Twelve

1.9K 74 16
                                    


Sabi nga nila pag dumating daw ang swerte, sunod sunod. at masasabi kong totoo yun dahil sunod sunod na araw akong sinuswerte. kung kanina ay medyo nainis ako dahil sa palagi kong naririnig ang pangalan niya, ngayon naman tuwing naririnig ko ang pangalan niya bigla ako nakakaramdam ng kakaibang saya.




ang ganda ganda niya.





iba pala pag personal mo siya nakita, iba ang ganda.





starstruck ako. sabi ni kuya Rye na nakikipagkwentuhan kela kuya Dho at sa stylist ko.





'kaw John, ano reactions mo? nandiyan lang siya sa kabilang dressing room. tanong ni kuya Macky Combe isa sa mga stylist ko.





sakto lang. sagot ko naman kahit na ang sinasabi ng isip ko ay excited at masaya dahil abot kamay ko lang siya. itong nararamdaman ko ay bago lang saaken, ito ang unang beses na naramdaman ko ang ganito at masaya ako sa kakaibang pakiramdam na nararanasan ko.





talaga sakto lang? eh halos lumuwa mata mo kanina nung nakita mo siya. aminin mo na kase John, type mo di ba? di ba? pangungulit nila saaken





sasagot na sana ako kaso lang bigla naman tumunog ang telepono ko at nakita ko ang pangalan ng girlfriend ko. 






aba himala, tinititigan niya lang ang cellphone niya eh dati rati makita lang niya ang panagalan ng girlfriend niya sinasagot na kaagad. narinig kong sabi ni kuya Dho na nakapagpabalik saaken sa realidad. may girlfriend nga pala ako at kasalanan ang nararamdaman ko.





bakit ano ba ang nararamdaman mo? tanong ng puso ko. at kahit ang isip ko ay hindi masagot ang tanong na yun.





hoy, wala ka ba talagang balak sagutin yan? dalawang beses na tumatawag. sita na saaken ni kuya Rye

ChangeWhere stories live. Discover now