Loveliest Bambie,
Hi. Kaclose mo 'ko minsan dahil lagi kitang inaasar sa mga bakla mong iniidolo na laging naka makeup at nakanta ng hindi mo maintindihan. Pero shempre,di ka magpapatalo kaya aasarin mo rin akong bakla. Alam mo ba,pag sinasabi mo ang salitang yun,gusto kitang halikan para patunayan na hindi ako ganun. Tsaka minsan,ikinukumpara mo ako kay Jimin. Alam mo ba,nasasaktan ako pero di ko pinapahalata at iniiba yung topic para di mo siya maisip habang kasama mo ako. Alam mo rin ba na ginusto ko ang KPOP para sayo? Tinuruan ko ang sarili na gustuhin ang mga baklang nagugustuhan mo gaya ng EXO,BTS at Super Junior. Nag-download ako ng maraming kanta ng BTS,dahil sabi mo,yan ang pinaka gusto mong grupo (ng mga bakla :D) at nilagay ko sa isang SD Card na 16gb dahil alam kong hihiramin mo yun at makukuha ko ang atensyon mo. Yun nga lang,mga bakla ang totoong dahilan.
Naiinis din ako sa wallpaper mo at mga pictures ng dingding mo sa kwarto mo na puro poster ng BTS. Naiinis din ako sa mga sticker sa case ng phone mo. Anobayan,sila na nga ang wallpaper mo,pati ba naman case mo may mukha nila. Nung minsang sinabi ko sayo ang tungkol sa mga kinaiinisan ko,nagalit ka. Sabi mo pa 'di ko naman sinabing gustuhin mo sila. Kung ayaw mong makita,wag mong tignan at huwag mo akong lapitan kung ayaw mo na sila ang binabanggit ko.' Sobrang nagalit ako sa sarili ko. Hanggang sa mag Christmas Party tayo....
