oiiiiii naguguluhan na si John... sabi naman ni kuya Macky habang nagtatawanan sila lalo na at hindi ko sinagot ang tawag ni Sue at nanatili akong nakatingin lang sa telepono ko. hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit naging ganito ako bigla sakanya. tama sila na dati makita ko lang mag flash ang pangalan niya sa cellphone ko kahit na ano pa ang ginagawa ko ay sinasagot ko kaagad ang telepono ko.





alam ko sa sarili ko na may nagbabago at natatakot ako sa pakiramdam na yun dahil hindi ako segurado sa kung ano ang pwedeng mangyari at ako ang taong hindi sanay sa mga bagay na hindi segurado. hindi ako mahilig sumugal sa isang bagay na wala akong kaseguraduhan na mananalo ako.





Kuya Mark, ikaw na naman. bati ko sakanya ng makita ko na siya ang photographer namin ni Chandria sa bago naming endorsement.





laki ng ngiti mo John ah, ngiting panalo yan ah. sagot niya sa bati ko. at tumawa na lang ako. pati ako hindi ko rin alam kung ano ang mayroon saaken ngayong araw na ito pero isa lang ang segurado, masaya ako. kahit na after ng pictorial na ito ay alam kong aawayin ako ng todo todo ni Sue dahil sa hindi ko pagsagot sa mga tawag niya. 





wala na muna akong pakialam sa kung ano ang realidad ng buhay ko, kaya pinatay ko ang telepono ko na ngayon ko lang ginawa at hahayaan ko muna ang sarili ko sa kung ano ang gustong maramdaman ng puso ko.





ngting panalo talaga yan ngayon, Mark.. iba ang nagagawa ng bagong kapareha.. may halong pang iintrigang sabi naman ni kuya Rye na hindi ako tinitigilan sa pangloloko saaken kay Chandria.





at lalong lalaki ang ngiting yan, dahil nandyan na siya. sagot ni kuya Mark at tinuro ang taong naglalakad palapit saamin..






ilang beses ko ba dapat maramdaman sakanya ang ganito? tuwing nakikita ko siya laging may "slowmo" moment ako habnag papalapit siya. parang lagi akong nasa pelikula at siya ang palaging bida.





everytime i see her.. i cant take my breath away. she's becoming more and more beautiful..


ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon