Mga ilang taon na din nung huli ko siya na kita, kahit ganun naalala ko pa rin yung mga ginawa namin noon nung bata pa kami..
Noong grade 3 kaming tatlo umalis na siya.. at nung grade 5 kami nag-away kami ni Veronica, kahit ganun naman naniniwala pa rin ako na magiging magkaibigan pa rin kami sa huli
pero..
sa ngayon mukhang imposible iyon..
at ngayon na bumalik na 'siya', sa limang taon na pagkakahiwalay namin, ngayon ko lang talaga siya nakita muli, pero mukhang hindi babalik sa dati ang lahat..
NOONG GRADE 5 SINA VERONICA AT NIK-NIK
"Ano ang ibig sabihin nito?!" sigaw ni Veronica
"Huwag ka nga sumigaw Veronica.." sabi naman ng teacher..
"Imposible na nakuha siya ng mataas na marka kaysa akin, SHE CHEATED!! SHE'S A CHEATER!!" sigaw ni Veronica sa akin while pointing at me..
"VERONICA! That's enough..!" sigaw nanaman ng teacher namin..
"And here, I thought that you were my friend.." sabi niya ng mahina..
Pero sa totoo lang, wala naman talaga akong ginawa eh, nag-aaral lang. Yun lang.. Ilang taon na ang nakalipas at sa bawat araw na lumipas, mas lumalala ang pag-aaway namin..
Mga tatlong taon na ang nakalipas nung nagsimula yung away namin..
At ngayon Grade 8 na kami, sus! Ang malas naman, kami talaga ang UNANG batch ng K-12, ayun may dagdag pang dalawang taon..
NIK-NIK'S POV
"Class, sa araw na ito, may bagong estudyante tayo.." sabi ng teacher namin
Hay! May bagong kampi naman si Ron nito, mukhang wala naman talaga akong magawa eh..
May isang lalaki pumasok sa loob, at nanlaki ang mga mata ko..
"Dylan??!!!" sigaw ni Veronica, mukhang alam niyo na siya sa Character's thingy something XDD
Si Dylan nga.. mga limang taon na din ang nakalipas nung huli kami nagkita, kaming tatlong ang magkakasama, pero mukhang hindi na magkakaayos yung friendship namin..
"Sino ka?" malamig na sagot ni Dylan kay Veronica..
"A-Aaahh!! Dylan hindi mo ba ako maalala? Ako ito si Veronica.." sabi niya..
"Hindi.." sabi naman niya...
"Ahem! Excuse me Ms. De Guzman, please go back to your seat.."
Sumunod naman siya..
"Okay Mr. Salvador, please seat beside Ms. Lim.."
Dahil sa walang tao na gusto maging katabi ko, kaya palagi akong forever alone!! Wala naman talaga siyang magawa eh, wala ng ibang seats..
At umupo siya sa tabi ko..
Errr... AWKWARD naman nito!! I can feel the death glares of other people.. Tinaas ko yung kamay ko..
"Yes, Ms.Lim?"
"Can I change seats?" sabi ko sa teacher ko
"No! I'm fine with you being my seatmate.." angal naman ni Dylan, nagulat nga ako dun eh..
Mas nagulat ako dun, akalain mo may umangal na gusto pa rin siya maging seatmate ko.. Kaya hindi nalang din ako umangal wala naman talaga akong magawa eh, mukhang hindi nman din siya susuko..
Nung snack time na, pupunta na sana ako sa library. Hindi kasi ako kumakain ng snacks, nagbabasa lang.. at nakita ko sa likod ko si Dylan.. -_-
Ano ba ang problema nito? Bakit parang buntot ng buntot sa akin..
Pumasok na ako sa loob, kinuha ko yung libro na babasahin ko at umupo sa isa sa mga mesa doon..
"Pwede bang umupo dito?" Hay! Mukhang alam niyo naman kung sino iyan..
"Hay! Sige na nga.."
Umupo lang siya sa tabi ko, nagbasa-bsa lang ako nung nagsimula na siyang magsalita...
"Hindi mo ba ako naalala, Nicky?" sabi niya
Niya tumingin siya sa akin sa mata, tumingin naman din ako
"Hay! Hindi naman sa hindi kita naalala, pero iba na ngayon Dylan.. Hindi na tayo mga bata, so excuse me.."
Mabilis akong umalis sa library, nung lumabas na ako, may tubig na bigla lang lumabas from nowhere..
At may narinig akong mga tawa, mukhang gawa ito nina Veronica..
"Hahahahahha, yan ang bagay sa iyo! Dahil inagaw mo si Dylan!"
Inagaw? Kailan ba?Eh seatmates lang nga kami eh.. Ano ba ang problema ng babaeng ito?
"NICKY!!"
Napalingon kami kay Dylan..
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Heeeyyyyooooo! So this is the first chapter of our story, sana magustuhan niyo.. :)) Sorry if matagal kaming mag update, medyo busy narin school..
Sooooo, VOTE, COMMENT and FOLLOW US :)))
-MusicGeek<3
YOU ARE READING
Ms. Geek VS Ms. Popular
FanfictionKahit Best Friends, hindi talagang pwede na habang buhay kayong magkaibigan dahil may mga problema sa buhay na hindi niyo talaga maiwasan, at yan na kung saan, dahan-dahan kayong magkalayo sa isa't isa. Nangyari nan iyan sa akin. ...
