Politics

21 2 0
                                    

Politics ay mula sa Greek word na Politika na pinauso ni Aristotle na ang ibig sabihin ay "affairs of the cities" base ito sa research ko (naks). Kung nabuhay ka noong panahon at medyo mataba ang utak mo tapos may karisma ka pa sa maraming tao malamang talaga sisikat pero hindi sa kasalukuyang panahon kundi sa hinaharap. Konti palang kasi ang tao noon at medyo hindi pa ganun kataas ang narating ng academics kaya naman kapag may sinabi ka at naisip ng mga tao na may point ka "Ikaw na ang founder ng kaisipan na iyan o word na iyan!" Pero sa tinigal ng panahon nabahiran ng di magandang meaning ang politics gawa na rin ng sobrang pagiging sakim ng mga tao. Kung tutuusin ang puno't dulo ng problema sa mundo ay mula sa pagiging makasarili at kasakiman. Pero wala akong balak isa-isahin ang history ng pulitika sa mundo ang gusto ko lang iparating na sa simpleng mundong ginagalawan natin ay makikita mo ang konsepto ng pulitika. 


Ang pamilya ang smallest unit of society pero kung imumulat lang ang mga mata dito nagsisimula ang kanya kanyang karera sa pulitika. Ang mga magulang ang tumatayong Presidente at vice. Madaling malalaman kung sino sa kanila ang pinuno. Normally dapat ang Father ang namumuno pero may mga pagkakataon na oover power sya ng kanyang asawa. Pero kung born to be a leader ang   isang lalaki kahit anong pang-iimpluwensyang gawin ng kanyang maybahay ay makakapagdesisyon sya base sa nakikita nyang tama. Bakit nga ba Politics ang sinusulat ko ngayon? Simple lang ang sagot ko malapit na kasi ang Election. Pero wala akong kinakampanyang tao dito hindi naman nila ako binabayaran at wala din naman akong balak maging sales person nila. Tama I see politics here in our country like a piece of food in the market or clothes in department store. Isang malaking market ang nangyayari ngayon. Mostly wet market ito at hindi lang ordinaryong market minsan nagiging black market pa. Kapag nagtitinda ka una nagtetest the water ka kung papatok pa sa karamihan ang product mo. Ganyan ang ginawa ng karamihang pulitiko they went to different group of people / community etc para humingi ng suporta. Isa pang tawag dito ay marketing strategy at just to remind you malaking pagkakaiba ng SALES sa MARKETING. Ang sales tira lang tira makabenta lang. Maraming ganyang mga pulitiko na kung susuriing mabuti hindi naman talaga karapat-dapat na tumakbo. Nadadala lang dahil sa kilala ang pamilya sa pulitika. Hindi ko maintindihan kung bakit tumatakbo ang mga ito? At ang nakakainis inaayunan ng maraming tao dahil sa maling kaisipan na dahil ang tatay, nanay, kapatid o kamag-anak ay magaling na pulitiko magaling na rin sila. Sana maraming ng gumising sa panaginip na ito habang maaga pa. Ang Marketing ay isang uri ng systema kung saan bago tumakbo pinag-aaralang mabuti kung may potential ba? Napag-aaralan naman ang lahat pero lamang ang isang taong naturaleza ang pagiging leader. Pero minsan kahit walang leadership ang isang tao kung magaling ang marketing nailulusot. Hay naku naman!!!! 


Madalas nagtataka ako sa mga surverys na ginagawa nila kasi kahit minsan hindi nila ako isinali sa survey na yan. Sinu-sinong tao ba ang nagsasabing magaling sila? Sana pwedeng ipakita ang mga pangalan nito at kung saang area sila para malaman kung talagang bumoboto ba sila. Alam kong maraming aalma sa mga sinasabi ko pero isipin nyong mabuti saan ba nanggagaling ang mga ito. Hindi pa pwedeng magakaroon ng independent body na gagawa ng survey para makita ang katotohanan. Isa pang nakakaburaot ay ang ginagawang black propaganda sa isa't isa. Come on bago kayo magbatuhan siguraduhin nyong marami kayong bill na naipasa na para sa karamihan at karaniwang Pilipino. Kung pwede lang magrequest na itigil ang mga commercial sa TV na ang dating sa akin ay negatibo. I mean sino ba ang nag-isip ng mga commercial ninyo? Pinag-isipan nyo bang mabuti ito. Isang minamaliit ang kanyang sarili para lang sabihin na may nagawa sya sa bayan sa kabila ng mga physical defects nya. May isa namang binabaril ang picture nila ok lang ba sila? Be very careful of how you represent yourself baka magkatotoo ang mga iyan. May isa namang nagpapaawa dahil hindi daw sya mahirap come on!!!! at walang katapusang pakikiride sa kilalang kapamilya o kamag-anak. Show your achievements and make sure nakabase sya sa tala ng kongreso o senado. We will know madali namang pumunta doon at magcheck. Ang alam ko kasi open naman ang mga ito sa public. 


Bago sana tumakbo sana naitanong nyo ang mga ito. Bakit ba gustong gusto nyong mamuno? Sigurado ba kayo? Magaling ba kayong magsolve ng sarili nyong problema? Sa gitna ng problema maayos pa rin ba ang pakikitungo nyo sa pamilya nyo, sa mga kasambahay, sa mga nagtratrabaho sa inyo, sa karaniwang taong nakakasalamuha ninyo? I'm saying this in accordance to freedom of speech at ito ang laman ng aking puso sa ngayon. Dahil sa totoo lang nahihirapan akong pumili sa kung sino ang iboboto ko. Ang mga nakikita ko ang magugulong side ng mga educado. Kaya maraming karaniwang Pilipino ang natutulala na lang sa mga pinag-gagawa ninyo. Isa ako sa mga Pilipinong mas pipiliing mamuhay ng maayos, nagbabayad ng buwis, umaabag para tumulong na palakasin ang economiya ng aking bayan. Nasasaktan akong makita na ang daming problemang lumalala dahil ang karamihan ay busy sa pakikipagbaliktaktakan. Ang bansa natin hindi kailangan ng mga matatalinong taong hindi marunong isabuhay o isakatuparan ang nakasulat sa batas. May isa pa akong tanong kung saka-sakaling hindi manalo sa halalan willing pa bang tumulong ang mga iyan para paunlarin ang bayan? Dahil kung totoong mahal ninyo ang bansang Pilipinas manalo matalo bukal sa puso ang pagtulong sa kapwa Pilipino lalo na kung walang kamerang nakatutok o taong nakamasid sa mga gagawin ninyo. Nawa'y maging maayos ang ating halalan at magkaroon tayo ng totoong leader hindi yung nagkukunwaring leader. 


Opinionated BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon