Manila, Philippines
Matapos ang matinding away namin ni Mommy kagabi, nagkulong ako sa kwarto. Kahit anong katok ng maids namin para kumain ako, I refused and shut them down. Sorry but, I'm just sick and tired of all these bullshits. I've had enough. Pagod na pagod na akong makisama kay Mommy.
Buong gabi, buong araw akong iyak nang iyak. Ang dami kong napagdaanan recently. It feels like i want to end all these. I recently broke up with James, na siyang mahal na mahal ko. And ngayon naman, may matinding tension ako kay Mommy. I just want all these to end. Ayoko na.
I finally got up from my bed, searched for my suitcase and packed my things up. I'm sneaking out. Tatakas ako sa buhay na ni minsan ay hindi ko pinangarap. Siguro nga, hindi para sa'kin ýung ganitong buhay. Kailangan kong hanapin ang sarili ko. Pakiramdam ko na kailangan kong lumaya.
Ilang saglit pa, tinawagan ko si Simon -- ang private investigator na binayaran ko para bantayan si Julia araw-araw sa Batangas.
"Simon, papunta na ako dyan," ang sabi ko sa kanya, sabay labas sa kwarto ko nang dahan dahan. Alas tres na ng umaga 'yun. Lahat sila mukhang tulog na. Dahan dahan akong lumabas ng bahay.
Matapos magpa-book ng trip papuntang Batangas, matiyaga akong naghintay. Iniiimagine ko na kung ano kaya ang mangyayari kapag nagkita kami ng kakambal ko. Ano kaya magiging reaksyon niya? Sasama kaya siya sa'kin kung sakaling ayain ko siya pauwi sa bahay?
Nang walang ano ano'y dumating na ang bus papuntang Batangas. Farewell for now, Manila. Julia, papunta na ako. Magkakasama na tayong muli. Hintayin mo ako.
- - -
Batangas, Philippines
Lia's POV
Maaga akong nagising ulit nun, para magtrabaho sa hotel kung saan janitress ako. Ngunit medyo masama ata ang pakiramdam ko ngayon. Nahihilo ako. At medyo mataas ata ang body temperature ko. Dahil doon, pinauwi na ako ng boss ko.
"Umuwi ka na hija, baka kung ano po ang mangyari sa'yo dito. Magpahinga ka at magpalakas, okay?"
"Sige po, maraming salamat po talaga."
Isang maaraw na umaga yun, pero sobrang lamig pa rin ng pakiramdam ko. Tama nga, may lagnat ako at kailangan ko nang mag-ipon ng energy at makapagtrabaho ulit. Habang naglalakad pauwi, nakaramdam ako ng kakaiba. Tila ba ay may sumusunod sa'kimn. Lumingon ako, pero parang wala naman. Kaya tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad.
Ilang minuto pa ang lumipas, hindi na talaga ako komporable. Lumingon ulit ako sa likod ko, wala naman akong nakikitang sumusnod sa'kin.
"Lia, may sakit ka lang kaya ka nagkakaganyan. Shems, ano bang nangyayari sa'kin?" ang bulong ko sa sarili ko.
Ilang saglit pa, biglang may humila sa'kin. Nagulat ako at nasindak. SHEMS. SINO BA 'TO?! Ang natanong ko lang sa aking sarili. Wala akong sapat na lakas para pumiglas. Ano 'to? Kidnapper? Bigla kong naalala ang panaginip ko nung nakaraang gabi. Ito na ba talaga ang katapusan ko?
"Sumunod ka sa'kin, Lia." sabi nung humila sa'kin. Naka-itim siyang jacket at leggings at naka-cap din na kulay itim. Babae siya, halos magkaparehas lang kami ng pangangatawan.
Nanghihina ako. Hindi ako makasigaw, kaya mahinhin lang ang boses ko. "S...sino ka ba?! Bitawan mo ko!" Sinubukan kong pumiglas pero mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Hinang hina na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Ilang saglit pa, humarap na siya sa akin sa wakas. Dahil siguro sa sikat ng araw at sa lubha ng lagnat ko, ni hindi ko maaninag ang mukha niya.
"Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat. Basta sumama ka sa'kin," ang sabi niya habang patuloy pa rin niya akong hinihilia. Hindi ko namamalayan pero papunta na kami sa terminal ng bus. Hala! San ako dadalhin ng babaeng ito?!
"Sino ka ba, ha?! San mo 'ko dadalhin?! Bitawan mo na 'ko!" Ang pagmamaka-awa ko sa kanya. "Bakit tayo nandito sa terminal ng bus?! Anong gagawin mo sa'kin?!"
"Julia... makinig ka."
"S...sino ka ba talaga?! Bakit alam mo ang pangalan ko?"
Sa wakas, binitawan niya na ako at tinanggal ang cap niya. SHEMS. Pagkakita ko sa kanyang mukha, kinilabutan ako. MAGKAMUKHANG MAGKAMUKHA KAMI. P...paano nangyari to?!
"Julia, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat."
"Sino ka?! Anong kailangan mo sa'kin."
"Julia, ako si Janella. Pakiusap, sumama ka sa'kin. Kailangan ka ng pamilya natin." Lalo akong kinilabutan sa sinabi niya. Pamilya? Ang ibig sabihin ba nito ay tuluyan ko nang makakasama ang tunay kong pamilya?
"Julia, kambal tayo. Ako at ikaw. Ikaw at ako. Nawala ka sa amin noong bata ka at narito ako para sunduin ka na." ang pagmamakaawang sabi ni Janella.
"Sorry, miss. Pero hindi kita kilala. May nanay, tatay at kapatid ako. Kailangan ko nang umuwi para sa kanila."
"Alam ko! Lagi kitang pinamamanman sa mga tauhan ko. Alam ko ang buhay mo dito. Kaya dapat sumama ka na sa'kin. Sige na naman."
Patuloy niya na akong hinila patungo sa bus. Ayaw kong sumama sa kanya. Pero, ano pa bang magagawa ko? Hinang hina ako at hindi ako makatakas sa madiin niyang pagkakahawag sa'kin.
Umakyat na kami sa bus at naupo. Hindi na ako nagsalitang muli. Siguro kasi nabigla ako. May kakambal pala ako. At kamukhang kamukha ko. Hinding hindi mo masasabi kung sino si Julia at kung sino si Janella sa'min maliban na lang sa mukhang mayaman si Janella at ako naman ay mukhang mahirap.
Ilang saglit pa, hinawakan ni Janella ang kamay ko.
"Julia, salamat at nandito ka na. Uuwi ka na. Miss ka na namin." paiyak na sabi ni Janella.
"Sorry pero...."
"Hindi, Julia. Ang importante ay magkasama na tayo. Magkakasama na tayong pamilya."
"Lia. Lia na lang."
"Lia..."
Iyak ako nang iyak. Gusto kong balikan ang pamilyang kinilala ko dito sa Batangas. Ang pamilyang nagmahal sa'kin ng tunay. Pero bakit wala akong magawa? Bakit hindi ako makawala sa kambal ko? Hindi kaya't interesado rin ako sa buhay na meron ang tunay kong pamilya?
Hindi nagtagal, binigay sa'kin ni Janella ang panyo niya. Kulay yellow ito at may burda ng pangalan niya. Napansin niya kasi na grabe ang tuloy tuloy na pagtulo ng luha ko.
"Alam mo Lia, bago tayo magkahiwalay noong mga bata pa tayo, ginawan tayo ni Mommy ng mga panyong nakaburda ang pangalan natin." emosyonal ang kanyang paraan ng pananalita. "At yung panyong yun, alam kong nasa'yo iyon nung araw na nawala ka."
Lalo pang tumindi ang pag-iyak ko. Ramdam ko ang pangungulila ng kapatid ko.
"Nandito ka na, Lia. Magkakasama na tayo," ang sabi ni Janella, umiiyak, at biglang yumakap sa'kin. Ramdam ko ang init ng yakap niya. Ang yakap na punung-puno ng pagmamahal at paghihintay.
Patuloy siyang nakayakap sa akin hanggang sa biglang umalog ang bus. Nagpanic lahat ng tao. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Anong meron? Anong nangyayari?
Ilang saglit pa, maririnig ang sigawan ng mga pasahero habang kaming dalawa ni Janella ay nakatulala lang at halatang walang alam sa nangyayari.
Hanggang sa ayun, nakita ko na papalapit kami sa isang bangin. Nagsimula nang dumagundong ang tubok ng puso ko. Eto na nga... ang katapusan ko, katulad ng nasa mga panaginip ko. Wala nang magliligtas sa'min ng kakambal ko. Wala na kaming kawala.
Hanggang sa may narinig na lang kaming isang malakas na pagsabog.
- - -
Hello guys! And that's Chapter Three! Gumaganda na ang story! Sana po mas tumutok pa kayo sa mga susunod na mangyayari. Eto na yung pinaka-turning point ng kwento. Matapos ang aksidente sa bus, mabuhay pa kaya ang kambal? Mabuo pa kaya ang pamilya nila? ANO ANG PINAKAMALAKING 'TWIST OF FATE' NA MAGAGANAP SA KAMBAL?
Abangan lahat 'yan next chapter! Helloooooooo! Sana po suportahan niyo pa po itong story ko. I NEED 15 VOTES PARA MAKAPAG-UPDATE SA NEXT CHAPTER. Please? :> Hihi salamat po! :)
YOU ARE READING
My Twin And I (ON-GOING)
RomanceJanella and Julia look exactly alike, but only Janella is aware of the other's existence. Both of them were living their lives normally until this one tragic event happened that eventually led them into the biggest switch in their lives that never d...
