Uupo sana ako ng biglang sumigaw si Mary joy dahilan para hindi ko matuloy ang pag upo ko

"Wait Yen. Wag kang uupo. Sira yang upuan mo. Pinalitan nila"

Napatingin ako sa dako ni Ri. Nakangisi sya saakin. So alam ko na kung sino ang may kasalanan.

"Ah salamat" Sagot ko kay Joy.

Humanap ako ng ibang upuan. Balak pa nila akong ipahiya sa buong klase ah? Hindi ko lubos na maisip na magiging ganito ka bitch si Ri. I know her. Hindi sya gagawa ng ikaka pahamak ng iba. But now, pinakita nya saakin na pwedi syang maging Bitch.

Napabuga ako ng hangin.

"Ang kapal din ng mukha mo na pumasok ah?" Pag paparinig nya saakin

Nginitian ko sya. Sometimes the best revenge is to smile, move on and do nothing. Hindi ko sya papatulan dahil alam kong mali ako.

Kinuha ko ng headphone sa bag ko at inilagay ko sa mag kabilang tenga ko.

Hindi ako nag patunog ng kahit ano. Inilagay ko lang iyon para inisin sila.

At hindi nga ako nag kakamali.

"Arghhhhh!" Narinig kong sigaw ni Ri.

I told you. Madali lang mang inis.
Ipinikit ko ang mata ko. Wala akong pakealam kung saksakin man nila ako patalikod oh ano. Konsensya na nila iyon. Pumasok ako sa school para mag aral hindi para patulan sila.

Bigla nalang nanahimik ang mga maiingay kong kaklase. Kaya iminulat ko ang mata ko. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sorbrang titig na titig saakin si Zach.

Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung paano ba ako kikilos ngayon.

Dumeretso sya sa upuan nya sa likod.

Naramdaman ko ang tensyon sa room namin. Tatlong upuan ang pagitan namin ni Zach. Malapit ako sa bintana ngayon. Ayokong tumingin sa gawi nya.

Bigla nalang nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.

One Message Recieve
From: My Prince <3
Bat nandyan ka? Umupo ka dito.

Napangiti ako ng mapait. Pinalitan ko na ang pangalan ni Zach sa cellphone ko. My prince. Because he treat me like his Princess.

Itinago ko sa bulsa ko ang cellphone ko. Hindi na ako nag abalang mag reply pa.

Hindi rin nag tagal ay dumating na si Mrs. Catacutan.

"GoodMorning class"

Tumayo kaming lahat at bumati "GoodMorning ma'am"

Agad na napatingin sa dako ko si Mrs. Catacutan

"Bat nandyan ka Ms. Castillo?"

Hindi ako sumagot. Nag kibit balikat lang ako. Pero hindi ko inaasahan ang ginawa ni Joy

Tumayo ito at lumapit sa upuan ko. Inapakan nya ito dahilan para matumba ng upuan. I mean nasira. Inalis lahat nila ang tornillo ang upuan ko. Plastic kasi ang upuan at bakal sa ilalim. Kaya madali nilang masira.

"Sinira po nila ang upuan ni Athea ma'am. Gusto po nilang umupo sya dyan para masaktan"

Kahit paano nakakataba ng puso na may taong kaya kang ipag tanggol.

Bakas sa mukha ni Mrs. Catacutan ang pagka bigla. Tumingin ako sa gawi ni Zach at nakita ko ang pag aalala sa mukha nya. Nginitian ko lang sya para ipakita na Okey lang ako.

"Who did that?" Maawtoridad na tanong ni Mrs. Catacutan

Sasagot sana si Joy ng tumayo ako "Ma'am. Lets forget about this. Just start with our lesson. I dont mind it naman."

"Are you sure about this Ms. Castillo?"

Tumango lang ako. Ayoko nang humaba pa ang usapan. Gusto ko lang na tumahimik ang lahat. Sawang sawa na ako sa away.

Sa buong klase ni Mrs. Catacutan ay lutang ako. Naka tingin lang ako sa binatana.

Paano ako mag aaral ng mabuti kung lahat ng mapang husgang mata ay nakatingin saakin?

Nakahinga ako ng maluwag dahil break time na. Ilang oras ang tiniis ko.

Nag ayos na ako ng gamit.

"Zach! Tawag ka ni Mrs. Catacutan sa faculty room!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga classmate namin.

Bakit kaya sya ipinatatawag ni Mrs. Catacutan? Kanina pa kami walang imikan ni Zach. Ewan ko ba parang gusto kong mapag isa ngayon.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko lumakad na ako palabas.

Nakita kong naka abang sa pinto si Ri at ang mga alalay. Kinutuban ako ng di maganda.

Naglakad lang ako papunta sakanila. Makakalabas na sana ako ng patirin ako ni Ri dahilan para mahulog ko ang mga librong hawak ko.

Nagtawanan sila na para bang wala ng bukas. Pinulot ko lahat ng libro ko. Tumingin ako sakanila bago ko sila lagpasan.

Bullshit. Gustong gusto ko silang kalbuhin sa ginagawa nila saakin. I promise to my dad na hindi ako makiki pag away. Kaya pilit kong hinahabahan ang pasensya ko.

Pumunta ako sa locker room para ilagay ang mga libro ko. Pagbukas ko ng locker ko bigla nalang may palakang tumalon sa dibdib ko dahilan para mag sisigaw ako

"Kyaaaaaah!"

Nagtatalon talon ako. Yuck. Ayoko sa lahat ay palaka. I close my fist. Malapit na akong maubusan ng pasensya.

She's dating Mr. Eye glassesWhere stories live. Discover now