XXII: Promises we can't and can keep

Comincia dall'inizio
                                    


"Ate Dana, ate Dana." Naririnig kong humahagulgol si Pip sa tabi ko. Nakahawak siya ng mahigpit sa dulo ng t-shirt ko.


"Dana hinga, huminga ka lang ng malalim, hinga lang ng hinga." Paulit-ulit na sambit ni Wacky habang mariin akong tinitingnan sa mga mata. Humihinga siya ng malalim na tila ba pinapasabay ako sa kanya.


Ang sakit sakit na ng dibdib ko, literally and figuratively. Para akong nabubulunan sa sarili kong paghikbi at naninigas na ang mga kamay kong ubod ng lamig. Dahil wala nang lakas, napaupo ako sa sahig at umiyak na lamang ng umiyak pero sa kabila nito ay itinaas ko ang kamay ko sabay wasiwas nito, gusto ko silang tumakbo na at iwan na lamang ako dito sa isang madilim na eskinitang pinagtataguan namin.


"Tangina Dana hindi lang naman ikaw ang nawalan ng kaibigan!" Nagulat ako nang bigla na lamang pabagsak na naupo si Wacky sa tapat ko at nagulat ako nang bigla siyang umiyak. Habang kagat ang labi at sapo ang buhok, iyak siya nang iyak, "Alam mo ba anong ginawa ko?! Tumayo lang ako doon at pinanood ang mga hayop na 'yon habang pinagtutulungan nilang saksakin si Churchill! Wala akong ginawa! At ako pa mismo ang wumasak sa ulo niya! Si Church—" Napailing-iling si Wacky marahas na sinapo ang batok.


"I promised her that I would protect her... I promised..." Biak man ang boses, nagawa kong makabuo ng salita sa pagitan ng mga hikbi ko, "at si Shem, Wacky.... Wacky, hindi 'yon dapat nangyari kay Shem. Wacky ako yung hinahanap ni Boris at hindi si Shem."


"Dana, dana nagmamakaawa ako sa'yo..." Mahinang sambit ni Wacky at tiningnan ako na animo'y nagsusumamo, "Dana kahit para sa bata, kahit para sa bata subukan nating lumaban. Ang isa't-isa nalang ang makakapitan natin—"


"S-si Raze." Hindi ko napigilang maibulalas nang sumagi siya sa isipan ko.


"A-asan siya?" Nag-angat ng tingin si Wacky, naguguluhan.


"Shit! Shit he was on the station! Sa second floor!" Bulalas ko at kahit wala ng lakas ay pinilit kong tumayo dahilan para muntikan akong matumba kung hindi lang dahil sa pag-alalay sa akin ni Wacky.


"Dana wala nang tao doon, kung meron man dapat lumabas na siya dahil sa ingay natin." Katwiran ni Wacky dahilan para mapapikit na lamang ako't muling maiyak, "Dana pakiusap, kailangan ka namin ni Pip, hindi mo kami pwedeng sukuan."


****


Para akong nakalutang habang naglalakad. Hindi ko mapirmi ang atensyon ko sa nilalakaran dahil maya't-mayang bumabalik sa isipan ko ang paghihirap ni Shem at ang anyo ni Cielo... At higit sa lahat ang mga alaala.


"Dana.." Bahagya akong nilingon ni Wacky at mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Tumango-tango siya na para bang pinapalakas ang kalooban ko. Nang tumango-tango ako ay ibinalik niya ang atensyon sa eskinitang dinadaanan namin at mas hinigpitan ang hawak kay Pip na karga niya.


Sina Wacky at Pip... Sa kabila ng lahat, hindi ko kayang sumuko dahil sa kanila, hindi ko sila pwedeng sukuan. Nakikita ko kay Wacky ang kagustuhan niyang mabuhay at magpatuloy hindi lang para sa sarili niya kundi para narin sa kapakanan ni Pip, ano pang pinagkaiba ko sa mga walang pusong skunks na 'yon kung tatalikuran ko sila?

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora