Imbes na magtanong, Ikinuyom na lamang ni Dana ang kanyang kamao at pinilit ang sarili na muling ngumiti para sa kaibigan.


"Let's go Snowy...." Inilahad ni Dana ang kanyang kamay ngunit nagtaka siya nang bigla na lamang huminto si Cielo sa paglalakad at nanatiling nakatayo sa gitna ng tahimik na daan. Hindi maiwasan ni Dana na magtaka lalo pa't nakatitig lamang si Cielo sa kawalan.


"Dana, Dana noong nawala ako three years ago... Nahirapan ka ba?"


May distansya man mula sa isa't-isa, malinaw ang pagkakarinig ni Dana sa bawat salitang binibitawan ng matalik na kaibigan.


"You ugly skunk, bilis na! Baka mamaya maabutan pa nila tayo!" Pabirong sambit ni Dana at muling inilahad ang kamay niya sa dalaga. Naguguluhan man sa sinasabi nito, pinilit na lamang niya itong baliwalain.


"Diana, just please answer it... Nahirapan ka ba nang mawala ako three years ago?" Unti-unting napatingin si Cielo sa mga mata ni Dana, at di gaya kanina ay higit na mas determinado itong makakuha ng kasagutan.


"Of course! Ano bang klaseng tanong 'yan?! Now let's go okay?!" Hindi naiwasan ni Dana na mapagtaasan ang boses ng kaibigan.


"Dana bakit? Bakit ka nahirapan?" Tanong pa ni Cielo dahilan para lalong mairita si Dana.


Dahil naiirita na, agad na lumapit si Dana at hinigit ang braso ni Cielo pero imbes na sumunod ay winakli lamang ni Cielo ang kamay ni Dana. Labis na nagulat si Dana sa ginawa nito.


"Dana it's time for us to talk about it... Diba nang muli tayong magkita, ito agad ang gusto mong pag-usapan natin?" Lumuluhang sambit ni Cielo.


"Cielo tara na! Utang na loob!" Muling pakiusap ni Dana pero umiling-lamang si Cielo at humakbang ng isang beses paatras.


"Bakit ka nahirapan nang mawala ako?" Muling tanong ni Cielo.


"Okay fine!" bulalas ni Dana sabay sapo ng noo niya, "I was disappointed okay! I felt worthless! Akala ko wala na talaga akong halaga sa'yo! Akala ko nagsawa ka na sa ugali ko! I fucking missed you okay?! We used to have each other's backs but it felt like I was abandoned! I thought you abandoned me!" Hindi na napigilan pa ni Dana na mapahagulgol.


Lumuluha man, kumurba ang ngiti sa mukha ni Cielo, "Don't be disappointed. You're not worthless. You are among the most important people in my life and that will never change. Oo nakakabwisit ka minsan, Oo ang sarap mo minsang sabunutan, minsan rin ang sarap mong itulak sa kanal pero kailanman hindi ako magsasawang maging kaibigan mo kasi alam ko namang pinipilit mong baguhin ang ugali mong nakakabwisit. I missed you too, every single fucked up day. Please don't think for a second that I abandoned you... never... You're a good person Diana, you'll cross paths with more people, you'll meet new friends, you'll have a good life ahead of you and you'll live it happily... You won't let this nightmare ruin your life okay?"


Naguguluhan man, umiling-iling si Dana at sa pagitan ng bawat hikbi ay pilit na nagsalita, "Dahil ba 'to sa anyo mo? Cielo, it doesn't matter! Skunk or not we can survive this! Just please! Let's go!

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now