Tumango siya. Nagusap lang kami about sa mga nonsense na bagay. He's really fun to be with! He's got that sense of humor na nakaka turn on. Naputol ang paguusap namin nang bumaba si Ate. Naka ayos siya at mukhang aalis.



"Uhm, Ate.. Si Clarence pala. My blockmate. Clar, si Ate Marielle." Nagbeso silang dalawa at nagkamayan.


"Marga, can I leave Marianne for a while? Niyaya ako ng college friends 'ko mag club, e. I'll be back on or before 12. She's sleeping naman na. I just want you to look after her."


"Sige ate. We'll take care of her." Si Clarence ang sumagot. Ate left at nakarinig kami ng busina so I guess that's her sundo.


"Lagi ka nalang iniiwan mag-isa noh?" Pangaasar ni Clarence.


Sinamaan 'ko siya ng tingin, "Sanay na ako."


"Tara sa kwarto mo. Ang korni dito sa sala."


Napatili ako nang buhatin niya ako ng pa-bridal style. Oh my gosh! Naka-spaghetti strap at shorts lang ako! At naiilang ako!


"Ibaba mo ako! Kaasar!" Natatawang sabi 'ko.


He just smirked. Binuksan niya ang kwarto 'ko gamit ang mga paa niya at dahan-dahan akong binaba sa kama 'ko.


"W-what are you doing?" Tanong 'ko when he started removing his shirt. Ngumiti lang siya ng nakakaloko at kinindatan ako.


Oh my gosh! All of a sudden, i felt my cheeks and my whole body burning! What.. What is this feeling? Am i....? Oh my gosh Marga!



"Oh my god Clarence ano ba!" Pumatong siya sakin and slowly groveled above me. "It's not funny!"


He bit his lip and started tracing his lips on my collarbone again. Oh my gosh! This is happening! Again!


"C-Clarence don't you think you're too fast? K-kakakilala palang natin? A-at m-may boyfriend ako?" Mahina 'kong tinutulak ang mukha niya but he isn't stopping.


He stopped and suddenly bursted with tears... Because he's laughing so hard! "You—You should have seen your face! Hahahaha!" Napahawak na siya sa tiyan niya sa sobrang halakhak.


Okay.. I almost got carried away. Ang lakas talaga ng topak nitong lecheng 'to!


"Oh! That's so funny! So funny that I actually forgot to laugh!" Inirapan 'ko siya at tumayo. Inayos 'ko ang sarili 'ko dahil medyo nagulo ang buhok 'ko. Darn this guy!


I bun my hair at inayos ang glasses 'ko. I do this when I'm embarassed. Ugh!



"Halika nga dito!" Hinila niya ang bewang 'ko at pinaupo sa lap niya. I immediately stood up. Hory shet? "Oh? Naiilang ka na naman?" Pinaupo niya ako ulit sa lap niya. Darn. It.


Naiilang ako ng husto kaya nagiwas ako ng tingin. My gosh. Why are you doing this?


"Babe.. Ilang ka ba sa'kin?" He asked and rested his face on my neck. Fudge.


"N-nope! Bakit naman ako maiilang?" Tumawa ako ng peke. Alam kong aasarin niya ako pag sinabi kong tunay ngang naiilang ako.


"Wala lang. Hilig mong magiwas ng tingin, e." Hinawakan niya ang pisngi 'ko at pinatingin sa mga mata niya.


Parang natuod ata ako. Ang sarap titigan ni Clarence. Bakit ganon? Nakakalunod. Darn. Ang korni mo, Marga!


He was about to kiss my lips nang magring ang cellphone 'ko. Agad akong tumayo at kinuha ito. It's Bruce.


"H-hello? Bruce?"


"Margarette, can we meet tonight? Kahit sa park lang malapit sainyo. We need to talk."


"Talk about what? 'Di ba pwedeng ipagpabukas 'yan? It's.. Late." Wala naman kaso kasi lumabas ng dis oras ng gabi as long as malapit lang at may kasama ako. Kaso.. I'm with Clarence.


"Marga iniiwasan mo ba ako? Nagbabago kana talaga. Napapansin ko iyon."



"Nah. Stop overthinking. Osha.. Nagaaral pa ako. See you tomorrow, then? Goodbye."


Agad akong binaba ang tawag at napaupo sa kama. I sighed. Nararamdaman 'ko din na parang may iba sa relasyon namin ni Bruce... At nagsimula 'to noong naging close kami ni Clarence.


"Mukhang nagaaway kayo, ah?" Lumapit sakin si Clarence.


"Yeah.." I sighed. Gusto 'ko ng dumistansya kay Clarence kasi feeling ko threat siya para kay Bruce. Well, he really is.. "Clarence?"


"Yeah?"

I bit my lip. I want to save the relationship that I have with Bruce kaya kailangan 'ko 'tong gawin.


"Layuan na natin ang isa't isa.. Threat ka para sa boyfriend ko. I don't want him to feel na he's in a competition dahil.. Alam mo na, we've been so close."


Matagal siyang napatitig sakin. Darn. Bat parang bigla akong nagsisi sa ginawa 'ko?


"Fine, Margarette. Sana hindi ka magsisi. I kept on telling you to break up with your boyfriend pero ayaw mo. Sure, mas okay nga siguro kung layuan na natin ang isa't isa."


I saw him na malamig ang tingin sakin at umalis sa kwarto 'ko. Paninindigan 'ko 'to. Promise.

Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon