Chapter 7 "The Necklace"

260 11 1
                                    

NAKAKALIMANG palit na siya ng damit pero parang wala pa rin siyang magustuhan sa mga iyon, tila hindi siya makuntento sa kanyang ayos sa tuwing tinitingnan niya ang sarili sa salamin. Napaupo na lamang siya sa gilid ng kama.

Denisse, how can you make Kian felt sorry for not picking you up for your date kung papatay-patay ka dyan at mukhang nalugi sa kung saan?

Bulong iyon na bumasag sa kanyang iniiisip. Tumayo siya at nagbihis ng mini maong shorts, loose white shirt, red strapped flats, and for the final touch, she applied light make up on her face then wear a couple of accessories. “Perfect.” Inilagay na niya ang kanyang phone sa handbag niyang dala at lumabas na ng kanyang kwarto.

“Yaya, hindi na po ako magdi-dinner dito, just cook something for you and for Yaya Issa at Ate Sheng ok? Itetext ko nalang po si Mama… Don’t forget to lock the gates huh? Sige po, alis na po ako…”

“Sige po ma’am Denisse.”

“Yaya naman eh, Denisse nalang po.” Nginitian pa niya ito.

“Hmm… Sige na nga, mag-iingat ka Denisse ha?”

“Yey! Haha pa-hug nga sa napakaganda kong yaya!” lumapit siya dito at yumakap ng mahigpit. Bata pa lang kasi siya, yaya na niya ito; ito na ang nakalakihan niyang yaya, and isa pa, para na din itong myembro ng pamilya nila.

Gumanti naman ito ng yakap sa kanya. “Uhh… Malaki na talaga ang baby Den Den ko, parang kailan lang eh utal-utal ka pang magsalita at di pa makalakad nang hindi inaalalayan.” Maluhaluha pang sabi nito between their hugs.

“Yaya…” tanging nasabi niya rito.

“Ngayon, may mga sarili ka nang mga lakad, gumanda ka pang lalo!”

Natawa sila. “Syempre, maganda ata ang yayang nagpalaki sa akin eh.”

Nginitian niyang muli ito bago tuluyan lumabas ng bahay.

“SAAN po ba tayo Ma’am Denisse?” Tanong iyon ng driver niya.

“Westwood mall kuya Bert.” Natigilan siya’t napaisip.

“Hmm… kuya Bert, talo na naman siguro kayo sa pustahan nyo ng dalawa kong kapatid noh??”

Natawa ito. “Ah-eh opo, talo nga po…” napakamot pa ito sa ulo.

Napailing siya. Nagiging sobrang galang lang naman nito sa kanya kung talo ito sa pustahan ng kaniyang mga makukulit na kapatid. Iyon kasi ang kundisyon ng kambal kay kuya Bert tuwing natatalo ito; kailangang igalang at tratuhin siyang parang prinsesa sa loob ng dalawang linggo. Samantala kung ang kga kapatid naman niya ang matalo’y kundisyon ni kuya Bert sa mga ito na kailangang nilang mag-aral at bawal lumabas ng bahay para maglaro sa loob ng dalawang linggo rin. Napailing siya at bahagyang natawa.

“Ano naman po bang pinagpustahan  ninyo ng mga iyon?” tanong niya rito.

“Kung masisira daw po yung skateboard ni Cyrus pag sinakyan daw nung kalaro nilang mataba.”

“Eh ano naman pong pusta ‘nyo?”

“Syempre ma’am, hindi, kasi alam ko namang matibay yung skateboard na iyon ni Cyrus eh.”

May naalala siya sa mga sinabi nito. Kaya naman pala. “Naku kuya Bert, nautakan ka na naman ng dalawang iyon. Eh yun siguro yung pinaghihirapan nilang pukpukin kaninang umaga sa kwarto nila eh, ang ingay ingay pa.”

Napakamot ito sa ulo at bahagyang nangiti. “Nakalimutan ko ngang may pagka-mandaraya yang mga kapatid mo.”

“Eh sinira na pala talaga nila ng bahagya yung skateboard kaya nung sinakyan na ng kalaro nila eh natuluyan na.”

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon