Totoo bang may na-fall out of love?

973 19 3
                                    

Totoo bang may na-fall out of love?

MAY kaibigan ako. Three years na sila ng boyfriend niya. Nakipag-break 'yung boy kasi sabi niya "I fall out of love." Bago niya sabihin iyon, sandamakmak na types of personality ang ipinakita niya bago siya umamin. Ang dami niyang paasa-moments bago siya nakipag-break. Tapos, ang dahil lang pala ay na-fall out of love.

Paano mo ba masasabing na-fall out of love ka? Ano ba 'yan. Na-fall ka nga sa isang tao, siya naman, na-fall out of love rin pala sa iyo. Hindi naman ako nagrereklamo dahil sa konsepto ng falling out of love. Nalulungkot lang akong naghiwalay sila dahil raw dito.

I define falling out of love as a realization that you just don't love a person. Isang araw, nagising ka, tapos naisip mong hindi mo na pala siya mahal. Sabi noong kabigan ko, dumating raw sa point na 'yung boyfriend niya ay na-fall out of love sa kanya (paliwanag ni guy sa kanya). Sa tinagal-tagal raw nila, bigla na lang nawala 'yung sparks. Bigla na lang sigurong nagising 'yung guy at na-realize na hindi na niya mahal 'yung kaibigan ko. Walang ibang dahilan—fall out of love nga lang talaga.

Hindi naman totoo ang falling out of love. Para sa akin, isa itong malaking excuse na ginagamit ng ilang tao para ma-justify ang pakikipaghiwalay nila sa ka-relasyon nila. Isa itong malaking excuse para sabihin sa girlfriend/boyfriend nila na "Ayoko na. Tapos na tayo." Isa itong kaduwagan na nasasabi ng mga taong nakahanap at naghahanap pa ng iba.

Hindi naman na-fa-fall out of love ang tao. Sinasabi niya lang na na-fall out of love siya para pagtakpan ang term na nakahanap na siya ng iba. Kung hindi man tao ang hinahanap niya, baka may mas magandang bagay o career siyang nakita kaysa sa girlfriend/boyfriend niya. Sinasabi ng taong na-fall out of love siya kasi wala na siyang ibang maisip na medyo legal na dahilan para makipaghiwalay.

Para sa akin, ang mga taong nagsasabi ng na-fall out of love sila ay mga duwag. Duwag silang harapin ang ka-relasyon nila at simulang pagtagpi-tagpiin ang mga solusyon sa problema nila. Duwag silang aminin na hindi sila worth-it para sa ka-relasyon nila. Duwag sila dahil mas pinili nila kung saan sila kumportable. Duwag sila. Hindi lang sila duwag, makasarili sila dahil imbes na aminin nila ang totoong dahilan ng pakkipaghiwalay nila, sinabi na lang nilang na-fall out of love sila.

'Yung ex-boyfriend ng kaibigan ko, hindi naman na-fall out of love e. Ang totoo niyan, nakahanap lang siya ng iba. Sa ngayon, nagpakalayo-layo siya kasama ng bago niyang girlfriend. 



--


Ikaw, sa palagay mo?


Paano Mag-Move On?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon