Chapter 56: Scars of the Stars

Start from the beginning
                                    

Pinilit kong magsalita. Hi!” bati ko. Hindi siya sumagot. “Kumusta?” Hindi pa rin siya sumagot. Busy siya sa panunuod kina Ogie at ang mga bwisit na ipis. Lalo tuloy akong naiinis sa cartoon na 'to. 

Pakiramdam ko sinasadya niyang huwag akong pansinin. Naiintindihan ko naman. Galit pa rin siya sa akin.

Hinila ko ang upuan sa bedside table niya para umupo. Kanina pa kasi akong nakatayo at ngalay na ngalay na ako. Hindi pa rin niya ako pinapansin. 

Gusto ko siyang kausapin pero ang totoo, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano magsisismula. Pareho kaming tahimik. Pareho kaming tulala. Hindi ko alam kung saan siya nakatingin--kung talagang nanunuod ba siya ng TV o nakatulala kakaisip. Ako naman, sa sahig lang nakatingin. Ayoko nang tignan si Dave.  Ayoko nang tignan ang kalagayan niya ngayon. Ayokong tignan ang mukha niyang may bakas ng bugbog at malaking bendang siguradong nagkukubli ng mas malala pang sugat. 

Matapos ang katahimikang akala ko habambuhay nang mamamagitan sa amin, bumigkas na si Dave. “Pwede na ba ‘to?” 

Nagulat ako nang magsalita siya, pero hindi ko ipinahalata. Patuloy ko pa ring pinagmamasdan ang sahig. 

Napakalanta ng pagkakasalita niya. Halata sa boses niya ang pagkaantok, pagkawalang gana, at pagkaubos ng lakas. Mahinang Dave ang narinig ko. 

“Maggie, tignan mo ako,” ani Dave.

Tinignan ko siya sa mata. May paninisi ang tingin niya, kaya agad akong nakaramdam ng malaking-malaking guilt dahil dun.

“Pwede na ba ‘to, ha? . . . Mamahalin mo na ba ako nang tapat dahil dito? Panget na ako, Maggie. Pwede na ba akong makatanggap ng true love? Pwede mo na bang makita ang tunay na ako—ang nasa loob ko kasi panget na ako?” Hindi galit ang tono niya; hindi rin nagsusumamo--pero damang-dama ko ang pighati niya habang binibigkas niya ang mga salitang iyon. 

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga sinasabi niya. Wala akong natatandaan na sinabi kong panget lang ang nakakatanggap ng true love. Naguguluhan ako. Hindi kaya epekto 'yan ng detox kaya siya ganyan, kung anu-ano na ang naisip? Parang bangag? 

"Ito 'yung ibig mong sabihin dati, 'di ba? That you were just deceived by my pretty face. You didn't really love me, 'di ba?" aniya. 

Oh, my god. Damang-dama ko ang guilt. Naaalala ko na. Sinabi ko nga noon sa kanya na agad lang akong bumigay sa kanya kasi gwapo siya--na hindi ko talaga pala siya mahal. Bakit ko pa kasi sinabi iyon sa kanya? Nasaktan ko nga siya, pero ngayong ibinabalik niya na sa akin ang lahat--triple--hindi, milyon-milyong beses nito ang sakit na nararamdaman ko ngayon. 

Bigla na lang tumulo ang luha ko sa kanang mata ko. Pinunasan ko ‘to agad ng palad ko. Natahimik kami uli, pero ilang minuto ay nagsalita ako ng, “Nagsinungaling ako." Hindi ko na napigilan pang manahimik. "Hindi totoo ang sinabi ko. Hindi totoo na hindi talaga kita minahal. Hindi totoo na crush lang kita kaya bumigay ako agad. Dave, gusto lang kitang gantihan—saktan. Kasi, Dave, ang sakit-sakit. Ang sakit-sakit nung ginawa mo sa akin." 'Yung paghinga ko habang nagsasalita--ang hirap--lalo na dahil naaalala ko na naman ang sakit. "Pero alam mo kung ano ‘yung mas masakit? Hindi, ‘yung pinakamasakit pala. ‘Yung pinakamasakit, Dave, ‘yung katotohanang mahal talaga kita kahit dapat hindi na.” Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Dinukot ko ang panyo ko sa bulsa ko para sundan ng pagpunas ang bawat luhang umaagos sa mukha ko. Inilayo ni Dave ang tingin niya sa akin. 

"Maggie, bakit hindi mo sinabing magpinsan pala kayo ni Sep? Or should I ask first, do you know what's the real thing between us? Ha?" tanong niya na lalong nagpabato sa akin. Wala na. Wala na akong kawala. Alam niya na. Malamang, pati si ate Beng alam na; kaya marahil ganun ang treatment niya sa akin nung huli kaming nagkita. Patay na. Paano ako magre-react? 

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Where stories live. Discover now