Chapter 56: Scars of the Stars

Start from the beginning
                                    

Tumayo ako at niyaya si Chloe na samahan ako. Sinamahan niya naman ako at sumunod kami kay Don.

Nang makarating kami sa 6th floor kung nasaan ang kwarto ni Dave ay lalo akong kinabahan. Kinakabahan akong makita ang mommy ni Dave. Paano kapag tinarayan niya ako? Ewan. Wala siguro akong gagawin. Sana, hindi. Pero mas kinakabahan akong makita si Dave. Papansinin niya ba ako? Kakausapin niya ba ako? Kanina ko pang iniisip ang mga 'to. Paulit-ulit. Pabalik-balik.

“Uh, Don, teka. Sigurado ka bang pwede akong dumalaw?” Parang gusto kong umatras at umuwi na lang.

“Ha?! Oo naman.”

“Sinong sinabihan mo? Mommy ni Dave?”  Shit! 'Yung puso ko--ambilis ng tibok.

“Oo, tsaka si Dave din.”

“Pumayag sila?”

"Maggie, calm down," sabat ni Chloe habang hawak ang likod at braso ko. 

Hindi na sumagot si Don, pero binigyan niya lang ako ng facial expression na nagsasabing ang-kulit-mo-naman-eh. 

Napanatag ako kahit kaunti lang lalo na dahil hawak ako ni Chloe. 

May pintong bumukas, tatlong kwarto mula sa lugar namin ni Don. Lumabas mula sa kwartong iyon ang isang magandang babae. Mukhang mayaman, singkit, maputi, balingkinitan, pero mukhang mataray at strikta. Sa madaling sabi, may Dyosang lumabas. 

“Mommy ni Dave,” bulong ni Chloe. Lumobo uli ang dibdib ko sa sobrang kaba nang marinig iyon sa kanya. 

Lumapit kami sa mommy ni Dave.

“Tita, si Maggie po,” pakilala sa akin ni Don.

“Good evening po,” bati ko nang nakangiti para maitago ang super kabang nararamdaman ko ngayon. Ngumiti siya, pero ‘yung ngiti niya—pormal na ngiti lang. Hindi friendly. Hindi warm.

Hindi niya ako tinarayan pero tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa, tapos balik uli sa ulo. Nakaramdam tuloy ako ng sobrang hiya sa katawan. Mabuti na lang agad siyang nagpaalam. 

Tatlo na lang kami ngayon nina Don at Chloe na narito sa labas ng kwarto niya.

“Don, ikaw nang mauna, please,” pakiusap ko. "Chloe, samahan mo 'ko, ha."

Binuksan ni Don ang pinto at sinilip si Dave. “Tol!” ani Don kay Dave.  “Maggie, gising siya. Pasok na.”

“Huh? Gising siya?” Shit! Hindi ko ata kaya. 'Yung heartbeat ko, mabilis pa sa cheetah na tumatakbo.

Hinawakan niya ang likod ko at sinabing, “Pumasok ka na,” sabay tulak sa akin. 

Nagulat ako sa nakita ko. Si Dave. Shit! Na-miss ko siya. Kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko, ganun naman kabagal ang paghakbang ko papalapit sa kanya. Walang ibang tao kundi kaming dalawa lang. Naka-hospital gown na blue siya. May swero sa kaliwang kamay niya at may benda sa kanang kamay at mukha niya. Iyon siguro ang sugat niya na sinabi ni Chloe nang hampasin siya ng kaaway niya kagabi ng bote. 

Hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya dahil nakatutok siya sa TV. Cartoon Network, Ogie and the Cockroaches, 'yung show na pinakaayaw ko na hilig naman ni Marian, ang pinapanuod niya. Ayoko sa show na 'to--hindi magandang influence sa mga bata. 

Anyway, tinigan ko si dave. Ngumiti ako nang mabilis at maliit—sa sobrang bilis at liit, walang sinuman ang makakahalata. Actually, wala talagang nakakita ng ngiti ko kasi bukod sa kaming dalawa lang ang nandito, hindi pa ako tinitignan ni Dave. 

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Where stories live. Discover now