PAGSUBOK

22 2 2
                                        

Ako si Shima.

Sabi ng ilan, ipinaglihi daw ako sa pwet ng manok.
Napakadaldal ko daw.Lahat ng mga barkada ko,natutuwa sa akin.Madalas kasi,ako ang nagpapatawa sa grupo.

Madalas akong nagbibiro.

Graduating na ako ng Journalism.

Ako lang kasi ang maingay sa grupo namin.Sa tuwing may project na pinapagawa ang prof namin kaya madalas kami napapagalitan dahil sa akin.

Pero tinatawanan lang namin yun.

Masaya ako 'pag kasama ang mga kaibigan ko.
Pero may isang tao ang mas nakakapagpasaya sa akin.

Si Marvin. Nerd siya, yes, pero 'wag ka.. Matalino iyan.

Mahal ko siya,matagal na. Pero hindi ko masabi sa kanya.

Natatakot kasi ako na baka mag-iba ang pagtingin niya sa akin.

-December 18,2014-

Kaarawan ng kaibigan niyang si Pachie; fetus palang sila ay magbestfriend na sila.

Niyaya niya ang lahat at kasama na doon si Marvin.

Nang sumapit na ang hating-gabi, wala na masyadong bisita. Sila na lang na magkakatropa ang natira.

Inumpisahan na nila ang inuman.Hanggang sa nagkakalasingan na.

Nagkaroon ng ideya si Shima at sinimulan na niyang humirit.

Matagal siyang nakatitig kay Marvin na sa ngayon ay nakikipagkwentuhan na sa kapwa niya. Kita niya ang pamumula ng mukha nito gawa ng alak na iniinom nila.

Biniro niya si Marvin.

"Marvin.." tawag niya. Lumingon si Marvin.

"Bakit?"

"Alam mo bang mahal kita?" biglang tumahimik ang grupo sa sinabi ni Shima. Maya-maya pa'y tinutukso na sila ng grupo.

Napatulala si Marvin sa sinabi nito.

"Mahal din kita,Shims." - Marvin.

Nagulat si Shima sa sagot nito.Kaya,nagtanong ulit siya. Ewan parang nagustuhan niya ang pagkagat ni Marvin sa mga patutsada ni Shima.

Sa ngayon ay kailangan na niya itong sakyan. Bahala na si batman.

"So..pwede ba kita maging boyfriend?"-Shima.

"....."

"....."

Bigla na namang natahimik ang lahat.

"Sige,ikaw bahala."-Marvin.

Dahil sa sagot ng Lalaki kay Shima ay mas lalong umingay. Kinantyawan na sila ng kinantyawan ng mga kaibigan nila.Deep inside,overwhelming ang nararamdaman niya.Para ngang nawala pagkalasing niya sa tuwa.

Gusto niyang tumalon-talon sa saya!

'Nung una'y nagkakahiyaan pa dahil nga sa pangyayari na iyon.

Kalauna'y naging mas malapit sila sa isa't isa.

Minsan nagkakayayaan pumunta ng mall,nang sila lang dalawa.Madalas din sila magkasama.Sa breaktime,sa lunch,at kahit saan-saan pa.

Tumagal din ang ganoong set-up nila ng ilang buwan din.

Parang ang sarap ng feeling ngayon ni Shima dahil boyfriend niya si Marvin!

Kung tutuusin, wala namang sagot o kung pumayag ba si Marvin sa mga tanong ni Shima.

Sabi niya siya na daw ang bahala. So, papangatawanan niyang 'ou'ang sagot ng lalaki sa kanya.

Ang saya-saya niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAGSUBOK Stories to obsess over. Discover now