Naglalakad kami ni Zammy papuntang school nakita namin si Jerald at mga tropa nya.
Sikat sila na dance group dito sa school namin. Actually bestfriend ko si Zammy at Jerald.
Si Zammy elementary palang magbestfriend na kami si Jerald naman kababata ko at minsan nang nanligaw sa akin. Pero hindi ko alam mabait,matalino,at boyfriend material naman sya pero siguro hanggang friend lang talaga ang tingin ko sa kanya.
Nakita namin si Jerald na nakinakausap ang tropa nya at maya maya lumapit sa amin ni Zammy.
"Hi Zammy,Hi Janica"bati ni jerald sa amin ng makalapit na sya sa amin
"Hello Rald, tara sabay na tayo pumasok" tumango lang si Jerald at naglakad na kami paputang room.
Pagpasok namin sa room wala pa ang prof namin kaya nagkwentuhan muna sila. Hindi na ako nakisali kasi may inaala ako.
"Faye ok ka lang?" tanong ni Zammy . Ok lang ba ako?hindi ko alam. "Ano bang problema? Kanina ka pa kasi nakatulala."
"Napanaginipan ko kasi na nakikipaghiwalay sa akin si Jef" tinaasan naman ako ng kilay ni Zammy habang si Jerald poker face lang.
"Ano kaba? Ikaw na nga ang nagsabi na panaginip lang minsan ang panaginip yun ang kabaliktaran nang mangyayari." Dahil sa sinabi ni zammy nabawasan ang sakit na loob ko. Dumating naman ang prof ko. Nagturo sya hanggang sa
"Class dismissed" lunch time na tinext ko naman agad si Jef.
To: Jef <3
Lunch. Sabay tayo?
Nagreply naman sya kaagad
Fr: Jef <3
Pass. May practice ako.
To: Jef <3
Ok.
Ano ba yan mas may time pa sya sa practice ng basketball kaysa sa akin.
"Faye nakabusangot nanaman yang mukha mo? Alam mo naman ayaw kong nakikitang malungkot ka." Ang sweet naman ni Jerald.
Hindi namin kasabay ni Jerald si Zammy mag lunch dahil may importante daw syang pupuntahan kaya kami lang ni Jerald sabay.
"Wala. Mabuti ka pa kahit busy ka may time ka sa amin ni Zammy" bigla naging seryoso ang mukha ni Jerald. Hala! Anong nangyari sa kanya?
"Sabi ko naman kasi sayo na ako nalang"sabi nya . Sasagot na sana ako kaso bigla syang ngumiti at sinabing "joke lang"
"ikaw ha! wag mo nga akong jinejoke ng ganyan mamaya maniwala na ako."bigla naman syang nalungkot. patay! manasabi ba akong masama. sinabi ko lang naman na wag syang mag joke ah.
"kahit naman hindi joke yun hindi mo naman ako mamamahalin" ahh. yun pala sorry naman friend lang talaga tingin ko sa iyo eh. kung pwede lang sana turuan ang puso ng taong mamahalin matagal ko nang ginawa.
magsasalia na sana ako nang may isang bagay i mean tao pala na nakapukaw ng attention ko. si Jef at Zammy magkasama at nagtatawanan pa.
so ayan pala ang kinabisihan nilang dalawa. sabagay, busy nga naman sila kakatawa.
nakatingin narin palan si Jerald sa tinitingan ko "Faye ok ka lang? wag kang mag alala nag uusap lang yang dalawang yan"kahit anong sabihin at paniwalaan ko na nag - uusap lang sila with matching tawanan di mawala sa isip ko ang maghinala.
"ok lang, sige cr lang ako" sabi ko at iniwan na si Jerald mag isa.
hindi ako pumunta ng cr dumiretsyo ako sa next class ko which is math at classmate ko pa si Zammy. pinatong ko ang ulo ko sa desk at akmang matutulog muna nang dumating si Zammy at tumabi sa akin. gusto ko mag tanong pero pinipigilan ko ang sarili ko bago napaparanoid lang ako. dumating naman ang prof namin.
"ok class, i want you to have your partner and make a problem about our lesson.let your partner answer it." naghanap ako ng partner pero mukhang may partner na sila maliban sa akin at sa katabi ko .
gumawa na ako ng problem at nilapit sa desk ng katabi ko na si Zammy. binigyan nya rin ako ng papel pero hindi problem ang nakasulat.
Janica Faye,
SORRY!!! hindi ako nakasabay sa inyo mag lunch may pinuntahan kasi ako eh. sana hindi ka galit.
<3 Zammy
hindi ko sya nireplayan dahil nagtatampo ako sa kanya bakit kailangan nya pang magsinungaling kung pwede naman nya sabihin ang totoo.
binalik ko sa kanya ang papel at binigyan na naman nya ako ng papel this time yung problem na. sinagotan ko naman yun at maya maya lang nag check na kami.
"class dismissed" aalis na sana ako pero may humawak ng braso ko... si Zammy.
"iniiwasan mo ba ako?" tanong nya.
"hindi siguro" sagot ko na medyo sarcastic. binitawan nya naman ako. Umalis ako at sumunod naman si Zammy. Pero ibang dierksyon ang dinaanan nya.
papunta akong cafeteria para makakain hindi kasi ako nakakain ng maayos kanina.
nanaman..... akala ko ba busy ka sa practice pero bat mo kasama bestfriend ko kumain. hindi nalang ako tumuloy sa cafeteria at sa park ng school nalang ako tumambay.
" bakit palagi mo kasama ang Bestfriend ko" bulong ko sa sarili ko. nandito ako sa ilalim ng puno nagpapahangin wala akong next class kasi vacant ko kaya dito nalang ako.
hindi ko namalayan na nakaidlip ako paggising ko may katabi na ako si Jerald.
"bat ka nandito?" tanong ko
"nakita kita kaya tumabi na ako sayo para naman hindi ka magmukahang loner." sabi nya. mabuti naman at nandito si Jerald. naisip ko bigla na may ppuntahan pa ako kaya tumungin ako sa relo ko 4:26.
"sige Jerald may pupuntahan pa ako" pagtayo ko nag vibrate ang phone ko dali dali ko kinuha sa pocket ko at tiningnan ang nag text si Jef.
from: Jef <3
Next time na tayo pumunta sa Greenhouse. May hinatid pa kasi ako.
Ano kaba Jef, hindi mo ba napapansin na nasasaktan na ako.
------------------------
itutuloy.....
naka update narin..
(a/n Don't forget to like and comment.)
YOU ARE READING
Second Chances
RomancePeople who are meant to be together find their back to each other.
