Ep 1: Si Chimchim

29 0 0
                                        

CHIMCHIM

Hi. Ako nga pala si Chimchim. Ang rabbit na nagsasalita. Ang rabbit na mahilig kumain. Ang pagkain ay ang nakapagpapasaya saakin.

Ako'y anim na taon na at pagmamay-ari ng tao na nagngangalang 'Mako'. Siya ay isang babae at maingay. Siya ay nasa Grade 10 na sa junior high school.

Pero dahil ako ang bida dito sa istoryang ito, ako palagi ang magsasalita. Depende na lang kay Author kung gusto niya din pasalitain si Mako na maingay.

Speaking of Mako...

Saan kaya ang babaeng yun? Kanina ko pa siya 'di nakikita.

"Makoooo!!!~~ pakainin mo na si Chimchim!! Gutom na siya!! Mako saan ka na ba!?" sigaw ng mama ni Mako na kasing ingay din ni Mako mula sa labas habang naglalaba.

"Mama, nakooo!~ Kakakain niya lang ng carrots, Kamote, petchay at feeds ng rabbit. Kaya alam kong hindi pa siya gutom!!" sigaw din niya pabalik mula sa kwarto niya sa taas.

Mga taga bukid ba ang tao dito? Mukhang hindi sila nagkakaintindihan kung hindi sumisigaw.

"Nako Chimchim!! Nagsusumbong ka na naman ng mali! Halos ikaw na nga ang nakaka ubos ng pananim natin! Nakooo talaga! Sobrang takaw mo naman na rabbit ka, kaya naman ang laki-laki mo na!! Pinagalitan naman ako ng mama ni Mako dahil ako na lang daw ang nakaka ubos ng pananim nila.

"sorry po." ang nasabi ko na lang.


----

HOLA!! So yes... Lahat po ng episodes ng story na 'to only consist of less than 500 words.

Anyways, hopia like it. *winks*

250 words

Ang rabbit na nagsasalitaStories to obsess over. Discover now