Peace #6

46 2 3
                                    

Carrie's POV


"Ano?! Bakit napunta sa ganun ang plano mo? Akala ko ba gaganti lang tayo, pero bakit naging ganun?"-Lex

"Kaya nga ayokong sabihin sa inyo. Nung pinaplano ko to, para akong nagpaplano ng birthday kasi sobrang hirap itago sainyo. Ayoko rin naman ito, pero para satin, gagawin ko."

"Hindi! Hindi mo gagawin to. Ok?"-Lex

"But why?"

"No buts, para rin yan sa ikabubuti mo. Titigil rin si---"-Lex

"Titigil?! Kelan pa sila titigil? Hihintayin pa nating sumuko sila sa pangbubully sa atin. Ano ka ba naman Lex! Sawang-sawa na ko sa pambubully na yan."

"Pero di mo mareresolba ang problema kung ang solusyon ay isa ring kasalanan."-Lex

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Lex?! Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi mo?"

"Itigil na natin to. Paniguradong walang kahihinatnan ang paguusap natin."-Nikki

"Hay bahala kay---narinig nyo ba yun? May kumaluskos sa likod ng pader na yan." bulong na sabi ko.

Kinuha ko ang isang lubid na nakasabit sa bintana at yung drumsticks ko.

"Dyan lang kayo. Wag kayong gagawa ng ingay." pabulong na utos ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa likod nung taong nakikinig sa usapan namin. At nakita ko ang isang pigura... kay Michelle Blythe.

Nakita ko sila Lex sa isang sulok ng kwarto ko na nanonood sa maaaring mangyari.

Inayos ko ang lubid at hinagis sakto sa leeg nya. Pilit syang kumawala pero hinampas ko sya ng drumsticks. Napalakas ata ang palo ko, nawalan kasi sya ng malay.

"Carrie!! Anong ginawa mo?!"-Paula

"Spy nila Erin to. Kaya sya nakikinig sa usapan natin kanina. Ginawa ko lang ang dapat gawin."

"Pero Carrie, baka may makakita satin na ginanyan natin si Michelle."-Aria

"Nasa dorm tayo kaya walang makakakita satin. Kaya nga nagtataka ako kung bakit sya nandito sa dorm natin."

"Anong gagawin mo pag nagising yang babaeng yan?"-Lex

"Edi kakausapin natin."-ako

"I'm confused! Michelle Blythe is a spy of Erin? But how? They are friends?"-Nikki

"Oo nga. Binubully pa nga nila itong si Michelle. Paanong naging spy sya?"-Aria

"Si Michelle kasi yung tipong sunud-sunuran talaga. Di tulad natin na pinagtatanggol ang isa't-isa."-ako

"Curiosity kills you know?!"-Lex

"Yeah I know pero wag muna tayong mag-jump into conclusion. Baka mamaya, napadaan lang sya. Then naging usisera bigla."-Paula

"No Paula, hindi ito aksidenteng napadaan lang. I already have a background about her and the'BRUHAS'"

"So totoong, spy nga sya?"-Nikki

"Oo nga, kanina ko pa sinasabi diba."

"Ohhkay. Chill lang Carrie."-Aria

"Hayy! Baka magising na yan ah."-Lex

"Wag kayong maingay, para mahimbing tulog nya."-ako

After 1 hour...

*yawns* "Mom!! Bakit di mo ko ginising?!"

Di muna kami nagsalita nila Aria. Hinintay muna namin na marealize nyang wala sya sa bahay nila.

"Di pala sya nagdo-dorm?"bulong sakin ni Paula

"Ewan ko dyan. Brat yan ee."-bulong rin na sagot ko.

"Mom!! Nasan ka ba?? Yaya, yung merienda ko!! Ang tagal! Ugh, nakakainis ah. Pati si mommy wala dito."-nagwawalang sigaw nya.

"Di nya pa rin napapansin?! T*nga lang?"

"Ang dilim naman dito. Yaya, bakit ba kayo nagtitipid sa kuryente?!"

Binuksan ko yung ilaw nang di nagpapakita.

"Hayy buti naman at may ilaw na---teka!! Hindi ito ang bahay namin ahh. Mommy!!"

"Wala ka talaga sa bahay nyo. Nandito ka kasi sa dorm namin."

At lumabas ako mula sa pinagtataguan naming pader. Ayaw lumabas nila Aria, natatakot.

"Sino ka??"

"Ako? Ako lang naman yung isa sa grupo ng mga paboritong ibully nila Erin. Ayy wait, di mo ba ko nakikilala o sadyang kinakalimutan mo lang ako?"

"Ikaw si Carrie?" nanginginig na sabi nya. Naks, nanginginig rin pala sya. Baka takot. Tss.

"Yes. The one and only Carrie Maine Perez. Gusto mo ba kong kilalanin?"

Di sya sumagot.

"So silence means yes. Like what I said, I'm Carrie Maine Perez. Anak nila Engr. Mario Perez at Dra. Celine Perez. Graduate ng elementary sa Colegio de Sta. Rosa. Pinalaki akong maayos, mabait at masunuring anak. Kaya nagtataka ako kung bakit ako binubully. Gusto mo bang makilala ang mga kasama ko?"

Di parin sya sumagot.

"Are you mute? Whatever, anyway. Guys, labas na."

Isa-isang naglabasan sila Aria mula sa pader na kanina pa nila pinagtataguan.

"Ahh. Kayo pala yung LOSERS!! Hahahaha!! Bagay sainyo. Mga mukha kayong losers. Hahahaha!!"

*pak*

Sinampal ko sya pagkatapos nyang sabihin yun.

"Aray!! Nagsasabi lang ako ng totoo ah."

"Wala akong pake sa comments mo about samin."

"Anyway, Miss Blythe. Di mo ba naaalala si Aria Santos?"

"Bakit sino ba sya para alalahanin ko?!"

"Sumosobra ka na ahh. Tandaan mo Michelle Blythe, di mo pa ko kilala. Kaya ayusin mo yang asta mo kung gusto mo pang lumabas ng buhay dito."

Nanahimik naman sya sa sinabi ko.

"Si Aria Santos lang naman yung latest na sinaktan ng group nila Erin. And guess what, may nasagap akong info about dun sa nangyaring pambubully."

"Teka lang, paano nyo ba ko nakilala?"tanong nya samin.

"I have connections, I have sources. Tsaka yun nga ang sasabihin namin sayo. Nagmamadali ka masyado. Wag excited ahh. Baka di ako makapagtimpi."

"Ang dami mo pa kasing nalalaman ee. Ang dami mo pang sinasabi."

"Kung ako sayo, di ko na gugustuhin pang alamin. Kasi, masasaktan ka lang rin sa huli. Inuulit ko sayo, di mo kami kilala. Di ito payamanan. Kaya wala ka ring kawala. Pantay lang tayo. At di ka ba natatakot na baka malugi ang business nyo dahil pwedeng ipapull-out ko kay dad ang mga sponsor nya sa business nyo. What a great idea right? Maybe, I'll call dad na."

Nagkunwari akong tatawagan na si dad ng bigla nya akong pigilan.

"Oo na, tatahimik na. Basta sabihin nyo na. Ang kati na kaya nitong taling to. I'm starving! Ugh!"

"Arte mo ahh. Akala mo naman ang ganda mo!"-Lexie

"Maganda naman ako ah."-Michelle

"Ewan ko sayo. Nagsisinungaling ka nanaman."

"Totoo naman---"

"I will both kick your ass out of this dorm if you don't shut up."-ako

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Alam kong bitin. Pasensya na. Itutuloy to sa next chapter. Thank yah!!



Black PeaceWhere stories live. Discover now