‘yang mamaya mo sa susunod na buwan nanaman yan !!’ sigaw ni Madam na malapit na ko maabutan .

 

‘hindi po .’   nagsimula na ko tumakbo bago pa ko maabutan ni Madam pero bago pa ko tuluyan makalayo eh lumingon ako ulit kay Madam .

 

‘at di po ako tumatakas ! Yun na po kasi ang bagong Shanna’s  way ng paglabas ng bahay ! you know ?’  ngiti sabay peace sign at harurot ng takbo dahil nakaakmang babatuhin na ko ng tsinelas ni madam .

Ako nga pala si Shanna Mei Yamada , hopeless romantic na mahilig magbasa ng stories sa manga at kahit san basta love story pero wala pambayad ng renta , bakit ? kasi inuna ko pambayad sa laptop , im so bright , I know =)))

Yung laptop na nabili ko , 2nd hand , hulugan pa na binenta saakin ng katrabaho ko , binenta niya nga rin saakin yung broadband niya , ubos din pera ko kakaload sa pesteng yun para makapag internet . 

Layas nga pala ako saamin , kung bakit ? secret saka ko na lang sasabihin . 19 na nga pala ako turning 20 , di na ko nag-aaral , kung bakit ? malamang walang pambayad sa tuition , wala ngang pambayad ng renta eh , kayo naman oh . 

Papunta na ko ngayon sa pinagtratrabahuhan kong coffee shop ,waitress ako dun , mahilig ako sa kape kaya wag ka na magtaka kung bakit dito ko napili magtrabaho , mahabang pakiusapan pa nga ang nangyari saakin para lang makapasok dito , ayaw kasi nila tumanggap ng babae dito , kalokohan ng may ari ng coffe shop ayaw daw ng babae , pero since makulit ako at yung isa sa regular costumer nila ay natulungan ko one time ng kamuntikan na siyang madukutan , cinonsider narin nila ko dito .  Isa pa close ko yung manager dito , mabait kasi yun eh .

Medyo malapit yung coffee shop sa apartment ko kaya nilalakad ko lang , isang kanto na lang ang layo ko ng may yumakap saakin at bigla akong hinalikan sa lips . Napatigil ako ng ilang Segundo at bigla ko na lang naramdaman na nag init ang pisngi ko , yung taong biglang humalik saakin eh  pangiti ngiti pa sabay kaway paalis .

Di ko na siya nahabol dahil sumakay siya ng taxi , inis na inis ako , para akong namanyak ng walang kalaban laban , I mean , putakte naman ! naglalakad lang ako tapos may biglang hahalik sayong gwapong nilalang . oh diba ? unfair !

1 buwan na kong nagtratrabaho sa coffee shop , 5 na lang kami nagtratrabaho dito , yung   cook na si kuya Jhony  , medyo may edad na rin at pinakamabait saamin , si Micko ang gwapo pero bading at nakakapanghinayang talaga na cashier namin, si Tyler ang boy-labong mukhang lampa pero mabait na waiter din gaya ko  at si  Harry ang sisterett ni Micko , cute din sana pero mas girl pa saakin at siya lang naman ang assistant cook at barista namin dahil nag resign yung barista at isa pang waiter .

 

‘Kuya Jhony , si Uncle ba pupunta ngayon dito ?’ baling ko kay Kuya Jhon , habang inaayos ang mga tables .

Sweet Serendipity (girlxgirl)BOOK2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon