PiII 12 I'm Yours

Magsimula sa umpisa
                                    

Author: ok enjoy your day haha.

( pagpasensyahan ang pagsingit ko haha )

Mas maaga akong lumabas sa kanya kaya hinintay ko siya dito sa may bench malapit sa building niya.

Para hindi mainip, magpapatugtog muna ako. Headset, Plug In!

( namiss ko yung line na ito hahaha. )

Note: ang pinatugtog po niya ay I'M YOURS sana naiplay niyo.

After 10 minutes ay dumating na rin si krissa.

"Sorry Kean kung matagal kang naghintay ang tagal kasing magturo ng prof. namin eh"

"It's ok, ang mahalaga ay nakarating ka."

"Saan naman ba tayo pupunta eh malapit ng magdilim oh"

"Sa rooftop, papanoorin natin ang paglubog ng araw"

"Sunset? Wow ha, ngayon ko lang iyan gagawin kasama ang lalaking mahal ko"

"Yun oh, MAHAL KO RIN :) tara na baka hindi natin maabutan"

Umakyat nga sila sa rooftop ng building nila krissa at pinanood ang sunset. Habang nanonood ......

"Krissa, bagyo ka ba?"

"Wow pick-up line gusto ko iyan sige bakit?"

"Kasi tinangay mo ang puso ko papunta sa iyo."

"Uy cheesy, haha pero nagustuhan ko yun. Sige ako naman. Kean, Betadine ka ba?"

"Bakit naman?"

"Kasi ginamot mo ang puso kong sugatan."

"Makabanat eh haha, eto ako naman. Krissa, ID ba kita?"

"Bakit?"

"Dahil akin ka in short, I'm yours!"

"Ayun eh haha, I like that. Last na ito Kean, Sinaing ka ba?"

"Bakit?"

"Kasi hindi kita pwedeng iwan baka masunog ka at mawala sa Akin. Haha corny ba?"

"Ahhhmm, ok na haha. Magaling ka rin pala diyan"

"Naman ako pa? Pick-up girl kaya ako haha, wait lang 6:30 pm na pala may bibilhin pa ako sa bookstore."

"Huwag mong kalimutan nandito ko at sasamahan kita."

"Salamat, tara na!"

Ang panonood nila ng sunset na naibaling sa pagpipick-up line haha.

After 15 minutes ay nakarating na sila sa bookstore.

"Kean ako na lang papasok mabilis lang ako ok?"

"Sige ikaw bahala, hintayin na lang kita dito sa sasakyan."

"Sige!"

Pagkapasok ni Krissa sa bookstore ay dali-dali siyang nagpunta sa may bookshelves.

"Naku saan ba rito yung pinapabili ni ate? Ah eto!"

Pupunta na sana si Krissa sa may counter ngunit nabangga niya ang isang babae at natumba ito sa kanyang pagmamadali.

"Miss sorry, ok ka lang ba? Masyado kasi akong nagmamadali eh!"

"It's ok, makakatayo ako mag-isa huwag mo na akong alalayan sanay naman na ako sa ganito eh."

"What do you mean by that? Binubully ka ba?"

"Nevermind, I can handle this by the way thank you."

"Ay umalis agad? Mukhang problemado siya ah! Ay oo nga pala magbabayad na ako."

After 5 minutes ay bumalik na rin si krissa sa sasakyan.

"Natagalan ka yata?"

"May nakabanggaan kasi akong babae ayun sinungitan pa ako. Kawawa nga siya eh mukhang maraming problema sa buhay."

"Ah ganun ba? Sige hatid na kita senyo."

"Ok"

Nang makauwi si krissa ay umuwi na rin si kean.

************

A/N:

New character, kilalanin siya sa susunod na kabanata.

Salamat sa pagbabasa. 

Comment and Vote! 

Be a fan din!

Love is more than a feeling; it's a commitment.

risingservant :) 

On the go!

Plug In II (A Musical Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon