My childhood memories

22 2 0
                                    

1980's ako pinanganak at kung babalikan ko ang mga time noong super bata pa ako ay medyo marami pa naman akong naaalala. Ito ang mga panahon na uso pa ang tangga na karaniwang isinusuot ng mga artista sa kanilang variety show. Sino ang makakalimot sa mga performance nila Vilma Santos at Alma Moreno pero ang pinakapaborito ko ay si Carmi Martin. At ang mas nakakatuwa sa kanya hanggang ngayon ay nanatili pa rin syang sexy.  Malinaw din sa aking isipan ang paboritong kanta ng partner ni Carmi Martin na si Kuya Dick. Ang pagsasayaw at pagkanta nya ng Rick Astley songs at aaminin kong saulado ko ang steps nito noon whaaaa. Maraming kaganapan noong 80's at madalas hindi ko maintindihan kagaya ng gabi-gabing panonood ng Superstar ni Ate Guy, Star for all season Vilma Santos at ang sunday variety show na Sharon Cuneta. Oo ito ang era ng panggabing variety shows. Hindi pa kasami dito ang pang hapong variety show kagaya ng Eat Bulaga, Lunch Date atpb. Ang tanging pinapanood ko lang ay ang palabas ni Connie Angeles na Penpen De Sarapen. Napagtanto ko na may isa pala akong schoolmate na nagsasayaw dito and her name is Sally na mahilig sumayaw ng 100% pure love. 


May mga karanasang tumatak sa isipan ko noong bata pa ako kahit ang ang tanging nasa isip ko noon ay maglaro ng piko pagkagising ko pa lang sa umaga. Pero bago ko ikwento ang mga karanasanang ito gusto ko munang ilarawan ang larong malapit sa puso ko nakahit ngayong matured na ako ay alam ko pa rin kung paano ito laruin. Saan nga ba nagmula ang larong PIKO? Naghagilap ako sa talagang pinagmulan ng PIKO subalit ako'y nabigo. Ang tanging napag-alaman ko lang ay kagaya ito sa western outside door game na hopscotch. Pero kahit hindi ko nalaman kung saan talaga ito nagmula at kung sino ang unang naglaro nito ay nagpapasalamat ako sa lahat ng nakaimbento ng larong ito. Ang pinakamain point lang naman ay matutong kumandirit, huwag hahayaang ma-out of balance at siguraduhing ang pamato ay maglalanding sa tamang lugar without touching the lines. Madalas pinapagalitan ako dahil iniipon ko ang mga balat ng saging na gustong gustong itapon ng aking Mama. Ang katwiran ko lagi "Mama magandang pamato yan sa PIKO." Ang balat ng saging ay ginagawa kong hugis square at kapag ginagamit ko na ito mabilis syang kumakapit sa lupa. Ang tanging prapractisin ko na lang ay ang pagtapon sa kanya ng swabe from base to designated area. 


Isang pang larong sobrang expert ako ay ang chinese garter. Naaalala ko noon nagprapractice pa ko sa loob ng bahay ng mga techniques bago ako makipaglaro sa labas. Itinatali ko ang magkabilang dulo ng garter sa mga upuan at hala sigi sa pagtalon at pagbibilang ng one by one two by two etc. Ang tanging aim ko nito ay matalo ang pinakamagaling kong katunggali si Amanda, ang aking kababata. Nakikita ko pa naman ngayon na may naglalaro nito sa aming baranggay at mukhang naglevel up na rin kasi may mga kakampi na sabay silang naglalaro dati kasi may kakampi pero isa isa lang kung maglaro. Sino naman kayo ang nag-imbento nito at nadagdagan pa ang mechanics? Pero kahit sino pa man sya o sila again salamat dahil naging masaya ang childhood ko. 


May isang laro ng buhay na hindi ko maintindihan noon na kasama ang buong pamilya ko. Late 8-s or early 90's panahon ng pamumuno ni President Aquino. Maaga pa lang ginising na ako ng aking Mama akala ko noong una may field trip o family vacation pero isang pag-aalsa pala ang nangyayari. Narinig ko ang pag-uusap ng mga nakakatanda na marami ng sundalo sa labas. Ginawa kasing battle ground ang isang bahagi ng lupa na malapit sa amin. Kung mapadaan kayo sa Libis ang part na may fly over noon may iilang bahay na naririyan at maliit lamang ang daan para sa mga sasakyan. Coup de 'tat iyan ang word na narinig ko noon. Sa murang edad ko alam ko na ang ibig sabihin ng war yung totoong war hindi nga lang kasing lala katulad sa ibang lugar sa Pilipinas o mundo. Nakarinig na ako ng totoong pagsabog at alam ko na may hindi magandang nangyayari sa paligid. Naranasan kong tumakbo ng mabilis pinapantayan ang malalaking hakbang ng mga nakakatanda dahil hindi nila ako mabuhat sa kadahilanang may mga dala-dala silang gamit.  Tahimik lamang ako na nagmamasid sa mga nangyayari. May mga naririnig ako na baka wala na raw kaming mabalikan dahil pupulbusin daw ang lugar namin dahil naroroon ang mga sundalong kakampi ni Gringo. Tumakbo kami sa Libis Elementary School sa pag-aakalang ligtas dito pero pinaalis din kami dahil baka biglang bagsakan ng bomba. Pinasakay kami ng isa naming kapit-bahay sa kanilang jeep kasama ng iba pa naming kapit-bahay. Limang pamilya ang nagsama-sama sa loob ng jeep nagsisiksikan, tumatakbo mula sa isang gulong hindi ko maintindihan. Nagtungo ang jeep namin sa isang ospital sa kahabaan ng katipunan subalit pinaalis din kami. May isa kaming kapit-bahay na nagsabing pumunta daw kami ng Antipolo pero ang hindi namin narealize na nagpahatid lamang sila sa kanilang kamag-anak. Paano ba naman tinahak namin ang mataas na parte ng Antipolo, nagkanda-hirap hirap sa pag maniobra sa manibela si Manong Singh pagdating namin doon isang maliit na bahay at sinabihan kaming hindi kami pwedeng manatili muna doon dahil walang tamang lugar para sa amin. Kaya ganun na lamang ang sama ng loob ng bawat pamilya including my own. Walang nagawa kundi bumaba uli na para kaming mga ibon na walang patutunguhan. Sa kahabaan ng Marcos Avenue himinto ang jeep para bumili ng konting makakain at ng malaman ng mga tao dito kung saan kami galing unti-unti ng dumami ang tumutulong. May isang pamilya na hindi ko kilala na nagpatuloy sa amin sa kanilang garahe at doon kami natulog. First time kong matulog na kitang-kita ang kagandahan ng kalangitan, punung puno ng mga stars at isa-isa ko silang tinuro sayang nga lang at hindi ko pa alam ang mga pangalan ng bawat constellation. Matapos nito ay may isang bagong kasal na nagpapagawa ng kanilang bahay ang malugod kaming pinatira pansamantala sa kanilang bahay. Hindi pa fully finished yung bahay pero pwede ng tirhan. Hindi ko alam kung ilang araw o linggo kaming naroroon at lubos akong nagpapasalamat sa tulong na ginawa nila. Sa totoo lang hindi ko alam ang pangalan nila at kapag tinatanong ko ang mga nakakatanda ngiti lamang at kwento ang naririnig ko sa kanila. A certain Marcos ang tumulong sa amin. Oo kamag-anak sya ng dating Presidente at malaki ang naiambag nya sa murang memorya ko. Napagtanto ko na hindi maganda ang digmaan minor man yan o malawakan. It creates fear to most but the most thing na narealize ko na may tutulong at tutulong sa mga taong naapektuhan. Bukod dito ang personal kong opinion ang ganitong gulo ay mula sa mga taong nasa mundo ng pulitika. Umayon man kayo sa akin o hindi ito ang sa tingin ko. Ang punu't dulo ng gulo o digmaan ay mula sa mga taong nagnanais na mapasakanila ang matinding power. At ang nakakainis may mga taong handang magbuwis ng buhay o pumatay para sa walang kwentang digmaan sa pulitika.  Kung pag-aaralan mo ang political science matutunan mo kung gaano kaganda ang bawat pahina ng libro kagaya ng Constitution. Pero it only happens to ideal world dahil sa totoong mundo maraming bumababoy sa bawat batas at pinakanakakainis pa ay mga nagmamarunong, ang gagaling magsalita at magbaluktot sa nakasaad sa batas. Bakit ba ang pulitika ay hindi maging kasing simple ng mechanics ng piko at chinese garter? Na kapag natalo ka tanggapin ng maluwag sa dibdib at try again na lamang sa susunod. Bakit ang mga pulitiko maging kasing simple ng mga batang naglalaro? Na matapos maglaro ay magkaibigan pa rin at patuloy na naglalaro na walang halong sama ng loob sa kalaro. 








Opinionated BitchWhere stories live. Discover now