God Gave Me You - 10

Start from the beginning
                                    


For all I know, she might be a jealous type, condescending or maybe a nagger. Pero bakit malaking bahagi ng pagkatao ko ang nagsasabing hindi siya ganoon. I see Meng as a sweet, down-to-earth and fun-loving person.


"Umahon ka na muna diyan at ipapakilala kita sa mga kaibigan ko," sabi ko sa kanya nang hindi na siya magsalita ulit.


"Dito na lang ako," sagot naman ni Meng. "Sige na, balik ka na sa mga kaibigan mo."


Sa halip na sundin ang sinabi niya ay lumusong na 'ko sa tubig at humarap sa kanya. Akmang lalayo sana si Meng pero mabilis na na-corner ko siya sa dalawa kamay ko. "Sasama ka sa akin o kailangan pa kitang buhatin?" nakangising tanong ko sa kanya.


"Pinagbabantaan mo ba ako?"


"Hindi. Pero bubuhatin talaga kita kapag tumanggi ka. Kaya sige na, umahon ka na at ipapakilala lang naman kita sa mga kaibigan ko. Baka matagalan rin bago kami makumpleto ulit."


Sa halip na matakot sa banta ko ay tinabig niya lang ang isang kamay ko at saka tumatawang lumayo sa 'kin. Ang ending, para kaming mga batang naghahabulan.


"Ayyy! Tumigil ka nga Alden!" sigaw ni Meng habang patuloy pa rin ang paglayo sa 'kin. Paahon na sana siya pero mabilis ko rin siyang naabutan at nagawa ko siyang pangkuin. Nagkakawag siya pero ikinawit naman ang dalawang braso sa leeg ko.


"Sinabi ko naman sayo, eh. Bubuhatin kita," tumatawang saad 'ko.


Tinampal niya 'ko sa isang braso pero hindi naman kalakasan. "Ibaba mo ako, nakakahiya!"


Pero hindi ko siya pinakinggan. Naglakad ako papunta sa gazebo habang buhat-buhat siya. "Guys, this is Meng. A new friend," sabi ko na napatingin pa sa kanya. I just hope na sakyan na lang niya ang sinasabi ko. "Meng, these are my high school friends..." at isa-isa kong pinangalanan ang mga kaibigan ko. Nahihiyang ngumiti si Meng habang nakikipag-kamay sa mga friends ko.


Patagilid na ngumiti si Meng at saka nag pabebe wave. "Nice meeting you, guys," ani Meng matapos ang pabebe wave niya.


"Uyy, ang sweet naman!" tudyo ni Kristoffer sa amin.


"Deng, pakainin mo 'yong friend mo. Marami pang kanin at ulam diyan," sabi ni Joshua. "Uyy Meng, huwag kang mahihiya ha? Kain ka lang. And it's nice to know na may maganda pala akong kapitbahay dito"


Agad ko namang siniko si Joshua dahil sa sinabi niya. Nang tumingin siya sa akin tinaasan ko lang siya ng kilay bago nginitian ang nagtatakang si Meng. Hinila ko na siya sa kamay at dinala sa lamesa. This time ay hindi na siya nag protesta sa paghawak ko sa kamay niya. Maybe because nasa malapit lang ang mga kaibigan ko. Pero hindi rin nagtagal ay pasimpleng binawi niya ang kamay niya.


"Kanina ka pa. Tigilan mo nga ang kakahawak sa kamay ko," mahinang saway ni Meng na kaming dalawa lang ang nakakarinig.


Inilahad ko sa kanya ang kamay ko at saka nagsabing, "Eh, 'di, ikaw na lang ang humawak sa kamay ko."

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Where stories live. Discover now