Chapter 2

33.6K 926 12
                                    

Nasa tapat si Nathan ng kanilang bahay. Mula sa labas, tanaw niya ang nakabukas na ilaw sa silid ng asawa. Gayon din ang ilaw sa ibaba, marahil ay hinihintay nito ang kanyang pagdating.

He glanced over his wrist watch. Nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa kalasingan. It was already past one in the morning.

Kumikirot din ang ulo niya. Napasubo siya ng inom at hindi niya namalayan iyon.

Ukupado ang isipan niya ng imahin ni Yzabella. He's wife and he treated her like a slave; has no purpose but to suffer.

Ipinilig niya ang ulo. Saka naramdaman ang pagtapik sa kanya ni JM, unlike him hindi pa ito gaanong lasing dahil busy ito sa pakikipag-usap kanina sa iba nilang mga kaibigan. At siya lang yata ang tinamaan ng malakas.

"Let's go, dude. Mukhang hinihintay ka ng asawa mo." Untag nito, they were using JM's car at naiwan sa parking lot ng bar ang sasakyan niya dahil hindi na niya kayang magmaneho pa.

"I can manage alone, bro. Thanks anyway." Umibis siya ng sasakyan at kamuntikan nang mapasubsob sa semento kung hindi lamang maagap na nahawakan ni JM ang kanyang balikat.

"Tsk! Ang tigas kasi ng ulo mo, lasing kana nga ayaw pang magpatulong. Tara na ipasok na kita sa loob, 'wag kanang umangal pa, masapak kita."

Hindi na nga siya umimik pa at nagpatinaod na lang sa pag-akay ng kaibigan. Dahil pakiramdam niya'y hinahalukay ang kanyang sikmura.

Nang bumukas ang pinto'y tumambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Yzabella. Agad siya nitong dinaluhan.

"What happened to him?"

"Drunked" simpling tugon ni JM.

"Kaya mo ba siyang i-akyat o tulungan na kita." He added

"Kaya ko na, salamat pala sa paghatid sa kanya." Tumango si JM bilang sagot.

INAKAY ni Yzabella ang asawa patungong itaas. Nahirapan siyang maiakyat ang lalaki ngunit nagawa niya rin. Iyon nga lang, matagal bago nila narating ang silid nito at hinihingal pa siya.

Inihiga niya sa kama si Nathan at hinubaran ng sapatos. Basa ang damit nito at kailangan ring palitan. Nakaramdam siya ng habag habang tinititigan ang natutulog na lalaki.

Masuyong hinaplos niya ang pisngi nito. "I'm sorry..." Anya sa mababa at malungkot na tinig. Pagkatapos palitan ang asawa ay lumabas na siya ng silid.

Akmang papasok siya sa sariling silid ng makarinig ng ingay sa kusina. She decided to go down stairs para tingnan ang ingay. Baka daga iyon na nanghahalungkat na naman sa kusina. Pagkababa'y nakita niya agad si JM na kampanteng nakaupo sa naturang sofa habang nanunuod ng late news.

"Akala ko umalis kana." Anya sa lalaki. Tinapunan siya nito ng tingin at itinaas ang tasang hawak na naglalaman ng kape.

"Is he sleeping?" JM asked

"Yeah, thank you for bringing him, home."

He glance at her and gesture the sofa with his free hand. She walks on the other side and take a seat.

"So, how's life being married to an asshole?"

Umiwas si Yzabella ng tingin, ayaw niyang malaman nito ang kanyang kalagayan. She doesn't need to be pity of. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, alam ni JM ang lahat sa kanila ni Nathan.

"Maayos na naman kami, he is a good husband." Anya na sinamahan ng pilit na ngiti.

JM looked at her in disbelief, after a while he frowned and took a sip of coffee. "You aren't a good liar, don't you know that? Even if I don't know what's happening between the two of you, it is still obviously written on your face na nahihirapan ka."

Shattered Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon