Kahit saglit pa lang tayo magkakilala
Ramdam kong ako'y tuluyang nahulog pagkat puso'y laging kumakaba
Iparamdam sayong mahal kita, yan ang aking nais twina
Sana'y tanggapin sa
Tamang panahon
Ipinangangakong ikaw lang at wala ng iba pa
Nawa'y pagbuksan mo ang kumakatok kong puso
Eksaktong dumating ka, nung handa na ang aking puso
Sapagkat binago mo, malamig kong pusong ayaw na sanang masaktan
Ako'y nahulog, sa pag-ibig muling sumugal
Nais ialay, tapat at buong pagmamahal
Gaya ng iyong nakaraan, ngunit hinding hindi ka sasaktan
Usal sa Poong Maykapal, nawa'y ako'y iyong pag buksan
Yakap ng pagmamahal, handa sa iyo ay ilaan
Oh Mahal na Panginoon, muli sana ako'y pagbigyan.
Written: May 20, 2016
-emptysweethanger
DU LIEST GERADE
Introvert's Playground
SonstigesRandom thoughts, random feelings. Welcome to an Introvert's playground.
