I'M INLOVE. Yes... I AM.
Akala ko, after ng previous heartbreak ko, magiging straight na ko. Dahil sa simula naman, isa lang naging pangarap ko, ang magkaron ng isang simple at normal na pamilya. Pero sabi nga nila, wag na wag magsasalita ng patapos. So ayan nga, may dumating na isang tao, na nagparealize ng worth ko. Yung taong bumuo ng pira-piraso kong puso.
Ever since, I'm always at my comfort zone. Laging playing safe. Hindi marunong magtanong. I always let something happen or pass by without asking.
I remember, yung first boyfriend ko, nung may nag text sa akin na girl claiming na boyfriend nya na daw ang boyfriend ko at magkasama daw sila that time, without confronting, I broke up with him. I didn't even bother to confirm kung totoo ba o hindi.
Yung first girlfriend ko, nung sinabi nyang ayaw nyang mag out, nung alam ko sa sarili kong nagawa ko na yung part ko, hinayaan ko na sya. I fall out. Hindi na ko nag insist pa. Hinayaan ko lang sya without asking kung baka may mas maganda bas yang plan or what.
The next girl na minahal ko, hinayan kong maging attached sa kanya knowing na hindi ko pa sya na-meet in person. Hinayaan kong maattach ako at masaktan kahit alam ko sa simula pa lang na wala naman patutunguhan. Hindi ko ininsist na magkita kami ng personal. Kasi kung tutuusin may paraan. Pero wala akong ginawa para sa taong mahal ko. Hanggang sa nawala na lang syang parang bula.
Incidentally, na fall ako sa isang taong hindi ko dapat mahalin in a romantic way. Matapos kong aminin ang nararamdaman ko sa kanya, may ipinakilala sya sa akin.Yung taong mahal nya. Without asking, nag move on ako. Kahit maraming tanong na naglalaro sa utak ko, nanahimik ako.
Sabi nga ni Mace sa That Thing Called Tadhana
"Para sa'kin kung mahal mo, habulin mo dapat ipaglaban mo 'wag mo hintayin na may magtulak sa kanya pabalik sayo. Hilahin mo. Hanggat kaya mo 'wag kang susuko, 'wag kang bibitaw. Sorry, mahal ko eh."
Tama naman si Mace eh. Kapag mahal mo isang tao, dapat ipaglaban mo. Wag mong susukuan agad agad. Kasi madalas, effort lang naman kulang eh. Effort na maiparamdam mo sa taong mahal mo kung gano sya kaimportante sayo.
Muli, sa hindi inaasahang panahon, muli akong nagmahal. But this time, hindi na ko makukuntento lang sa comfort zone ko. At tulad ni Mace, handa akong ipaglaban ang taong mahal ko.
Dumating sya nung panahong binubuo ko pa ang sarili ko sa heartache na naranasan ko nung ma-fall ako sa isang taong hindi ko dapat minahal in a romantic way. Hindi naging madali kung pano kami umabot sa status na IN A RELATIONSHIP.
Sabi nga ni Popoy sa ONE MORE CHANCE,
"Kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi may paparating pa, yung magmamahal sa'tin at magpaparealize sa'tin kung bakit naging mali yung dati. Paparealize rin satin kung pa'no tyo dapat mahalin."
She never fails to make me feel my worth. With her, I feel loved. We're going in our 5th month and I'm loving her more and more every single day. So thankful for having her in my life now.
-emptysweethanger
BINABASA MO ANG
Introvert's Playground
RandomRandom thoughts, random feelings. Welcome to an Introvert's playground.
