Chapter 3: His Secret
Pagkagising ko ay wala na si kuya. Pero nakakita ako ng isang folder sa maliit na table ko. Nakakita ako ng maraming papers dun at note.
Eli,
Pina imbestigahan ko yung mapapangasawa mo. These papers contains all information about him. Hope this helps. :) Take care. Love you.
P.S Magkikita kayo sa La Via ng 7pm for dinner. Wear formal clothes. -Kuya Caden Pogi
Napairap ako nang nabasa ko yung 'pogi' sa hulihan. Hay nako, kahit may asawa na si kuya hindi padin siya nagbabago. And i like that about him. Thank you kuya. I said to myself.
Binasa ko ang papers dito. His full name is Reijan Dave S. Monteverde, 18?! 18 years old lang siya? I'm 19 years old and i think this is child abuse.
Ayon dito single siya, mabuti naman. Sana mapagkakatiwalaan tong male na nakalagay sa sex niya. Baka mamaya mas marami pa siyang lalaki kesa sakin ah. Hmm ano pa ba? Birthday Nov 2. Seriously? All souls day? Tatawa na ba ako? Bad Elise. Tsk tsk
Ayon dito varsity siya sa school nila sa swimming. He's also a good dancer. Magaling din siya sa singing and almost all instruments. Ayon dito sa history ng love affairs niya.. Yung una niya ay matagal (10 months) pagkatapos nilang magbreak ay ang dami na niyang naka relasyon pero walang tumatagal. Then yung pinaka huling record ng nakarelasyon niya yung tumagal (4 months) tapos nagbreak ulit. Okay.. In short he's a flirt!
He is also modeling in Maxime Mag. It's a magazine originated from Philippines pero binibili din siya sa ibang bansa. Tumaas ang kilay ko sa nabasa ko. Pag nagyabang sakin tong lalaking to, masasapak ko talaga to.
Tinigil ko na ang pagsasayang ng oras ko sa pagbabasa sa buhay niya. Kumuha ako ng pinaka decent cloth sa cabinet ko. Ang nakuha ko ay blue green dress na ilang inches above my knee. Kumuha din ako ng doll shoes na kasing kulay ng dress ko. I guess okay na to para mamaya.
Tinawagan ako ni Zed na mag hangout daw kami. Pumunta kami sa mall para magchill chill. Ang bait niya nga eh, libre nanaman niya. Siyempre naawa naman ako sa pag abuso sa wallet niya nung huli kaming nagkita kaya naman oreo cheesecake at venti choco chip frappe lang ang inorder ko sa starbucks. Mga 6pm ay napagdesisyunan ko ng umuwi at magbihis para sa pagkikita namin ni Monteverde.
Naligo muna ulit ako at sinuot ang hinanda ko kaninang damit. Nagsuklay lang ako at nagpulbo. No need to impress him anyway. I don't like him and I wish he doesn't like me too para walang fixed marriage na magaganap.
"Ihahatid ka na ni Ernesto, Eliana." Pangungulit sakin ni manang.
"Hindi na manang. Gagamitin ko yung kotse ko." I insisted. Ayokong magsama ng alagad ng daddy ko at mapanood pa niya ang nangyayari sa resto. Baka lang naman kasi it'll turn out bad diba?
"Sigurado ka? Baka mapahamak ka."
"Okay lang po ako." Mas okay nga na mapahamak ako para maoospital ako tapos hindi na tuloy ang fixed marriage tapos magbabagong buhay na sila mom at dad at hahayaan nalang nila ako sa gusto ko. Diba?
Napailing ako at natawa sa naisip ko.
Pagkadating ko sa La Via Restaurant ay kinausap ko agad ang waiter na nasa entrance. "Table for Monteverde And Fajardo."
"This way ma'am." Mabuti naman at nakarating ako ng 7:10. Medyo malayo din kasi yung La Via sa bahay namin.
Pumasok kami sa isang exclusive room. Nakita kong may nakaupo na lalaki dun, naka formal din siya pero all black. Nung unang titig niya sakin ay tumaas ang balahibo ko. Hindi ko alam kung yung aura ba niya yon o yung suot niya kasi all black pero naiintimidate ako sa kanya. Or talagang kabado lang ako dahil first time ko ito?
![Reasons To Love You [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/6688055-64-k824034.jpg)