"I don't know what you're talking about, JM." She denied. Ayaw niyang makahalata ito sa mga nangyayari sa kanila ni Nathan.

"Cut the crap, Yzabella Gamboa. Of course, you know what I'm talking about. Akala mo ba hindi ko alam na araw-araw kang sinasaktan ni Nathan? Baka nakalimutan mong wala kaming lihim sa isa't isa." He inhaled deeply and continue, "are you really that in love with Nathan, na hanggang ngayon nandito ka pa rin para sa kanya sa kabila ng pananakit niya sa'yo emotionally at physically?"

"You don't understand, JM. Hindi ganon kadali bumitaw kahit na ganyan siya sa'kin." Somehow, gusto pa rin niyang panghawakan ang katotohanan na kasal sila at maaari pang magbago ang pakikitungo ni Nathan sa kanya. Kailangan pa niya ng kapatawaran nito.

Kahit alam niya sa sarili na wala siyang kasalanan sa nangyari, still, she felt guilty. Siguro kung buhay lang ang ina nito, marahil hindi sila aabot sa puntong kinaroroonan nila ngayon ni Nathan.

"Ikaw JM, naniniwala ka bang kaya kong gawin 'yon sa tumayong pangalawa kong ina?" Basag ang kanyang tinig, hinayaan niyang mamalisbis ang luha sa pisngi. She needs to cry nang maging maluwag kahit papano ang nararamdaman.

"I never been believe that you can do those things. But in Nathan's case, I can't blame him. Nasaksihan ka niya sa akto." JM said before he sipped his coffee. "Noon paman mahal kana ni Nathan, pero hindi ko alam kung nandiyan pa sa puso niya ang pagmamahal na 'yon." he added.

Napalingon siya bigla sa sinabi nito. He grinned looking at her. "You don't know?"

She shook her head off, saying that she doesn't know.

"Now, that you know, I'd better go. So you could take a rest." Sabay tayo nito at deretsong naglakad papunta sa pinto. "One more thing, don't give up on him the truth will prevail in a right time." Dagdag nito bago tuluyang lumabas ng pintuan.

"Lock the door." Pahabol nitong sigaw.

Iniisip ni Yzabella ang sinabi ni JM. Kung totoong mahal siya noon pa ni Nathan. Bakit hindi nito magawang paniwalaan ang kanyang mga paliwanag?

Pagkalipas ng ilang minutong pag-iisip, tumayo siya at umakyat sa itaas. Sinilip muna niya si Nathan bago tumuloy sa sariling silid.

Mahigit isang taon na silang kasal ngunit ni isang beses hindi pa sila nagtabi. Palaging ipinamumukha ni Nathan ang dahilan ng pagpapakasal nito sa kanya. Wala siyang magawa kundi tanggapin na lamang iyon kahit sobrang sakit na.

Noong araw na ikasal sila, inihanda na niya ang sarili sa kakaharaping buhay sa piling ng taong mahal na labis ang pagkamuhi sa'kin.

NAGISING si Nathan sa sinag ng sikat ng araw na tumatagos sa nakabukas na kurtina. Kumikirot ang ulo niya at sobrang sakit niyon. Inaalala niya sa isipan ang mga nanyari nang nakaraang gabe. Napasubo pala siya sa inom.

He glance at the clock it already 8 in the morning. Hindi siya makakapasok sa opisina sa ganong kalagayan. Naisip niyang mag-half day na lamang. Kukontakin niya ang secretary para ipaalam na mamayang hapon siya papasok para mai-cancel nito ang kanyang mga appointment sa umaga.

"Shit!" Sapo ang kanyang ulo, tumayo siya papunta ng banyo dahil sa tawag ng kalikasan. Saktong paglabas niya ng banyo nang makarinig ng katok sa pinto. He walked through the door. He didn't even bother to wear anything, at tanging boxer short lamang ang kanyang suot.

He opened the door to see who's outside. His wife, standing in front of him holding a tray of food. He saw also a tablet of medicine.

He looked on her face, nailang ito kaya umiwas ng tingin sa kanya. "Uhmn... I bring food and medicine." She said looking downward.

Shattered Wife (Completed)Where stories live. Discover now