Nakaabot ako! Grabe ang daming tao, almost mapuno yung buong studio, ang number ko nga pala eh 123, tapos katabi ko eh 124. Isang girl na mukhang anghel na bumaba sa lupa.

"Hi." ngumiti siya sa akin.

Tumingin ako sa likod ko, nasa dulo nga pala ako.. "Ako ba kausap mo?"

"Hindi hindi yung nasa likod mo, yung pinaka dulo, ayan oh! Lerky to hahahaha.." Enenemenseken? "What's your name?"

"Ah ako si Sam.. Ikaw ba?"

"I'm Carly."

"Pleased to meet you."

Nagchikahan kami ni Carly about sa super idol naming si Lance. Wahahah. Nakaktuwa diba. EEEEEE feeling ko I have a new BFF. Pero siyempre BFF ko pa din si Hayley.

Teka...

Wait lang...

Narinig ko number 116 na..

Kaso...

SHET NAIIHI AKO!! BAKA MA-IHI AKO PAG AKO NA ANG TINAWAG!! Saan ba ang CR dito??

WAAAAAAA!!!!

Teka pwede ko namang itanong kay Carly eh. "Uy Carly saan ba CR dito?"

"Ah CR? Gusto mo samahan kita? Malapit lang naman yun eh."

"Sige."

Ayun tumayo kaming dalawa, nagpaalam kami dun sa guard na mag-cCr kami. Malapit lang naman yung CR kaso sa labas ng studio, ayun lang daw kasi yung alam niyang CR, hindi niya na alam kung san yung CR sa loob. Sa gilid ng studio. Pero mukhang hindi siya CR pagtingin mo sa labas

"Uy sige mauna ka na baka matawag pa yung number muh."

"Sige."

Pagpasok ko.. Teka.. Hindi to CR. Biglang sumara yung pinto. May narinig akong nag-click.

"Uy Carly! Palabasin mo ako!"

"Uhm nakalimutan ko palang sabihin. Maintenance engineer nga pala ang kuya ko dito. Kaya may susi siya sa lahat ng Facilities dito sa studio."

"O ano naman sa akin?! Palabasin mo na ako dito!" Sinisipa ko na yung pinto.

"Asa ka naman! Ang tagal kong pinagplanuhan to! I'm doing everyone a favor. Isa kang malaking threat sa lahat ng fans na kasali! Bye na lang!" mukha ngang anghel na bumaba sa lupa, ugaling dimonyo naman na naghahasik ng lagim sa lupa.

"WAAAAAA DIMONYA KA CARLY!" Wala na akong naririnig na tao.

Wala na..

Behind the Scenes (Completed)Where stories live. Discover now