Yes, I do

73 1 1
                                        

Sa hindi inaasahang pagkakataon nung nakilala kita. Naalala ko noon, Unang araw nang pasukan. Naglalakad ka nang mabangga mo ako sakto pagbaba ko ng sasakyan

"Aray! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh!"

"Sorry miss hindi kita napansin nagmamadali kasi ako. Pasensya ka na"

Nagmamadali ka nung araw na iyon kaya nabangga mo ako. Humingi ka nang pasensya habang tinutulungan mo akong pulutin iyong nahulog na gamit ko.

"miss ito oh"

Hindi ko napansin na inaabot mo na pala sa akin ang gamit ko naka-sentro kasi ang atensyon ko sa mukha mo. Ang gwapo naman neto! Salitang tumatakbo sa isip ko nung panahon na yon

"Uhm.. miss ito na nga pala iyong mga gamit mo. Pasensya ka na ulit"

Nagulat ako nang hawakan mo ang kamay ko para iabot sa akin iyong mga gamit ko. Masyado na pala akong mangha sayo kaya hindi ko napansin yung sinabi mo. Nakakahiya

"A-ah oo, oo s-sige"

Tumakbo ako palayo nun sa sobrang hiya ko. Matagal pa naman bago ang simula nang klase ko kaya lumayo ako nang kaunti sa school non.

Nung araw na din na iyon mismo nakipag-away ako sa guard dahil ayaw akong papasukin dahil wala akong maipakitang I.D ilang minuto akong nakatayo doon pinagtitinginan nang mga estudyante pero hindi ko inalintana iyon.

"Kuya Manong naman first day of class ngayon tapos hindi ako makakapasok?"

Paulit-ulit kong sinasabi sa guard noon na naiwala ko ang I.D ko. Tanging iling lang at pagtanggi ang natatanggap ko mula sakanya. Isang estudyante ang lumapit sa akin na naging dahilan para makapasok ako

"Siya Kuya Manong! Siya yung lalaking may kasalanan kung bakit nawala yung I.D ko"

Ikaw. Ikaw yung estudyanteng tumulong sakin kaya nakapasok ako. Talagang pinag-laruan tayo nang tadhana non. Ilang beses pinagtagpo ang landas nating dalawa. Pinaghinalaan kita dahil parang napaka-imposible nang salitang coincidence para maging dahilan nung makita kong papasok ka rin sa room kung saan ang klase ko.

"Sinusundan mo ba ko?"

Lumapit ako sayo at tinanong ang mga salitang ito. Nainis ako dahil ikaw yung may hawak nang I.D ko non. Oo, alam kong mali pero ikaw ang sinisi ko non.

"Miss hindi kita sinusundan. Dito ang klase ko at ito iyong room na itinutukoy doon sa resibo noong nag-enroll ako"

"Eh bakit kinuha mo iyong I.D ko kanina?"

"Miss naiwan mo iyon kanina nung tumakbo ka bigla"

Iyon. Iyon ang unang pag-uusap natin nang matagal. Nakakatawa pero doon nagsimula ang pagkakaibigan nating dalawa. Masaya ako kapag kasama kita.

Maraming tao rin ang nagtataka kung bakit tayo laging magkasama kung tutuusin kasi ay salungat ang katangian nating dalawa. Madaldal ako, tahimik ka. Pero sa halos lahat ng pagkakataon hindi mapaghiwalay tayong dalawa.

Ilang buwan lang ang lumipas ng mapagtanto ko sa sarili ko. Corny man pakinggan pero kagaya ng mga palabas na drama minahal kita. Alam ko sa sarili ko yun at walang duda. Sino ba naman ang hindi? mabait ka, maalalahanin, halos prinsesa na nga ang ituring mo sakin pero alam ko rin na pagkakaibigan ang dahilan kaya ginagawa mo yun sa akin. Ako ang tanging kaibigan mo, ganun ka din naman sa akin. Kaya hindi ko masabi sayo. Natatakot ako

Yes, I Do (One-Shot)Where stories live. Discover now