"Ehem ehem.." Ubo ng mga kasama namin kaya tumawa na lang ako at nag-'shh' sakanila. I want to sleep first.

Buong byahe ay tulog ako. Nagising na lang ako ng may kumalabit saakin.

"Leley, gising na.." Napamulat ako ng mata at nagtaka ng makita si Jules na nasa labas. Kanino ako nakasandal?

Napatingin agad ako sa katabi ko at nakita ko siyang nakapikit habang nakaheadset. Ay shems, bakit sakaniya ako nakasandal?

Tumingin ako kay Jules na may tanong sa mukha na bakit sakaniya? Umiling lang siya at nilahad na ang kamay niya sakin.

Bago ako bumaba ay kinalabit ko muna si Blake. Nakita ko pa ang bahagyang pagkagulat niya kaya natawa ako saglit. Tinanggal niya ang earphone niya at tinignan ako.

"We're here." Sabi ko at ngumiti sakaniya bago hawakan ang kamay ni Jules at naglakad na papasok sa bahay.

Excited akong pumasok at nadatnan ko doon si Daddy na kausap sila Ian.

"Daddy!!" Tawag ko sakaniya at agad siyang niyakap.

After the graduation, umalis din agad si Daddy for his appointment. Nakisali si Vanessa sa yakapan at tumawa naman si Daddy.

"How are my princesses?" Tanong ni Daddy samin.

Ngumiti ako at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"We're fine daddy. So fine!" Masigla kong sabi.

"I see. Let's eat?"

Tumango kami ni Vanessa at humawak si Vanessa sa tyan niya. "I'm hungry."

"Obviously." Sabi ko at tumawa bago naglakad papasok sa kusina.

Blake's Pov

Tinitigan ko lang siya habang papasok siya sa kusina nila. She looks.. very happy.

"Namimiss mo?" Siko sakin ni John.

Tinitigan ko ang singsing na suot ko pa din. "I always miss her."

Nakita ko ang pagiling niya at inakbayan niya ako.

"Pano 'yan? She looks fine now. Mukhang nakamove on na din siya."

Nagigting ang bagang ko sa sinabi niyang iyon at kumuyom ang kamao ko. I hate hearing that. She can't move on.

Tinaas ni John ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko. "Woah woah, dude, easy."

Umiling na lang ako at pumunta na sa kusina. Lahat sila nakaupo na doon. Naghanap ako ng mauupuan ko at nakita ko si Ethan na tinatawag ako at tinuturo ang upuan sa tabi niya. Doon niya ko pinapaupo. Umupo ako dun at pagangat ko ng tingin ay tila kumirot ang puso ko.

"Ley, gutom ka diba? Kain kana ng marami." Sabi ni Jules at pinaglalagyan si Kylie ng ulam at kanin.

Nakita ko ang pagtawa ni Kylie. "You don't need to do that, juice. I can serve myself."

Umiling si Jules at nilapag ang kanin. "Don't starve yourself miss."

"Aye aye, sir." Sabi ni Kylie at tumawa ulit.

Ang ganda niya. Lalo siyang gumanda. Ang saya niyang tignan habang tumatawa. Ang saya sana pero hindi ako ang dahilan.

Nagalab ang galit ko ng makita kong hindi niya na suot ang bracelet. Pati ang singsing. Now is it true that she already moved on?

"Ky, what's the meaning of that letter J on your necklace?" Tanong ni Kinah kaya nalipat ang tingin ko sa leeg ni Kylie.

Yeah right. Letter J.

Campus QueenWhere stories live. Discover now