God Gave Me You - 06

Start from the beginning
                                    


"I-play mo nga 'yong 'Twerk It Like Miley' at papakitaan ko 'tong lola mong masyadong mapanghusga."


Bagama't shocked ako sa song request ni lola Maria, nagawa ko pa ring damputin ang phone ko't patugtugin ang Twerk It Like Miley na siyang request niya. At ilang saglit pa ay nakatayo na si lola at sinisimulang sayawin ang dance steps ng naturang kanta.


Mahihiya si Maja at Ella Cruz sa lambot ng katawan ni lola Maria. She is certainly slaying it! At mukhang ayaw padaig ng lola Nidora ko dahil tumayo na rin siya at mayamaya pa ay nakikipag showdown na kay lola Maria.


Holy Molly! Ano'ng nangyayari sa mundo?!


And before I knew it, tapos na ang tugtog at kanya-kanyang projection na ang dalawang matanda sa pagtatapos ng kanta.


"In fairness, you got the grooves, girl!" nakangiting saad ni lola Nidora na nakipag high-five pa sa aplikanteng kanina lang ay tinatarayan niya. Ngayon ay para na silang mag-amiga.


"Keri boom ba?" tanong ni lola Maria.


"Pak na pak!" nakangiting sagot naman ng lola ko.


Napailing-iling na lang ako. Dinismiss ko na ang unang aplikante at pinapasok naman ang pangalawa na Atong ang pangalan.


Pagpasok pa lang ni Atong sa silid ay parang iba agad ang pakiramdam ko sa kanya. Malagkit ang tingin niya sa iPhone 6plus ko at panay ang ikot ng mga mata niya sa buong kwarto na para bang may hinahanap.


"Upo ka," utos ko sa kanya.


Tumalima naman siya pero panay pa rin ang sulyap sa iphone ko.


"So may experience ka ba sa—"


"Ay, opo sir. Ako 'yong nag-alaga sa lola ko na kamamatay lang last month," putol niya sa pagtatanong ko na hindi ko na rin naman masyadong ikinabigla. "Eto po bang matandang huklubang 'to ang magiging pasyente ko kung saka-sakali?"


Nagpanting yata ang mga tenga ko dahil sa sinabi ni Atong pero mas naunang makapag-react sa akin si lola Nidora. "Eh, kung tsinelasin kaya kita? Kung makatawag ka sa 'king hukluban. Huwaw! Hiyang-hiya naman ako sa balat mo. Huwaw, mukha kang siopao!"


"'La..."


"Ano kakampihan mo pa 'yang mukhang judik na 'yan? Naku Alden, kung 'yan lang din, huwag na. Pagtitiyagaan ko na lang si inday."


And with that, dinismiss ko na rin agad si Atong. Sunod na tinawag ko ay Scarlet ang pangalan. At hindi ko mapigilang mapanganga nang makita kong ubod ng sexy ang babae. Vavaboom!


"Uyyy, baka pasukin ng langaw 'yang bibig mo, hijo," ani lola.


Napapitlag naman ako dahil sa naging reaksiyon ko sa hitsura ni Scarlet. Hindi siya mukhang mag a-apply na caregiver. Sa hitsura niya ay mukhang mag-a-apply siyang stripper sa isang superclub.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Where stories live. Discover now