Peace #8

8 0 0
                                    

KATOTOHANAN...


Carrie's POV

Ang daming kaartehan sa buhay nitong si Michelle e. Kung di ko lang kailangan to, kanina pa siguro to patay. Hay!

"Baka gusto mo ng magsimulang magkwento?! Isasaksak ko talaga tong drumsticks sa lalamunan mo e!"

"Excited much---"

"Sige, sumagot ka. Tutuluyan na kita!"

"Haiisstt...ito na nga. Psh."

Nagsimula ng magkwento si Michelle sakin. Tinawag ko rin sila Nikki para marinig nila ang mga planong kademonyohan nila Erin.

"Sila Erin mga blackmailer yang mga yan..."pagsisimula ni Michelle sa kwento nya.

"Pag di mo sinunod yung gusto nila, tatakutin ka nila na may gagawin silang masama na connected sayo pero mostly lagi syang may 'or else...I will make your life a living hell' lagi syang ganun nakakainis na nga rin minsan e."

"Kung naiinis ka na, bakit sumusunod ka pa rin sa kanila? Nagpapaka-martyr ka para lang di masira image mo sa school na 'to?" medyo inis na sabi ko sa kanya

"E ikaw kaya mapahiya sa buong school...ayy naranasan nyo na pala yun. I mean, dinaranas nyo na pala yun. E kayo bakit kayo pumapayag na kawawain nung mga demonyitang yun?"

"Kasi noong mga panahong yun, wala pa kong solid plan para gumanti. Kasi kung kikilos agad kami ng wala man lang kaplano-plano, parang sinabi mo na rin na sumabak kami sa gyera ng walang armas. Duh mag-isip ka rin minsan. Psh."

"Oo na. Sige na itutuloy ko na yung kwento...then one time narinig ko na may pinaplano silang gawin sa inyo. Not that I'm eavesdropping. Accidentally ko lang silang narinig nun. Tapos nahuli nila ako. Binlack mail ulit nila 'ko. Gusto kasi nila na sundan ko kayo kung saan man kayo pumunta. So yun nga, parang naging spy ako."

"So yung pinaplano nila nun is yung pananakit kay Aria, right? Or natyempuhan lang nun si Aria?"

"Actually, alam na talaga nila na susundan ni Aria yung isa sa mga demonyitang yun. Kaya sinabihan nila ko na sundan ko si Aria."

"Uto-uto ka talaga."

"Eh anong magagawa ko nga?! Kesa naman pahiyain nila ko sa buong campus. Wag na lang noh."

"Tss. Bakit sino ka ba sa campus? Kilala ka lang naman bilang anak nila Mr. & Mrs. Blythe. No more, no less."

"Yun nga yun. Baka masira ang pangalan ko. Baka pati ang image ng parents ko masira na rin."

"Well, hindi masisira ang image mo at ng buong family mo...kung susunod ka sa gusto kong mangyari."

"Teka Carrie! Ano ba talaga yang plano mong yan?!"-Paula

"Gulong-gulo na kami Carrie."-Lexie

"Kinakabahan kami sa pinaplano mong yan."-Nikki

"Kasi feeling namin na may hindi magandang kahihinatnan yan."-Lexie

"Kung kakabahan kayo, talagang walang patutunguhan ang mga plano ko. Mamaya, maguusap tayong lima. Tatapusin ko lang ang pagiinterrogate sa baboy na 'to."

"Tss. I'm not a pig...bitch."

"And I'm proud to be a bitch, don't worry."

"Okay fine. I'll just continue my story."

"Go on."

"Narinig ko din sila about dun sa dahilan kung bakit nila ginagawa 'to."

"Bakit nga ba?"

"To get even."

"What?! To get even? On what?"

"Dun sa pinanggalingang school ni Erin, lagi syang nabubully. Kaya natatakot na rin syang makipagkaibigan. Pero nakilala nya sila Trina. Sa kanila nya na nalaman na di lahat ganun. Pero tinuruan din nila si Erin kung paano maghiganti. Dahil sa kanila, kaya kayo nagkakaganito."

"Pero bakit sila sunud-sunuran kay Erin."

"Kasi simula nun, doon na nagsimulang lumabas ang kasamaan ng ugali ni Erin. Kaya sya yung ginawa nilang leader, kasi parang sya yung pinaka-demonyita sa kanila."

"Tss. Halata naman."

"Pero sa ngayon, sa tingin ko, ikaw na ang pinaka-demonyita sa lahat."

"Of course. Tch. Bait-baitan lang ako nun."

"Oo nga. Halata naman sa mukha mong laging naka-'resting bitch face' pero nagmumukha pa ring mabait. Ikaw ang tunay na plastic."

"Tch. Non-sense na yang mga sinasabi mo. Ihahatid na kita sa pansamantalang kwarto mo."

"RK. May guest rooms sa dorm. Tch."

"Oww shut up. Matulog ka na. Wala kang matatakasan dito kaya wag mo na subukan."

"Okay fine. Whatever."


---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Readers! Sorry for the late update. Huhu busy kasi talaga sobra. So ito bumawi naman ako kaya medyo pinahaba ko.

Sana patuloy nyo pa rin binabasa ito kahit na sobrang lame ng updates.

Thank you readers!

Please continue on reading, supporting and voting this story. Magcomment na rin kayo kung may mga mali or pag merong di nyo nagustuhan. Thank you so much!


Nagmamahal,

Hitler <3 



To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Apr 26, 2016 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Black PeaceOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz