God Gave Me You - 10

Start from the beginning
                                    


Iningusan niya lang ako. "Ano ka, sinuswerte?"


Kinuhaan ko na siya ng plato at nilagyan ng maraming pagkain. "Kainin mong lahat ng 'yan. Para naman magkalaman ka."


"So sinasabi mong payat ako?"


Bahagya akong umatras sa kanya at hinawakan ko pa ang ilalim ng baba ko at tinignan siyang mabuti. "Hindi naman sa ganoon. Pero mas se-sexy ka pa kung magkakalaman ka pa ng konti."


"Ah, okay. Ikaw naman, mag gym ka, ha? Medyo malaman ka ng konti, eh. Burn ka pa ng baby fats mo at mas lalo kang se-sexy." It was obvious na gumaganti lang siya pero natawa pa rin ako.


It's true na medyo may baby fats pa nga ako. Noong adolescent period ko kasi ay medyo chubby ako. Itinaas ko ang dalawa kong kamay at nag ala-Hulk. "Kapag ako nagka-abs, HU U ka sa 'kin."


Namilog lang ang mga mata ni Meng bago sinimulan ang pagkain. Na para bang impossibleng magkaroon ako ng abs.


"Whatever," walang sound na bigkas ni Meng sa salita bago naglagay ng tatlong daliri sa ibabaw ng noo na naka-pormang letter "L"—sign for losers.


Makapag-start na ngang mag-gym ulit bukas!


After kumain ay nagpahinga lang saglit si Meng at pagkatapos ay napilit ko rin siyang sumali sa games namin kahit bahagya pa ring nahihiya.


Ang game: paunahang sisirin ang bagay na itatapon ni Joshua sa gitna ng pool. Magkakampi ang mga boys at magkakampi naman ang mga girls.


"Okay guys, ang pinakaunang group na makakuha sa limang pisong coin na 'to, siyempre sila ang panalo. At ang group na matatalo, kailangang magtanggal ng isang damit na nasa katawan niyo pa."


"Unfair!" agad namang nag protesta ang mga girls.


"Woooh! Let the game begin!" sigaw naman ng mga boys.


Samantalang ako, nakatitig lang kay Meng na nakapameywang lang at hindi ko alam kung ano ang iniisip.


"Ano guys, is it a deal or no deal?"


Nakita kong kinausap ni Meng ang mga girls at mayamaya pa ay confident na humarap ulit sa amin. "Okay, it's a deal," sigaw ni Joyce.


Pumorma na kaming lahat at itinaas naman ni Joshua kamay niyang may hawak ng coin. "Okay. Ready, set, go!"


Pagkalubog na pagkalubog ng coin ay kanya-kanyang dive na kami. But nobody expected that Meng was an excellent swimmer.


Kahit ang sports enthusiast sa aming si Kristoffer ay hindi nagawang habulin ang bilis ni Meng sa paglangoy. Malapit na sa pinakagitna ng pool nang damputin ni Meng ang coin at mabilis na umahon para itaas ang isang kamay.


"Woooh! We won!" sabay-sabay na sigaw ng mga girls na nagsimula nang palibutan si Meng. Sabay-sabay rin silang humarap sa aming mga boys.


"Paano ba 'yan, guys? Talo kayo. Hubad!" natatawang sigaw ni Joyce.


Akmang aahon na sana si Teejay pero agad namang nagsalita ulit si Joyce. "Ang hindi sumunod sa usapan, bakla!"


Isa-isa nang nagsi-ahon ang mga girls habang kaming mga boys ay naiwan sa pool at walang choice kundi maghubad ng shorts o boxer shorts. Mabuti na lang ay may suot akong briefs kaya hindi ako totally burlesque kagaya nina Teejay at Derick.


"Shet! Ang pangit sa feeling!" sigaw ni Teejay habang isa-isa namang kinokolekta ni Joyce ang mga damit na hinubad namin.


"I'm free!" tumatawang sigaw naman ni Derick na literal na hubo't hubad na sa ilalim ng pool.


Nang makuha ni Joyce ang mga damit boxers namin ay kanya-kanyang ahunan na kami. Kahit may briefs pa 'ko'y hinyang-hiya pa rin ako kay Meng. Pero natawa ako sa reaksiyon ng dalaga nang umahon sina Teejay at Derick na sapo-sapo ang mga hinaharap.


"Yay!" hindi napigilang tili ni Meng na mabilis na tumalikod habang ang ibang girls naman ay tawa lang nang tawa.


*****

Your VOTES per chapter will inspire me to write some more! ^_^


Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Where stories live. Discover now