Tumango lang ako at naunang maglakad sakanya.

Pumasok kami sa isang stall sa Mall. Puno ito ng iba't ibang klase ng Americana at formal attire.

Umupo ako sa upuan at pinanuod syang pumili ng damit.
Natatawa ako sa reaksyon nya ngayon. Dahil naka kunot ang noo nya habang pumipili ng damit.

Kaya tumayo na ako para tulungan syang pumili.

"Akala ko hindi moko tutulungan e"

Inirapan ko sya at nagsimula ng pumili. For sure kahit ano naman bagay sakanya e. Ang arte pa kase.

Nakakita ako ng isang kulay Dark blue na formal attire. "Try this" Suggestion ko.

"Okey" Masiglang sagot nya.

Hindi ko akalain na hindi man lang sya mag rereklamo. Ganyan ba sya katiwala saakin? Napangiti ako bigla.

Hinintay ko sya sa labas ng fitting room. Ilang minuto na sya dun pero hindi pa sya lumalabas. Kaya sinigawan ko na sya "ANO BA ZACH! Ang tagal naman. Lumabas kana nga"

"O-o e-to na"

Nauutal pa sya ah. Ano bang problema nya? Dont tell me pangit sya sa napili ko?

Nanlaki ang mata ko ng lumabas sya sa fitting room. Kasi. Grabe. Sobrang GWAPO NYA!! Lumapit ako sakanya at inalis ang salamin nya.

"Look. Bagay na bagay"
Sobrang lawak ng ngiti nya dahil sa sinabi ko.

"Uh. Thankyou."

Hinubad nya na ang damit at nagbayad sa counter. Hinantay ko lang sya sa labas.

"Gusto ba kumain?"

Tumango ako dahil gutom na rin naman ako. Hindi ako naka kain kanina dahil pinag aaralan ko kung paano maglakad at rumampa. Sanay na ako. Pero iba to. Kailangan kong ibigay ang best ko dahil ito ang unang pagent na sasalihan ni Zach. Ayoko naman na matalo sya sa unang pagsali nya.

Nakikita ko naman sakanya na nag ginagawa nya ang lahat. Kahit nahihirapan sya.

"San tayo kakain?" Bumalik ako sa realidad ng tanungin nya ako. Kanina pa pala ako lutang.

"Sa jollibee nalang" Sagot ko

"Okey sge. Tara"

Naglakad na kami papunta sa jollibee. Halos lahat ng nasa Mall ngayon ay mag kasintahan. Nakaka lungkot dahil wala pa rin akong lovelife.

Nasa jollibee na kami ngayon. Humanap kami ng ma uupuan dahil sobrang daming tao ngayon sa Mall. Balita ko may darating daw na Artista.

Si Alden Richards.

"Maghintay kana lang dito Yen. Ano ba ang gusto mo?"

Tumingin ako sa menu sa itaas "Hm. Cokefloat at fries nalang. Diet ako" biro ko

Tinawanan nya lang ako at pumunta na sa counter para mag order.

Habang tinitignan ko si Zach may matandang lumapit saakin

"Ineng. Boyfriend mo ba yung kasama mo? Naku kay gwapong bata bagay na bagay kayo. Pasensya kana ah? Naalala ko lang sainyo ang kabataan namin ng asawa ko"

Napa awang ang bibig ko. Napag kamalan kaming mag syota? Ngumiti ako ng mapait kay Lola. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sakanya.

"Ah. Hindi ho. Magkaibigan lang ho kami"

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Lola "Naku. Kala ko pa naman ay mag kasintahan kayo. Sayang at bagay pana man kayo"

Napangiti ako ng wala sa oras. Uy ah. Nabasa nyo yan. Bagay daw kami. Haha

"Naku. Salamat po"

Nginitian ako ni Lola. Dumating ang asawa nya at nag paalam na saakin. Kinawayan ko sila.

Nag eexist pa pala ng forever. Sana pagtanda ko ganun din kami ng magiging asawa ko.

"Huy"

Nabitin ang pag dadaydream ko dahil dumating na si Zach dala ang maraming pagkain. Nanlaki ang mata ko dahil sobrang dami ng inorder nya. Seriously? Ano tingin sya saakin? Baboy?

"Ipapakain mo ba lahat saakin to?" Sigaw ko sakanya

Umupo sya sa harap ko at pinag taasan ako ng kilay "Walang sayo. Saakin lahat yan. Pumili ka mag order ka magisa mo"

Tumaas lahat ng dugo ko sa mukha. Sisigawan ko sana sya ng takpan nya ang bibig ko "Joke lang. Ano kaba. Haha. Oo sayo lahat yan. Napapansin ko kasi this past few days hindi ka nakaka kain ng maayos. Kaya kain na. Walang aangal okey? Ipapabayad ko sayo yan" Banta nya saakin.

Nakaramdam ako ng saya dahil concern pala sya saakin. Kaya kahit ayoko kumain ng madami. Kinain ko lahat ng order nya para saakin.

"Hinay hinay naman Yen. Baka mabulunan ka" saway nya saakin

Kaya nag dahan dahan ako sa pagkain ko. Sabi nya kase kainin ko e. Edi push. Haha.

Biglang nag ring ang phone ni Zach. Nag katinginan kami. Pinakita nya saakin kung sino ang tumatawag.

Si Riri. Tumango lang ako sakanya para sagutin ang tawag ng GIRLFRIEND nya.

"Hello?" Narinig kong sagot ni Zach

Kumain lang ako at hindi pinansin ang usapan nila. Pero hindi ko maiwasan ang hindi makinig. Dahil nasa harapan ko lang si Zach.

"Ah uuwi na din ako mamaya. Sorry naghahanap kasi ako ng damit Ri. I hope you understand babe. Yes babe. Oh sge. Just wait for me. Pupuntahan kita sa bahay babe. Okey thankyou. I-love y-ou"

Tumayo ako para mag excuse dahil naiiyak ako. "Excuse me. Cr lang ako" Sabi ko.

Tumango lang sya dahil kausap nya pa si Riri. Pag talikod ko tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Akala ko ang makita silang mag kasama ay masakit na. Pero wala pa palang mas sasakit pag narinig mo mismo sakanila na mag ILOVEYOU sila.

Hello. Kahiya naman sakanila hindi ba? Nasasaktan kaya ako!

Pumasok ako sa isang cubicle sa Cr at napahikbi.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nag stay sa Cr. Napag pasyahan ko ng lumabas dahil baka nag aalala na si Zach.

Tumingin ako sa salamin. Namamaga ang mata ko. Argh. Kaasar. Nag retouch na ako at lumabas.

Paglabas ko nabigla ako dahil nakita ko si Zach na naka sandal sa pader malapit sa Cr ng babae.

"Bat ang tagal mo? At bat numumula yang mata mo?" Tanong nya saakin. Titig na titig sya saakin kaya umiwas ako ng tingin.

"A-h an-o. Sumakit kas-i an-g ty-an ko. Oo. Tum-ae ak-o"

Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa nakakadiring excuse na naisip ko. Shit.

Tumawa sya ng malakas dahilan para takpan ko ang mukha ko sa buhok ko. Nakakahiya.

"Seriously? Kadiri ka Yen" Hindi parin sya tumigil sa kakatawa kaya tumakbo ako at iniwan sya duon. Nakakainis. Kung alam nya lang sana ang totoong dahilan kung bakit namamaga ang mata ko ngayon!

Tumakbo ako papasok sa Elevator. I press the close botton.

"Wait! Yen!" Narinig kong sigaw ni Zach bago mag sara ang elevator.

Napasandal ako at napahawak sa dibdib ko. Para akong mahihimatay dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko at pagsikip ng dibdib ko.

Ting ..

Tulala akong lumabas sa Mall. Bakit ba ang sakit sakit? Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito?

---

She's dating Mr. Eye glassesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz