Una

6.4K 74 17
                                    


i'm tired! sigaw niya sa staff na pilit kaming pinalalabas para harapin ang mga taong naghihintay sa labas




kahit sandali lang, kanina pa nila tayo hinihintay. pakiusap ko sakanya. pero imbes na sagutin ako ay tumalikod lang siya at nilagay ang headset sa tainga niya.




sanay na ako sakanya, sanay na rin ako sa ganitong sitwasyon. for the past 3 years siya na ang nakasama ko at laging ganito ang sitwasyon naming dalawa.




yes, its true.. were together. 




kasabay ng career ang relasyon namin, kaya seguro ganun din kami ka-successful dahil kami rin sa totoong buhay at hindi namin niloloko ang mga fans namin. at syempre bukod sa inaalagaan kami ng napakalaking istasyon sa telebisyon ngayon, marami rin talaga ang nagmamahal saamin.




lahat ng gawin naming dalawa ay laging successful, lagi kaming sinusundan ng mga fans, mga mallshows at tv guestings at maging ang mga pelikula ay halos puno lahat. maging mga endorsements namin ay tinatangkilik kaya naman halos lahat ng agency ay pinag aagawan kami.




kami ang tinaguriang hari at reyna ng telebisyon at pelikula, lahat ng kasabayan namin sa simula ay nilampaso namin sa takilya. lahat sila naiwan at kami lang ang natira, at ngayon kami ay nanatiling nasa itaas.




John, ano lalabas ka pa ba? kawawa naman ang mga fans. sabi saaken ng isang staff ng production ng pumasok siya sa tent.




oo, ate. ako na lang, masama pakiramdam ng baby ko eh. sagot ko. pero bago ako lumabas ay lumapit ako sakanya at hinalikan ko ang noo niya




pahinga ka na, baby..




stop with the baby name, John.. its Sue! pagsusungit niya saaken. she doesn't like when i call her baby kaya lalo ko siyang inaasar dati pero ngayon pag sumigaw na siya at sinabi saakeng wag ko siyang tawaging baby, natatakot ako.. dahil alam kong hindi niya talaga gusto.




napabuntonghininga na lang ako at lumabas na ako ng tent para batiin ang mga fans namin na ang tagal naghintay para lang makita kami.




kuya John, ang gwapo gwapo nyo po. asan po si ate Sue?




medyo masama ang pakiramdam eh, sinabihan kong magpahinga muna. 




nakakakilig naman, ang swerte nyo talaga sa isa't - isa.. bagay na bagay kayo napangiti na lang ako sa isinagot ng fan saaken




kuya John, alam nyo na po ba yung bagong binibuild up ng GMA na loveteam? tanong ng isa pang fan habang pinipirmahan ko ang mga pictures na inaabot nila saaken




may bagong binibuild up ang GMA? tanong ko. eversince magkalaban na ang ABS at GMA, nagkataon nga lang na mas lamang ang ABS dahil nasa kanila kami. the conpetition between the two network is really tight, halos walang gustong magpalamang. at natatalo lang parati sila pag yung loveteam na namin ni Sue ang itinatapat sa mga show nila.




and for the past 3 years lagi silang sumusubok ng itatapat saaming dalawa pero wala pa ring nagtatagumpay kaya malaking palaisipan saaken kung sino ang gusto nilang itapat dahil buong akala ko ay nag give up na sila.




si Diegs Loyzaga daw pero yung makakapareha, bago daw eh. mayaman at kolehiyala daw yung babae. kilala ko yung Diegs Loyzaga na sinasabi nila dahil medyo matagal na rin siyang artista, hindi pa nga lang kami nagkikita ng personal pero nakikita ko kahit papaano ang iilang billboards niya.




mayaman? eh bakit mag aartista? tanong ko naman. nasanay kase ako na yung mga nag aartista ngayon ay gustong makatulong sa pamilya nila at hindi isang mayaman na wala lang magawa sa buhay nila.




ewan.. pero for sure mas maganda pa rin si Sue.




oo naman, walang tatalo sa ganda ng baby ko.




obcourse.. ako ang pinakamaganda. nagulat ako sa biglang nagsalita sa likod ko




baby.. i mean Sue.. akala ko..




okey na ako. bulong niya saaken at hinarap ang mga fans na lalong nagkagulo ng makita siya.









ChangeWhere stories live. Discover now