Overwhelming Reaction

16K 339 7
                                    

"I SEE you're very overwhelmed by my proposal," tila nang-aasar na wika ni Clay.

"Propo—what proposal?" sa pagkakataong iyon ay mas malinaw na ang isip ni Ariana. Sa isang iglap ay napuno ng adrenaline ang kanyang katawan. "Are you out of your mind?"

"Of course not. I just know what I want. And I always get what I want." Pagkatapos ay muling naglakbay ang paningin ni Claren—Clay sa katawan niya. Para bang ipinapahiwatig nito na siya ang tinutukoy nito.

Awtomatikong napaatras si Ariana. "Nababaliw ka na yata."

"Mag-ingat ka sa sinasabi mo, Ariana. You're now talking to your future fiancé."

"I'm not even going to dignify that with an answer. Nababaliw ka na at kapag hindi ka pa umalis sa opisina ko ngayon din ay tatawag na ako ng pulis."

Ngunit tulad kanina ay hindi nanaman sumagot si Clay. Pinakatitigan lang nito si Ariana hanggang sa pakiramdam niya ay gusto na niyang tumakbo palayo o kaya magtago sa ilalim ng mesa.

"I really hate explaining myself. Pero para sa'yo, I'll make an exception."

Pinanlakihan ito ni Ariana ng mga mata. Hindi na din siya sumagot dahil baka kung ano lang ang masabi niya.

"Totoo ngang limang taon ko nang sinusubukang makakuha ng franchise sa Ariana's Taste. At sa loob ng limang taong iyon ay sinigurado kong alam ko ang lahat ng bagay tungkol sa restaurant. Kaya alam ko ang lahat ng weird na paniniwala at rules ni Anselmo. Honestly, I'm also getting tired with this tug of war between him and me. So I'm taking the shortcut."

"Shortcut?" halos pabulong na tanong ni Ariana.

"Ayaw niyang ipa-franchise ang Ariana's Taste dahil para sa kanya ay parte iyon ng pamilya niyo, hindi ba?"

Wala sa sariling tumango si Ariana.

"Then it seemed that the best move was to just marry you so I could be part of the family."

Napaatras nanaman si Ariana. "Baliw ka na talaga." Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang sinabi iyon.

Pero hindi siya pinansin ni Clay. "Hindi naman talaga iyon ang first choice ko. Ang akala ko ay magagawa kong baguhin ang utak ni Anselmo. Hell, I even ordered the head of our acquiring department to give him anything he wants. Pero matigas talaga si Anselmo. And then you came along. Matagal na kitang kilala Ariana. Pwede ko na din sigurong sabihin na alam ko ang lahat ng bagay tungkol sa'yo."

Napasinghap si Ariana sa narinig. Pinanlakihan din niya ng mga mata si Clay.

Pero natawa lang si Clay sa kanyang reaksiyon. "Ikaw ang nag-iisang anak ni Anselmo at sa iyo din nakapangalan ang Ariana's Taste. Of course, I had to know all about you. Ang ikinalulungkot ko lang ay hindi tayo agad nagkaroon ng pagkakataon para magkakilala. Nang pansamantalang hawakan mo ang posisyon ni Anselmo, inaamin ko na nagtake advantage agad ako sa sitwasyon. Pero mukhang mas malakas ang dasal ni Anselmo dahil naagapan pa rin niya."

"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan?"

"Para malaman mo na wala ka nang ibang choice kundi pumayag sa gusto ko."

"You're not just crazy. You're also stupid if you think that—"

"Your father is very sick," putol ni Clay sa sinasabi ni Ariana. "Bago ako nagpunta dito ay sumugod muna ako sa head office ng Ariana's Taste. I was ready for a fight. Pero nang makita ko si Anselmo ay bigla akong nawalan ng gana. I'm not gonna fight someone who can't fight back."

Bigla ay tumayo na din si Clay at sa isang iglap ay naroon na ito sa harap ni Ariana. Ni hindi niya namalayan na umikot ito sa kanyang mesa para magkaharap sila.

The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon