"Sasali ako.." narinig ko ang sarili ko.

"You can't." sabi niya sa akin.

Parang napipintig ang tenga ko sa mga salita niya sa akin. Andito ako,kinalimutan ko ang sarili kong puso para lang maging masaya siya. At siya, wala siyang ginawa kundi iparamdam sa akin kung gaano ka miserable ang buhay ko.

"Sandali lang to David, babalik din ako." sabi ko sa kanya ng hindi na siya nililingon. Babalik din ako pero parang ayoko ng bumalik pa sayo. Yun ang totoo.

Habang naglalakad ako papunta sa gitna, nakita kong natigilan din ang ibang mga tao. Si Joy tumingin sa akin tapos tumingin kay Angelo. Si Takong na may ngiti sa mga mata. Si Angelo na parang lumiwanag ang mukha. Si Tita Amor na may hawak ng bouquet na tumingin sa akin parang nagpapakonsensya, pero hindi. Hindi ako aalis dito.

"Okay Mrs. Buenavista... Ihagis mo na yan.." sabi ni Takong sa mic.

Katulad kanina,inikot ikot ito at inihagis sa likod. Nakita ko nag bouquet na naka sentro sa akin at sigurado na ako na sa kamay ko ito mahuhulog. Parang taong nakatadhana para sayo,kahit wala kang gawin darating at darating siya sayo.

Kaya wala akong ginawa at tumayo lang doon at hinintay na mahulog sa akin ang mga bulaklak na alam kong para sa akin. Hindi ako nakiagaw o nakipaghabulan, dahil alam kong sa akin ang bagsak niya.

Pero hindi pala ganun ang buhay. Hindi lahat hinihintay mo lang, may mga bagay na kapag gusto mo, kapag mahal mo, ipaglalaban mo ng patayan. Gagawin mo ang lahat para hindi makuha ng iba. Dahil kapag wala kang ginawa,baka mapunta sa iba.

Nakabukas ang palad ko at hinihintay kong mahulog sa kamay ko ang bouquet. Pero nasalo na pala ng iba. Nasalo na ni Ligaya.

Nanatili akong nakatayo doon at hindi gumagalaw. Parang dumaan sa harap ko ang lahat ng desisyon na pinili ko at ito yon, si Angelo hindi na sa akin.

Hindi ko alam kung bakit biglang nadurog ang puso ko habang naghihiyawan ang iba. Pagtingin ko sa harapan, sinusuot na pala ang garter sa kanya.

Samantalang andoon lang ako nakatanga, nakatulala at lumuluha na rin pala. Hindi ko namalayan na may mga patak na ako ng luha.

May biglang humawak sa braso ko ng mahigpit.

"Yna,tara na umuwi na tayo. Pagod na ako." sabi ni David sa akin na hawak ang braso ko.

Pero hindi ako gumalaw.

"Yna ano ba?!"

Hindi ko alam kung nakikinig ang ibang tao dahil ang tanging nakikita ko lang ay si Angelo na malungkot na nakatingin sa akin.

"Nakakapagod." nasabi ko na lang. Sa oras na yon. Gusto kong mawasak sa harap ni David.

"So let's go home." pilit niya.

"Sa araw araw na kasama kita para mabuhay ka, ako naman ang namamatay David." hindi ko na napigilan ang sarili ko sa mga salitang lumabas sa puso at bibig ko.

"What are you trying to say Yna?" naiinis niyang tanong sa akin.

"Hindi ako tumigil sa pagmamahal ko sa kanya, pati sarili ko kinalaban ko na. Pero sa tuwing makikita ko siya, wala akong ibang maramdaman kundi pagsisi na hindi siya ang kasama ko kundi ikaw." tumingin ako sa mga mata niya.

"Hindi totoo yan Yna...sabihin mong mahal mo ko. Di ba mahal mo naman ako?" hinawakan niya ako sa braso ko at niyuyogyog ako baka sakaling matauhan ako.

Wala akong nagawa kundi ang umiling sa kanya "Si Anghelo, siya lang ang mahal ko, araw araw, kahit kailan, palaging siya lang ang mahal ko."

Yan ang huli kong nasabi ko kay David dahil pagkatapos non ay may naramdaman akong pamilyar na pakiramdam na hinawakan ang  kamay ko ng mahigpit palabas ng venue ng reception.

Tumingin ako sa kanya, tinatakas ako ni Anghelo. Kahit anong tawag sa mga pangalan namin,kahit kaninong boses pa ang narinig namin hindi kami lumilingon.

Hindi na ako tatayo lang at hintayin na mahulog sa akin ang bouquet. Dahil ganun ang pagibig. Pinaglalaban at hindi susukuan.

At pag nakuha ko na yon,hindi ko na bibitawan.

Hindi na ako bibitaw Anghelo. Hinding hindi na.












Imagination's Cut: Angelo&Yna's Untold StoriesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant