Part 2

43.1K 1K 129
                                    


"GOOD MORNING. I want to open an account."

Pag-angat ng mukha ni Sierra mula sa binubutingting sa kanyang computer ay agad gumuhit ang isang magandang ngiti sa kanyang mga labi. Ang lalaki kasing nakaharap sa kanya ngayon ay tila anghel na bumaba sa langit para masilayan niya. What's more, para sa kanya lang ang mga ngiti sa mga labi nito! Tila kiniliti ang puso niya.

"Ah, good morning, Sir." Ang gandang almusal nito! "What type of account you're opening, Sir?"

"Passbook sana."

"Passbook savings account, Sir?"

"Yes."

"Ah. Puwede hong mahingi ang ilang personal informations tungkol sa inyo?"

"Ano ba? Telephone number? Cellphone?"

Personal information? Tama bang terms iyon? Sira ka, Sierra. Mag-ayos ka nga. Nakakita ka lang ng guwapo nawala ka na sa sarili. "I mean, 'yung mga requirements nyo, Sir, to open an account."

"Ah, yes. Nabasa ko nga  sa website ninyo ang requirements. Here." Inilapag nito sa table ni Sierra ang mga iyon. "I forgot kung ilang one-by-one picture ang kailangan...two ba or is it three?"

"Three." Para sa akin ang isa. Hehehe. Agad ding ininspeksyon ni Sierra ang civil status nito sa valid IDs na ibinigay nito. Single. Hmmm, available din kaya siya? Sana.

"Kung alam ko lang na may magandang new account manager pala sa branch na ito, sana noon ko pa naisipang mag-open ng bank account."

"Kayo kasi, Sir, eh. Ngayon lang kayo naligaw dito."

"Oo nga. Pero at least, nagkita na rin tayo, hindi ba?" Tiningnan nito ang nameplate sa kanyang dibdib. "Sierra. Nice name. Bagay sa may-ari. Siguradong mapapadalas na rin ang pagde-deposit ko rito."

"Sana nga, Sir." Hindi na mapuknat ang ngiti ni Sierra. Hindi bagay sa edad niya ang kinikilig pero peste, kinikilig siya sa pagpapalipad-hangin ng lalaking ito.  Ibinigay ni Sierra ang mga papeles na kailangan nitong pirmahan. "Paki-fill-up-an na lang 'yung mga may tsek na blangko, Sir."

"Saan?"

Kinailangan pa niyang ituro mismo sa mga papel ang mga dapat nitong pirmahan kahit na nga may mga tsek na iyon. Okay lang sa kanya. Mabait naman ito, guwapo pa. At higit sa lahat, mukhang type siya nito dahil sa walang sawa nitong pagpapa-cute. Grabe, excluding Reigan, ngayon lang siya nakaranas na mabigyan ng special attention na tulad ng ipinapakita ng lalaking ito. And she liked the feeling. Pakiramdam niya ay babaeng-babae siya.

"Ang ganda pala ng mga daliri mo," anito. "Hugis-kandila. I heard na ang mga taong may ganyang mga kamay ay tamad daw. Pero sa nakikita ko sa iyo, mali ang kasabihang iyon. And I like that in a woman. 'Yung marunong magtrabaho."

"Ay, thank you, Sir." Kung makakatili nga lang siya nang mga sandaling iyon, baka basag-basag na ang lahat ng bagay na gawa sa salamin sa bangko na iyon. "Pakihintay lang po sandali at ipa-process ko lang ang application ninyo."

"Matatagalan ba iyan?"

"Ah, no, Sir. Sandali lang naman ang processing nito. Tingin ko wala namang magiging problema sa mga requirements na binigay ninyo. So, this will only take a few minutes."

"Ganon ba? Akala ko pa namay may special treatment ako sa iyo."

Napangiti na lang si Sierra. "Lahat naman ng kliyente namin ay binibigyan namin ng special treatment, Sir."

"Puwede kaya akong mag-request na ako lang ang bigyan mo ng special treatment ngayong araw?"

Naramdaman ni Sierra nag-init ang kanyang mga pisngi. Napansin din niyang napapatingin na sa kanya ang mga kasamahan niya sa trabaho. Hindi bawal ang mga kliyenteng flirt. Ang bawal ay ang makipag-flirt ang mga empleyado. Sino ba ang nagpa-uso ng rule na iyon?

Stallion Riding Club 5: Reigan Baltazar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon