God Gave Me You - 11

Start from the beginning
                                    


Wala sa sariling namilog ang mga mata ko dahil halatang pinapatagal na lang ni Alden ang conversation naming ito. Kung hindi ko lang alam na nasa baba ang mga kaibigan niya ay okay lang naman na mag-stay pa siya ng konti para makapag kwentuhan kaming dalawa. Pero dahil nga ala kong nasa baba ang mga friends niya, kailangan ko siyang itaboy dahil ayoko namang isipin nila na nagsosolo kami dito sa unit ko at baka kung ano pa ang isipin nila sa 'kin.


"Naku, kung hindi ko lang ininom 'yong kape mo kanina sa coffee shop, hindi kita ipagtitimpla," pagbibiro ko sa kanya. But of course, ipagtitimpla ko pa rin naman siya kahit hindi niya ako nilibre ng kape kanina.


Matapos timplahin ang kapeng paborito ng mama ko ay muli kong inabot ang tasa sa kanya. Hinipan muna niya iyon bago tinikman. "Sarap! Eto na yata ang pinakamasarap na kapeng natikman ko sa tanang buhay ko," exaggerated na saad ni Alden na ikinatawa ko.


"Sus! Napaka-bolero mo pala, ano po?"


"Hindi, ah!" tanggi niya nakakunot pa ang noo pero nakangiti naman.


"Sige na, tapusin mo na 'yang kape mo para makababa ka na at baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo."


"Hindi ako hahanapin ng mga 'yon. Alam naman nila kung nasaan ako."


"I know, I know," saad ko. "Pero sabi mo nga kanina, minsan lang kayong makumpleto ulit na magkakaibigan. Kaya sulitin mo na ang panahong 'to. Besides, ayokong isipin nila na nagsosolo tayo dito samantalang nasa baba sila. Alam mo naman ang isip ng mga tao ngayon. Although okay, they're your friends. Pero ayoko pa ring mag-isip sila ng masama sa akin. Babae ako at lalaki ka. Ano sa tingin mo ang iisipin nila?"


Mukhang naunawaan naman ng binata ang sinasabi ko kaya mabilis na niyang tinapos ang pagkakape niya. "I understand," aniya pagkakuwan. "I'll go na. Thank you sa kape. And thank you for your time."


Tinanguan ko siya. "Walang anuman."


Tuluyan nang lumabas si Alden at ihinatid ko naman siya ng tanaw hanggang sa makasakay na siya ng elevator. After that ay mabilisan naman akong naligo at habang nagpapatuyo ako ng buhok ay kinuha ko ang diyaryo na nabili ko kanina bago ako umuwi.


Kailangan kong maghanap ng bagong ma-applay-an. Bukas na bukas din ay sisimulan ko ulit ang job hunting dahil hindi naman pwedeng umasa ako na aalukin ako ni Alden ng trabaho. May nakuha na siyang caregiver kaya no chance na ako sa trabahong 'yon.


Binilugan ko ang dalawang job hiring na nakita ko sa diyaryo na balak kong puntahan bukas. Sana ay matanggap na 'ko para naman makapagsimula na akong magtrabaho.


Nang matuyo ang buhok ko ay humiga na 'ko sa kama at mayamaya pa nararamdaman kong unti-unti na 'kong hinihila ng antok. Mabilis rin akong nakatulog dala marahil ng pagod sa paglulunoy sa pool.


Kinabukasan ay maaga rin akong nagising kaya maaga rin akong nakapag handa para sa paghahanap ko ng trabaho. Ang una kong pinuntahan ay isang bahay sa may Project 4 na naghahanap naman ng katulong. Unfortunately ay hindi ako natanggap dahil may edad pala ang hinahanap nila dahil naghahanap ng authoritative figure para sa mga batang hindi maasikaso ng mag-asawang naghahanap ng katulong dahil parehong nag-oopisina ang mga ito.


Sunod na pinuntahan ko ay hiring sa isang department store ng isang kilalang mall. Maraming aplikante akong nakasabay sa pag-a-apply at inabot yata ako ng tanghali sa pagpila pa lang. Bandang alas-dos na nang makapag-exam at interview-hin ako ng masungit na taga-HR.


Ang buong akala ko ay hindi ako matatanggap dahil mukhang menopausal baby nga ang nag-interview sa akin. Pero laking tuwa ko nang makatanggap ako ng tawag saying na isa ako sa mga natanggap.


Nang sumunod na mga araw ay naging abala ako sa paghahanda ng mga papers na kailangan kong ipasa sa HR. By Monday next week ay opisyal na akong nag-start bilang sales lady sa department store ng isang kilalang mall. Pansamantala ay naging abala ako sa pag a-adjust sa bago kong environment kaya kahit papaano ay nawala sa isip ko si Alden na ilang gabi ring pasulpot-sulpot sa isip ko lalo na kapag nakahiga na ako sa kama.


Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Where stories live. Discover now