Chapter 1

5 0 0
                                        

Masakit na ang mata ko pero di ko parin tinitigilan ang pagcontact kay Darrel. Hanggang ngayon wala padin siyang pagpaparamdam na ginagawa. Nababaliw nako kakaissip kung anong nangyayari sa kanya. Hindi ko na alam kung saan ko pa siya hahanapin. 

"Gel" Halos mangiyak ngiyak na pagtawag ko sa bestfriend ko. "Gel, tumawag nako sa Lingkod Kapamilya, sa DZMM, sa Tv Patrol, sa 24 oras. Hirap nako Bes."

"kasi naman. baka naman nagbakasyon lang yan!" Wag ka ngang praning! Ilang linggo palang yang sitwasyon na yan! Kung makapag react ka naman akala mo isang dekada na!" Pagalit niyang sabi at inirapan ako. 

"hindi mo kasi ako naiintindihan e. Nahihirapan ako alam mo ba yun?" Tinaklob ko ang unan sa mukha ko kase hindi ko na mapigilang hindi maiyak. " Hindi nyo ko naiintindihan. Masakit kaya kapag hindi siya nagpaparamdam! Halos mabaliw nako kakaisip kung san ko ba siya hahanapin. Hindi ko na alam! " pasigaw kong sabi sa kanya

"Alam ko naman na nasasaktan ka Pat. Pero di naman pwedeng ikulong mo lang yung sarili mo sa sakit e. Alam ko magulo yang utak mo ngayon. Pero kailngan mo naman mag lighten up. ang nega nega mo na! "

"Gel ganon ba ko kapangit? Mataba na ba ko? Bobo ba ko? Ano bang problema saken?"

"Hindi ko alam Pat. Ang alam ko lang isa ka sa mga pinakamagandang babae na nakilala ko. Maliligo muna ko ha? May lakad kase ako e"

Di ko na pinansin si Angel. Umiyak nalang ako lalo pa nung umalis siya sa tabi ko. Nahihirapan nako. Halos mabaliw nako kase hindi siya nagpaparamdam. Darrel, ano bang problema? May nagawa bakong kasalanan sayo? Hindi naman kita inaaway diba? Wala naman tayong pinagtalunan. Please naman Darrel, mababaliw nako sa kakaisip sayo. Hindi ka pumapasok. Hindi ka nagpaparamdam. Pano na tayo? Pano na ba? 


Hindi ko namalayan nakatulog pala ko. Nagising nalang ako sa lamig dahil malakas ang ulan sa labas. Kinapa ko agad ang cellphone ko. Halos di ko to hinahayaang malowbat dahil baka mamaya magtext o tumawag si Darrel saken. Ayoko na hindi ko masagot yun. Walang gana akong tumayo sa kama. Wala padin pala si Angel. Sabado kasi ngayon. Wala akong pasok at day off ko din sa pinagtatrabahuhan ko. Nasa ikalawang taon nako ng kursong Business Management. Pinili kong magtrabaho dahil alam kong hindi kakayanin ng pamilya ko na mapag aral ako. 3 kaming magkakapatid at halos lahat ay nag aaral. 

Andami kong problema. Kailangan ko pa ng isa pang extra na trabaho dahil kailangan ng pera ng mga magulang ko para sa pag aaral ng mga kapatid ko. Mabigat na sa isip ko, mabigat pa sa puso. Mahirap pag sabayin ang pamilya at pag-ibig. Nakakalito. Nakakapagod. 

Nagtimpla ako ng kape at saka umupo sa lamesa. Masyado nakong nagfocus kay Darrel. Nilibot ko ang tingin ko. Kailangan ko din ng pera para sa pag babayad ng apartment nato. Hati kami ni Angel sa pagbabayad dito. Masyado na kasing mahal kung magbubukod pako. Hindi naman kasi ganun kalaki ang kinikita ko sa pagtatrabaho ko bilang waitress sa isang restaurant.

Nagulat ako at muntik ng maibuga ang kape na iniinom ko sa gulat. Bigla kasing tumunog ang cellphone ko. 

Hindi ko alam kung dala ng kape o ng kung ano pero bigla akong kinabahan. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kama. Isang text pala ang dahilan kung bakit tumunog ang cellphone ko. Pero bakit kaya kinakabahan ako? 

Dahan dahan kong kinuha ang cellphone ko. Halos sumabog ang puso ko sa tuwa. Nagtext na si Darrel! Yes! Pagkatapos ng halos ilang linggo na hindi niya pagpaparamdam. Yes! Nagparamdam na siya. 

Pero kahit na masaya ako, di ko padin maiwasan na kabahan. Hindi ko alam kung bakit. 

Nakangiti kong binuksan ang text niya. 


Sobra kong pinagsisihan yon. 

Sana pala di ko nalang binuksan. 

Sana, hinayaan ko nalang ang cellphone nato. 

Sana di ko na tiningnan. 

Sana,

Kase nadurog lang ako nung binasa ko na.

Durog na durog na sa pakiramdam ko hindi ko alam kung pano ako hihinga, 

Hindi ko alam kung pano ako magrerespond.

Hindi ko alam kung pano ko tatanggapin.


1 message received.

From: Darrel Mahaal<3,

Break na tayo. Kalimutan mo nako. 


Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Apr 29, 2016 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

WHAT IF?Des histoires addictives. Découvrez maintenant