Bliss 5 - Mago Moves

Magsimula sa umpisa
                                    

Saktong natapos na ako nang kumatok si Quinn sa kwarto, "Boss, andito na sila."

"Sh1t!" hindi ko maiwasang ang mapumura dahil nahanda ko na ang lahat pero hindi pa ako nakapag-ayos sa sarili.

"Quinn, shower muna ako," hinubad ko ang pantaas ko, "keep them busy."

"Yes Boss!" saad nito habang naka hand salute.


*Arlene's POV*

Hindi na kami nagpapasundo ni Dessa dahil ayokong isipin niyang nagpapa-importansya ako. Desidido na akong makipaghiwalay sa kanya kaya isinama ko si Dessa upang may makatulong sa akin. Kilala ko si Mago, he would use his charms over me. Pero diyan siya nagkakamali dahil hindi na uubra sa akin ang panseseduce niya. He was just Mago Concepcion to me.

"Ma'am Arlene," sinalubong kami ni Quinn habang tinulongan niya ako sa gamit ko.

"Quinn naman," ngumiti ako, "huwag mo nga akong tawaging Ma'am, para namang wala tayong pinagsamahan niyan."

"Hindi naman, pero siyempre, asawa ka ng boss ko kaya dapat lang kitang igalang," saad nito saka binitbit ang mga dala ko.

"Aba loko ka!" talak ni Dessa, "bakit si Arlene lang ang tinulongan mo? Hello! May mga dala din kaya ako."

"Kaya mo na yan," saad ni Quinn, "lalaki ka naman di ba?"

Napangiti akong lumingon kay Dessa. Mula kasi noong nalaman kong hindi siya tunay na tomboy, napapansin ko na kung paano siya tumingin kay Quinn. Sa tingin ko, may gusto si Dessa kay Quinn, ayaw lang niyang maamin dahil alam niya kung gaano ka playboy at happy-go-lucky si Quinn.

"Tulongan na kita," saad ko habang kinuha ang hand bag niya.

"Huwag na," inagaw niya ang bag sa akin, "buntis ka saka baka ano pang isipin ng asawa mo."

"Ex-husband, Dessa," pagtama ko.

"Hindi pa kayo annulled kaya asawa mo pa," padabog na saad niya.

"Darating rin naman kami diyan," saad ko habang nagsimula nang maglakad papasok ng bahay.

"Sigurado ka na ba talaga?" mahinang tanong ni Dessa, "I mean, may batang pwedeng maapektuhan sa desisyon mo."

"Kaya ko nga ginagawa to, di ba?" lumingon ako sa kanya, "hindi handa si Mago na tanggapin ang anak namin saka hindi siya magiging mabuting ama. I'd rather raise this child alone than raise it with its father."

"Paano kung maghanap yan ng ama?" tanong ni Dessa.

"Hindi ko naman siya itatago sa ama niya," napabuntong hininga ako, "I just don't want Mago to have full rights on my kid."

"So hanggang kalian tayo magpapanggap na may lesbo-relationship tayo?" tanong ni Dessa.

"Hanggang ma-process natin ang annulment," saad ko.

"Sige, gawin natin yan pero pwede ba," saad niya, "bawasan mo ang kakagamit ng lip gloss. Ang pangit ng feeling sa tuwing hahalikan ka."

"Oo na," natawa ako sa kanya, "smack lang naman ang ginagawa natin."

"Kahit na," parang inis niyang saad, "dumidikit sa labi ko ang lip gloss mo."

Tumawa na lang ako at hindi na sumagot pa dahil nakita ko si Aling Naina na lumapit sa amin.

"Arlene," naiiyak itong yumakap sa akin, "mabuti at bumalik ka."

"Kumusta po kayo?" iniwasan kong pag-usapan ang pagbalik ko. Alam kong hindi niya magugustohan ang balak kong pakikipaghiwalay kay Mago kaya minabuti kong hindi na lang muna sabihin ito sa kanya, "si Mago po?"

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon