakalain na susundan nya ako!
"B-bakit mo ako sinusundan?" Sabi ko sakanya.
"G-gusto kong makasigurado na l-ligtas ka." sabi nya,
"Gusto mo talaga ako sumabay sa iyo ano?"
Tumango na lamang sya bilang pagsang-ayon sa tanong ko. Kaya't iniwan ko nalang ang aking bisikleta sa tabi noong tindahan at babalikan ko nalang mamaya. Dumiretso na ako sa kotse nya. Sa likuran. Pero pinigilan nya ako at pinaupo sa harapan. Nakadating na kami sa bahay namin. Laking gulat ko ulit dahil alam nya kung saan ako nakatira! Nakakahiya isipin na nakita nya ang maliit na tirahan ko.
"Salamat sa paghatid!"
"No problem." Pagkasagot nya niyan ay ngumisi sya.
Lalo syang gumwapo noong ngumisi sya. Nag-init ang pisngi ko at tumakbo nalang ako sa loob ng aking bahay. Mag-isa lamang akong tumitira dito dahil iniwan ako nang aking magulang noong ako ay bata. May kumuha na lamang sa akin. Kaya lang ay ang taong kumupkop sa akin ay namatay na. Dahil sya ay binaril kahit walang kasalanan.
Kinabukasan, nakita kong nag-aabang ang kotse noong lalaking yun sa labas ng aking bahay at hinatid ako papuntang eskwelahan. Lumipas ang ilang araw, hinahatid sundo nya ako. May pagkakataon rin na sinasabayan nya ako maglunch sa canteen. Minsan ay sya rin ang nagbabayad ng pagkain ko.
"Ahmmm... Salamat ah? Ilang beses mo na ako inihatid-sundo at paminsan minsan ay nililibre mo rin ako sa pagkain. Ano bang maiibibigay ko saiyo bilang kapalit?"
"Hindi na kailangan. Isang oo mo lang ay okay na ako." Ngumisi sya.
"Oo?"
"Kasi may itatanong lang ako." Lumuhod sya sa harapan ko at sinabing "Will you be my Girlfriend?"
Doon ko lang napagtanto na kaya nya pala ginagawa iyon ay dahil nanliligaw sya. Napaluha ako nang kaonti dahil hindi ko aakalain na ang lalaking to na kinaiinisan ko ay magugustuhan ko. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na sabihing
"Yes! Oo! Girlfriend mo na ako!"
Tuwang tuwa sya at pagkasagot ko sakanya ay naramdaman ko nalamang ang kanyang malabot na labi sa aking labi. Niyakap ko sya at tumulo na ng tumulo ang luha ko. Pinunasan nya iyon.
"I love you." Nakangisi sya sa pagsabi niyan at sinabi ko ring
"I love you too." Siniil nya ulit ako ng halik. Pero ngayon ay medyo matagal na.
Hindi ko aakalain na ang isang cold hearted man ay mapapaibig ko. Hindi ko rin aakalain na ang taong kinaiinisan ko ay magugustuhan ko at magiging kasintahan ko. Totoo nga talaga ang kasabihan na "expect the unexpected."
-THE END-
YOU ARE READING
Cold-Hearted (ONE SHOT)
Short StoryNaniniwala ka ba sa kasabihan na "expect the unexpected"?
