Natawa ako sa ginawa nya dahil pagkatapos nya ako halikan ay para syang baliw na tumakbo palayo.

Hawak hawak ko ang pisngi ko papasok ng bahay.

--

"Bwisit. San mo ba ako dadalhin?"

Kanina pa ko hatak hatak ni Zach. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ayaw nya naman magsalita.

Kaya nagpa hatak nalang ako sakanya.

"Wlangya ka. Dito lang pala tayo pupunta" inis na bulyaw ko sakanya.

"Ilalayo lang kita sa Ex mong muktang tuhod"

"What? Sinong mukhang tuhod si Kean? Oy yang bibig mo ah Zach" Pinalo ko sya sa braso

Umupo kami sa ilalim ng puno. Nandito kami sa likod ng school. Hindi pumasok si Ri ngayon kaya malaya kong malalapitan si Zach. Na kokonsensya din naman ako sa ginagawa ko sa kaibigan ko. Pero mali bang ipaglaban mo ang mahal mo? Lalo nat alam mong may laban kana man kahit papaano?

"Pinag tatanggol mo ba si Kean?" Tinaasan nya pa ako ng kilay.

"Pwedi ba Zach. Hindi ko sya pinag tatanggol. Ayoko lang na matuto kang mag sabi ng Negative tungkol sa iba. Baka akala pa ng iba tinuturuan kita"

Isindal nya ang ulo ko sa dibdib nya at niyakap ako. Naririnig ko ang pintig ng puso nya. Sobrang bilis. Namula bigla ang mukha ko. Dahil ba saakin kaya ganyan kabilis ng tibok ng puso nya?

"Wala akong pakealam sa sasabihin ng iba Yen. Ano bang iisipin nila tungkol sayo? Ano kaba? Wala. Dont think negative about yourself Yen. I like you because you're not afraid to show who you truly are. I love the way you are. Be proud. Because I am proud to be your Man"

I was caught off guard. Sana lang dumating yung araw na hindi na namin kailangan mag tago. Niyakap ko din sya ng mahigpit.

"I love you Zach. Thankyou for loving me. I am lucky to have you. Im so sorry if we need to keep our relationship like this"

"Shhh. Your such a cry baby. Haha. Are you free later?"

Umalis ako sa pag kakayakap ko sakanya.

"Why? Yayayain mo ba ng date?"

Ngumiti sya ng malapad at hinawakan ang kamay ko.

"Oo. Gusto mo ngayon na. Lets go"

Nabigla ako ng hatakin nya ako  patayo. Tumakbo kami palabas na mag kahawak ang kamay. Dumaan kami sa likod para hindi kami makita ng mga estudyante.

Nakatingin lang ako sa likod nya habang tumatakbo. Hindi ko alintana ang init at pawis. Basta kasama ko si Zach. Lahat kaya ko.

Hingal na hingal ako pag kasakay namin ng Jeep.

"Are you okey?" Puno ng pag aalala ng mukha ni Zach.

Ngumiti ako at tumango. Nabigla ako ng punasan nya ang pawis ko gamit ang panyo nya. Yumuko ako dahil nakatingin lahat saamin ang pasahero sa jeep.

"Nakakahiya Zach" Bulong ko sakanya

Hindi nya ako pinansin. Patuloy lang sya sa pagpunas ng mukha ko. Kaya hinayaan ko nalang sya. Pagkatapos ng punasan ang mukha ko. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at ipinunas sa mukha nya.

Hindi ko pinansin ang mga taong naka titig saamin. Pero deep inside nahihiya ako sa ginagawa ko.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa Mall. Hawak nya ang kamay ko papasok sa mall.

"Zach. Bitawan mo na ang kamay ko. Papasok na tayo"

"Psh. Kainis. Bakit ba kasi iba pa ang entrance para sa babae at lalake?"

Natawa ako sa mukha nya. Naalala ko tuloy bigla noong una kaming pumunta sa mall. Ganito din ang reaksyon ng mukha nya noon. Hindi mo maipinta.

Tawa tawa akong pumasok sa Mall habang hinihintay ang naka busangot na si Zach.

"Hey. Pumapangit ka" Asar ko sakanya

Pero hindi nya ako pinansin. Nilagpasan nya lang ako kaya hinabol ko sya at hinawakan ang kamay nya ng mahigpit.

"Oh ayan na. Ang dami mo pang drama eh"

I heard him chuckle.

Naglibot libot kami sa loob ng Mall. Kanina pa kami pa ikot ikot pero wala pa kaming nabili. Ewan ko ba sa kasama ko.

Kinakabahan din ako na baka may makakita saamin.

I take a deep breath and erase that thought in my mind.

"Ano bang hinahanap mo?" Tanong ko sakanya pag pasok namin sa isang Jewerly shop.

Inilibot ko ang tingin ko ang daming magagandang Necklace.
Napatingin ako sa isang Necklace. Silver iyon na may pendant na heart na may pana. May diamond sa iyon side. Its too girly. Pero bagay naman kay Zach. I think.

Tumingin ako sa likuran ko. Nakita ko si Zach na pumipili sa kabila. Kaya I grab the chance para bilhin yun.

"Miss. I'll buy this one. Faster  please" Pakiusap ko

Nginitian ako ng sales lady. Iniabot ko sakanya ang ATM card ko. "Wait a minute ma'am"

After 5 minutes iniabot na saakin ng Sales Lady ang binili ko. Inilagay ko iyon sa bag ko.

Sakto naman ang pagdating ni Zach na may bitbit na Isang Gold Necklace na may pendant na letter M.

"Kanino yan?" Tanong ko sakanya

Umikot sya saakin at inilagay sa harapan ko ang buhok ko. Nabigla ako ng may malamig na bagay na dumampi sa Leeg ko.

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso. Iniharap ako ni Zach sakanya. Sobrang lapad ng ngiti nya saakin.

Hinawakan ko ang pendant ng necklace na ibinigay nya saakin.

"M stand for Miguel"

Hindi ko mapigilan ang yakapin sya ng mahigpit "Thankyou Zach"

"You deserve everything baby" Bulong nya saakin.

Napag pasyahan na naming umiwi dahil mag gagabi na din. May pupuntahan pa daw si Zach. Hinatid nya ako saamin.

"Thankyou for this Day Yen. Pasok kana"

Hinalikan nya ako sa noo. Akmang aalis na sya ng hatakin ko sya.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang binili ko kanina.

Itinago ko muna sa likod ko ang binili ko sakanya "Ano yan?" Nagtatakang tanong nya.

"Upo ka muna" Sabi ko sakanya

Sinunod nya ang sinabi ko kaya inilagay ko ang Necklace na binili ko sakanya.

"Binili ko yan kanina. Medyo girly sya pero bagay mo naman. Wag mong aalisin yan ah? Iloveyou Zach" Bulong ko

Tumayo sya at niyakap ako ng mahigpit "I promise I will takecare this. Promise me too okey? Thankyou yen. Iloveyou more"

She's dating Mr. Eye glassesМесто, где живут истории. Откройте их для себя