Bliss 4 - A Little Too Late

Start from the beginning
                                    

"Sir," natatakot nitong saad, "mawawalan po ako ng trabaho kapag sasabihin ko."

Ilang linggo akong namalagi sa Singapore pero wala akong nakuhang impormasyon. Umuwi ako sa Pilipinas na parang walang buhay ngunit ayokong sumuko. Tatlong buwan ang lumipas bago ko nalaman kung nasaan si Arlene. Nasa bar ako noon at mag-isang umiinom ng alak.

"Boss Mago," narinig kong saad ni Quinn, "huwag kang mag-alala, aalagaan ng Dessa ang asawa mo."

Napakuyom ako sa narinig ko. Sa lahat ba naman na pwede niyang makasama, sa isang tomboy pa talaga siya sumama.

"May kontak ka ba kay Dessa?" tanong ko.

"Ayaw sabihin eh pero nung minsang magkachat kami, nakalimutan niya atang i-off ang location niya kaya nag-appear na nasa Japan siya," saad nito.

"Talaga?" naramdaman ko ang biglang pagtalon ng aking puso, "alam mo ba kung saang parte ng Japan?"

"Yun nga lang boss, mahirap kasi basahin ang pangalan kaya hindi ko natandaan," napakamot siya sa ulo, "pero hayaan mo po, kapag magmemessage si Dessa, susubukan ko pong tanungin."

Lumipas ang ilang buwan pero hindi na muling nagpadala ng mensahe si Dessa kay Quinn hanggang sa isang araw, abala ako sa pagbabalanse ng records ng bar nang masayang pumasok si Quinn sa opisina.

"Boss Mago," magiliw nitong saad, "nasa Pilipinas na sila Dessa."

Agad akong napatayo sa narinig ko, "nasaan daw sila?"

"Ang sabi ni Dessa, papunta daw sila dito,"ang hindi ko maiwasan ang paglabas ng aking ngiti sa narinig ko. Mahal pa rin pala ako ng asawa ko dahil pagkatapos ng ilang buwan, sa akin pa rin siya umuwi.

Agad akong nagtungo ng banyo upang magshave. Ilang buwan na rin kasi akong hindi nakakapagshave. Naisipan ko na ring magpalit ng polo saka nagsuklay. I want to look fresh for my wife. Nang matapos na ako sa pag-aayos ng sarili, agad kong chineck ang table ni Arlene. Sinigurado kong makikita niya ang design ko sa table niya. Nilagay ko kasi doon ang lahat ng mga litrato na magkasama kami.

"Boss," pabulong na saad ni Quinn, "andito na sila."

Inayos ko ang necktie ko habang hinihintay ko ang pagpasok ng asawa ko sa opisina namin. Isang minuto lang ata ang hinintay ko yun na marahil ang pinakamatagal na isang minuto sa buong buhay ko.

"Good morning, Mago," sinalubong niya ako ng mataray na tingin.

"A-arlene," hindi ako makapaniwala na sa wakas ay kaharap ko na rin ang asawa ko. Malaki na ang tiyan niya at mejo tumaba ang pisngi niya pero isa siyang magandang buntis na kung nakatalikod ito ay iisipin mong hindi siya buntis.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa," walang ngiti niyang saad, "I came here to ask you to sign these papers."

Kinabahan ako nang tanggapin ko ang papeles na inabot niya sa akin. It is clearly an annulment paper at ang ginamit niyang grounds ay yung biglaang pagkasal namin na hindi dumaan sa tamang proseso.

*Arlene's POV*

Napansin ko ang pagkagulat niya nang iniabot ko sa kanya ang papeles pero hindi ako nagpatinag, "I need you to sign those papers as soon as possible."

"Arlene, pag-usapan natin 'to," saad niya, "may anak tayo."

"Anak ko lang, Mago," malamig kong sagot sa kanya.

"Hindi ko ito pipirmahan," pinunit niya ang papeles sa harap ko, "asawa kita at iuuwi na kita," humakbang siya palapit sa akin pero umatras ako.

"Hindi na ako babalik sa bahay mo," saad ko.

"Arlene," lumapit siya.

"Diyan ka lang," saad ko.

"I miss you," garalgal niyang saad pero wala akong nararamdaman.

"Pakawalan mo na ako," saad ko.

"Mahal kita," sagot niya.

"Akala ko mahal kita pero hindi pala kaya let me go," malamig kong saad.

"Sinasabi mo lang yan dahil nasaktan ka," saad niya, "let me make it up to you. Hayaan mo akong ayusin ang pamilya natin."

"Stop it Mago," nararamdaman ko ang panggigilid ng mga luha ko, "by trying to fix you, I broke myself."

"Then let me fix you," humakbang siya palapit pero umatras ako.

"Tama na!" nahihirapan akong magsalita dahil ayokong umiyak sa harap niya, "nabuo ko na ang sarili ko and I do not think I would survive breaking for you again."

"I love you; I won't break you again," saad niya.

"Arlene?" pareho kaming napalingon nang pumasok si Dessa kaya agad akong nakaisip ng paraan. Lumapit ako kay Dessa at agad na humalik sa kanyang labi. Alam kung nagulat si Mago pero ito ang napag-usapan namin ni Dessa.

"Masaya na ako, Mago," saad ko habang magkaakbay na kami ni Dessa.

"This is insane!" halatang naiinis siya sa nakita niya, "hindi mo ako pwedeng iwan! Kasalanan mo dahil pina-ibig mo ako, kaya hindi mo ako pwedeng iwan!"

"Ganyan ba talaga katigas ang ulo mo?" galit kong saad, "I do not love you anymore, Mago. Naging masalamuot ang buhay ko noong minahal kita pero nakaramdam ako ng ginhawa nang lumayo ako sayo. This is the life I now want to live."

"Let's have a deal," dismayado niyang saad.

"Deal?" pareho kaming napatanong ni Dessa.

"Yes, a deal," kompirma niya, "mahilig ka naman sa deal di ba? Sa deal din naman nagsimula ang lahat kaya tatapusin natin ito sa isang deal."

Nagkatinginan muna kami ni Dessa saka ako sumagot sa kanya, "anong deal?"

"Kailangan mong bawiin ang ginawa mo sa akin. Teach me how to unlove you and I will sign the annulment papers," mariin niyang saad.

"That is insane!" naiwasiwas ko ang aking kamay sa ere.

"Dalawang beses akong pumayag sa mga deal na hiningi mo sa akin dati, Arlene," hinawakan niya ako sa braso at lumapit siya. Sa sobrang lapit, halos magdampi na ang aming mga mukha.

"What is the details of the deal," kinakabahan kong tanong.

Bahagya siyang tumingin sa umbok ng tiyan ko saka sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi, "live with me for two months and do whatever you want to make me unlove you."

"Paano ako makakasigurong wala kang masamang gagawin?" napahigpit ang hawak ko kay Dessa.

Mahina siyang napatawa saka sinabing, "buntis ka Arlene, ano ba ang iniisip mong gagawin ko sayo?"

Napatanga ako sa sinabi niya pero mas nakakatanga ang pagtango ko sa kanya nang sabihin niyang, "so, is this a deal?"

AN: Sorry po sa mga typographical at grammatical errors. Hindi ko ito nireview at inedit, kaya kung meron man, just politely correct me.

r���r���


The Woman He Broke (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now