KABANATA II

204 13 3
                                    

Halos mapaupo na naman ako nang maalala ko ang boses ng multo.

Tiningnan ko ang mga palad nya pero hindi ito nagdurugo. Baka imagination ko lang na kamukha nya yung multo. Baka kasi siguro maputi ang babaeng nakabangga ko.

Pero bago ako umalis, unti-unti kong binaling ang tingin sa braso ng babae.

Halos lumuwa na ang mga mata ko sa sobrang panlalaki. Para ring may bumara na kung ano sa lalamunan ko. Bumalik na naman ang panginginig ng katawan ko. Bakit nya ako sinusundan?!

"Dude okay ka lang?"
Isang lalaki ang lumapit sa akin. Medyo tirik ang buhok nya dahil sa wax at halos kasing tangkad ko lang pero mas malaki ang katawan kesa sa akin. Tila napansin naman nya ang sindak na naramdaman ko.

"Ah.. O-oo."

"Para kang nakakita ng multo haha!" Kung alam mo lang.

"Teka, ngayon lang kita nakita dito ah. Transferee ka?"

"Oo eh."

Kahit anong gawin ko, napapalingon parin ako kung saan naglakad yung multo. Hindi ko sya maalis sa isip ko. Baka gusto nya akong isama sa kabilang buhay. BAKIT? May kasalanan ba akong ginawa sa kanya? Ayoko pang mamatay!

"OY!"

Bumalik naman ang utak ko sa katotohanan nang tapik-tapikin ako ng kausap ko.

"Ha? Ano nga ulit yon?"

"Lutang ang utak atin pre ah!" "Pasensya na. May iniisip lang ako. Pakiulit nalang ng sinabi mo."

"Sabi ko, anong section mo?"

"10-B." Sagot ko naman. Ang pagkakatanda ko yan ang section ko.

"TALAGA?! Dude! Magka-section tayo. Ako nga pala si Brent, Brent Magtibay." Pagkasabi nya ay in-extend nya ang isang kamay para makipag-shake hands.

"Mark, Mark Custodio." At nakipag-shake hands naman ako.

"Hanep! Pang-mayaman ang pangalan ah."

"Hahaha!" Dahil malapit naring magsimula ang klase, dumiretso na kami ni Brent sa classroom.

"GUYS! MAY TRANSFEREE!!"

Agad na sumigaw si Brent pagkapasok pa lamang ng sa pinto kaya naman na-alarma yung mga estudyante sa loob na supposedly classmates ko.

"Eh? Anong name mo?"
"HI!"
"Saang school ka galing?"
"Ang cute mo!"
"Ikaw pala yung tinutukoy nila."
"Friends na tayo ha?"

Pinagkumpulan nila ako.
Grabe naman maka-welcome ang mga tao dito. Pero ang saya sa feeling.

"Guys! Guys!" Pag-eksena ni Brent sa gitna at hinarangan yung mga lumalapit sa akin.

"Ako ang unang naka-discover sa kanya. Limang piso lang kada tanong at yung mga gustong makipag-kaibigan, plut twenty pesos-ARAY!"

Natigil si Brent sa paglalahad ng presyo sa mga gustong kumausap sa akin dahil may isang babaeng sumapok sa kanya.

"Ang sakit nun ha?! Sino ba yon?" Napatingin naman kaming lahat sa likod nya.

Isang babae ang nakatayo at may nakakalokong ngiti ang nakatingin sa kanya. Suot nya ang uniform ng school na dark blue na palda, naka-blouse na white na may asul na ribbon.
Napalunok naman ako habang tinitignan ang babae mula ulo hanggang paa. Hindi nyo ako masisisi. Ang cute nya at mukhang mabait.

"G-Grace?" Gulat na sabi ni Brent.

Grace? Grace siguro ang pangalan nito.

"Grace akala namin magt-transfer ka na?" Tanong naman ng isang babae na lumapit rin sa akin.

"Siguro mas gusto ko talaga na gumraduate kasama kayo!" Sabi nya na may nakaplaster na ngiti sa mukha nya.

"GRACE!"

"Waaah! Akala talaga namin umalis ka na."

Kung kanina, sa akin sila lahat nakapalibot, ngayon ay bigla silang sumugod sa kinatatayuan ni Grace at niyakap ito. Mukhang mahal na mahal sya ng mga kaklase nya.

"Si Mark nga pala Grace, sya yung transferee." Hinawakan ako ni Brent sa magkabilang balikat at iniharap kay Grace.
Tae! Bakit parang nahihiya akong humarap sa kanya.

"Pasensya ka na kay Brent ha? Pasaway masyado." Yung boses nya naging kalmado at napaka-sweet ng tono.

"O-Okay lang."

"NANDYAN NA SI SIR!"

Isang lalaki ang sumigaw kaya agad na nag-disperse ang mga classmate ko na kanina ay nakatumpok sa harapan ko at nagsi-upuan sa kanya-kanyang pwesto.

"Dito ka na maupo."

Umupo naman ako sa desk sa likod ni Brent.

Tama lang ang pagkakalayo ng mga upuan-hindi magkakadikit pero hindi rin ganon kalayo sa bawat isa.

"Good morning class!" Isang matandang teacher na lalaki na halos nasa 40's na ang edad ang pumasok sa classroom namin.

"Siguro ay kilala na ako ng karamihan sa inyo. Pero magpapakilala parin ako para naman maging pormal parin kahit papaano. Ako nga pala si Sir Reyes, Physics teacher, at ang magiging adviser nyo for this year." Medyo gumaragalgal ang boses nya kapag nagsasalita.

"Siguro ay narinig nyo na na may bago tayong transferee ngayong school year at nadito sya ngayon sa section nyo."

"Introduce yourself! Introduce yourself! Introduce yourself!" Sigaw naman ng iba.

"Sige hijo, mukhang gusto kang makilala ng lubusan ng mga kaklase mo. Halika rito sa unahan at kindly introduce yourself."

Medyo nahihiya naman ako na humarap sa kanila. Tumingin ako kay Brent at sinenyasan nya ako na tumayo sa unahan. Nang mapatingin ako kay Grace, nakatingin rin sya sa akin at ngumiti.

Mukhang wala na akong magagawa at ayoko naman na masabihang KJ kaya naman tumayo na ako sa unahan para magpakilala.

"A-Ako nga pala si Mark Custodio." Medyo nauutal pa ako habang nagsasalita. Kinakabahan kasi ako.

"Dati akong nag-aaral sa Magsaysay National High School sa Maynila. Napalipat kami dito sa probinsya dahil nadestino rito ang trabaho ng aking tatay. Sana ay maging kaibigan ko kayong lahat."

Hindi ko alam pero habang sinasabi ko ang mga huling salita ay nakatingin ako kay Grace ningitian sya.

"May tanong ba kayo kay Mark?"
Pagtatanong ni Sir Reyes sa klase.

"May girlfriend ka na ba? JOKE HAHAHA!"
"Hahaha! Tumigil ka nga Kaye!"

Nagulat naman ako sa tanong ng isang babae sa may likuran. Napatawa nalang ako kagaya ng ginagawa ng karamihan dahil sa tanong nya. Pero napatingin ako sa gilid, sa pinakalikod at pinakasulok na katapat lang ni Kaye sa kabilang dulo. Agad na nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ang panginginig ng mga kalamanan ko. Nanghina rin ang mga tuhod ko dahil sa takot.

Kung kanina ay nakatingin sya sa may bintana, ngayon ay humarap sya sa unahan at nakatingin narin sa akin.
Kagaya kanina, puro hiwa ang kanyang mga braso at magulo ang kanyang buhok. Halos matakpan na ng buhok ang kanyang buong mukha pero kapansin-pansin parin ang kanyang kaliwang mata, ilong at manipis na labi.

Isang segundo rin kaming nagkatitigan. Iiwas na sana ako nang bigla syang ngumiti. Creepy ang pagkakangiti nya na sadyang nakapagpahina sa akin. Bago ko pa nalaman, bigla siyang tumayo at dumaan sa gilid ko. Nanigas ang buo 'kong katawan dahil sa gilid ko talaga sya dumaan.
Tumingin ako sa iba pa at napansin na hindi sila makatingin sakin. Kahit si Sir Reyes, binaling sa ibang direksyon ng tingin.

Ano bang meron?

MIRAWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu